WHEN YOU ACTUALLY SAW DEATH

367 4 0
                                    

"WHEN YOU ACTUALLY SAW DEATH."

This is my first time to share something creepy about me but here it goes.

Ang hindi ko gusto sa lahat, yung nanaginip ng masama.

Di ko alam kung pa'no magsisimula pero eto na. Medyo mahaba-haba to. Pero nasayo na kung babasahin mo.

Isang gabi, nanaginip ako. Nasa tulay daw ako, nakatayo. Nakasuot pa ako ng pantulog. Medyo malamig dito. Pinagmamasdan ko ang mabilis na pagpapatakbo ng kaibigan kong itatago natin sa pangalang Mark sa kanyang motor. Pero bigla nalang itong nabangga. Sa sobrang lakas ng impact, tumilapon ang kaibigan ko. Tumama ang ulo niya sa isang malaking bato, tapos tumilapon uli na parang bolang dini-dribble. Nakita ng dalawa kong mata ang pagbagsak niya sa tubig sa baba ng tulay. Gusto kong tumulong, pero di ko magalaw katawan ko. Maya-maya parang may isang malakas na pwersa ang humawak sa ulo ko, at iniharap sa akin ang relo ko. "Ha? 3:30am."

Paggising ko, putlang putla ako. Nasabi ko sa sarili ko "Putangina, anong klaseng panaginip naman to yun 'O. Putragis." Paggising ko ay dali-dali akong naglinis ng kwarto at lumabas. Napansin ko ang pag titipon ng mg barkada ko sa labas. "Hoy mga brad, umagang umaga pa nag chi-chismisan na kayo ah." Unang pagbati ko. Tinignan nila ako, sa halip na ngumiti ay bigla nalang silang nalungkot. "Patay na si Mark. Na disgrasya sa kanyang motor kanina sa ****** bridge. Dead on arrival daw." Sabi ng isa kong barkada. "Time of death, 3:30 a.m. Tama ba?" Sambit ko. Nanlaki ang mga mata nila. "Teka, pano mo nalaman?!"

Put*ng*na, ano bang nangyayari sa 'kin.

"Teka, 'san ka ba galing? Bakit nakapantulog ka?" Tanong isa ko pang kaibigan. "Ha? Ano ibig mong sabihin? Ulol, kakagising ko lang." aniko. "Tignan mo nga sarili mo, nakapantulog ka pa." "Ha? Ano ba pinagsasabi mo?"

Pumasok ulit ako sa loob ng bahay. Bigla nalang akong sinampal ng tatay ko. "Puny*ta ka! 'San ka nanggaling?! Buong gabi kang wala sa kwarto mo!"

Nanlamig ako, malamig na pawis ang umaagos sa katawan ko. Parang naubusan ako ng dugo sa na-realize ko..

NAKITA KO PALA ANG PAGKAMATAY NG KAIBIGAN KO, HINDI PALA PANAGINIP YUN.

-DreamBad

📜Spookify
▪︎2015▪︎

[1] True Filipino Horror Experiences (Tagalog)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon