Dance Room

76 5 0
                                    

DANCE ROOM

"Nangyari 'to last month. Dancer ako. Tsaka that time, break time rin. So pinagpapahinga muna kami sa loob ng dance room. Yung ibang pep squad nasa loob narin. Nakaupo sila malapit samin. Close naman kami. Sobra. Bigla naman akong kinalabit ng kaibigan kong captain sa pep.

Sya: Sis. Bigat ng pakiramdam ko.
Ako: Pahinga kalang. Pagod kana eh. Inom ka din tubig.

Tumango nalang sya at tumayo narin para uminom ng tubig. Pag balik nya ang putla ng mukha nya. Sobra.

Ako: Sis! Ang putla mo.
Sya: Pagod sis.
Ako: Pahinga ka.

Tumango ulit sya. Tumayo naman ako at nag stretching sa harap ng mirror. Tinawag naman ako ng kapwa ko dancer na si Femi.

Femi: Beh. Picturan mo nga ako. Isang shot lang ah.
Ako: Sige. Amin na.

So ayun. Pinicturan ko sya. At pagtapos nun, binalik ko na yung phone nya. Umupo na ako ulit sa gilid. Bigla namang sumigaw yung choreo namin.

""Guys! Pahinga lang kayo ah. Pag balik ko mamayang 3:30, practice na ulit. Pwede kayong matulog! HAHAHA.""

Natuwa naman kami. So ayun. Wala akong nagawa kasi pagod narin ako. Natulog kami ng mga dancers. Siguro mga 30 minutes lang tulog ko. Bigla kasi akong ginising nilang LAHAT. Kinabahan naman ako nun. Kasi lahat sila alalang alala na nakatingin sakin. Naka-pabilog pa.

Ako: Anong meron?

Femi: Gosh girl. Kanina ka pa namin ginigising. Mag iisang oras na kaming gising ng gising sayo pero wala parin. Nabuhusan ka tuloy ni captain ng tubig. Jusko buti nalang nagising ka. Grabe!

Ako: Huh? Bakit? Ano bang meron? Umayos nga kayo.

Femi: Kasi diba nagpa-picture ako sayo kanina? Pero yung picture na kinunan mo, nasama ka sa likod ko. Lahat kami alam na ikaw yon. Kasi yung figure ng katawan mo, buhok, damit. Ikaw na ikaw girl. Tsaka parang dumaan kalang pero sobrang linaw. Diba dapat malabo? Lalo na pag dadaan ka tas pag may nagpipicture? Diba dapat malabo or blurry sya? Pero sayo hindi. Sobrang linaw. Kaso wala kalang mukha! Kulay itim lahat. Girl. Nakakatakot.

Tumayo lahat ng balahibo ko. Sobra. Halos maiyak narin ako non. Pinakita nila yung pic, at akong ako nga. TT__TT

Pinag-dasal nila ako. u-blessing narin sa dance room. May namatay daw kasi doon dati. Pero buti nalang walang nangyaring masama sakin. Sana po nagustuhan nyo. :)

P.S SORRY KUNG DI PO MAPAPAKITA YUNG PICTURE. DINELETE NA PO KASI AGAD."

DJP's ❤


📜Spookify
▪︎2016▪︎

[1] True Filipino Horror Experiences (Tagalog)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon