Ang pusang naka steroids

57 3 0
                                    

Ang pusang naka steroids

Naglelabor na si Lyn umaga pa lang ng March 18, 2013. Pinag aaralan ko yung report ko sa stat non kaya hindi muna ako pumunta. 9pm same day, kararating ko lang galing school, night class kasi ako,  tinawagan ako ni Tito (Erpat ni Lyn). Pinapapunta nya ko sa ospital kasi hindi pa rin naiire ni Lyn yung baby. Paglabas ko ng gate namin, nakangising mukha na nila Ison ang sumalubong sakin. Pati pala sila tinawagan ni Tito. Pagdating naming ospital, narinig agad namin boses ni Lyn na sumisigaw. Nagwawala na ang bruha. Nasa may isang kwarto sya kasama ng mga buntis din na katulad nya naglelabor na. May lumapit sa kanyang doktor, ang sabi maglakad lakad sya para bumaba na yung bata, kalahating araw na kasi syang naglelabor.

Napabangon non si Lyn. Hindi pa rin nya kami nakikita, naka ulo kasi sya sa pinto. Bumango sya. Nagulat yung doktor.

""Dok naman. Kaninang umaga pa kayo ie ng ie sakin. Papasukin nyo ko dito, tas palalabasin, tas papasukin ulit. Ang hapdi na ng **** dok. 3cm kayo ng 3cm, nakailang pabili na kayo ng gloves. Mauubos na pera ng asawa ko. Ginto presyo ng gloves nyo. BIYAKIN NYO NA LANG TYAN KO. MAY PHILHEALTH NAMAN ASAWA KO!""

Nagulat lahat ng nandoon. Tas kami tumatawa kaming sinaway sya. Nung lumingon sya samin, nasabi na lang nya tol. Tas nag hugis O na yung bibig nya. And that's it folks nai-ire na nya yung inaanak namin. Walang five minutes, totoo. Si Tito nung inilpat na ng kwarto si Lyn, tumatawa habang nagpupunas ng pawis, sabi nya may ganon daw talaga. Parang huling paglilihi ng baby. Pag hindi nasunod baka hindi sya lumabas, dun na sya mag grade one sa tyan ng mama nya. Kaya pala pinatawag nya kami, naisip nya na baka gusto ng first apo nya na makita ang mga future ninang at ninong nya kasi kami lagi ang kasama ni Lyn nung naglilihi sya. Naiwan si Dodong (asawa nya) sa may nursery para bantayan yung baby kasi lilinisan pa tas titimbangin, kukuhanan ng dugo para sa newborn screening mga ganoong eklavu. Kasama nya si Tita.

Nagkwekwentuhan kami, binabanatan namin yung ponkan kasi sabi ni Tito kainin na namin. Bawal daw kasi sa bagong panganak yung maasim, iniinggit namin si Lyn, nagtakip sya ng unan sa bwisit samin. Tas mga twenty minutes, si Dodong dumating. Nagkakamot sya ng ulo. Tinanong ni Tito nasan na si baby tas si Tita.

""Nasa nursery pa rin pa""

Pinabalik sya, pero parang ayaw nya. Tinanong namin kung anong problema. Patingin tingin sya kay Tito, ayaw nyang sumagot nandoon lang sya sa may pinto.

""Bakit? Isasaksak ko tong dextrose sa ulo mo kung hindi ka sasagot"" Si Lyn, nagreready na para bunutin yung nakalagay sa kaliwang kamay nya. Akala namin may problema sa baby. Para kasi syang lumaklak ng isang galong sukang basi sa itsura nya.

""Samahan ka namin Dong"" Hinila ako ni Baki, hinila ko rin si Ison, si Ison hinila nya si Ilad, si Ilad hinila nya si Kulas. Ganito set up ng ospital. May dalawang entrance at exit. Sa gitna ng ospital, andon yung nurse station. Pag mangagaling sa nursery, ward, private rooms, OR , at delivery room daraan at daraan doon sa may nurse station. Bawal yung maraming pupunta sa nursery kaya paisa isa kaming dumaan. Sumabay ako kay Dodong. Naabutan namin si Tita na nakadungaw sa glass window nakatakip ilong, may apat pang iba nakatakip din ng ilong. Nung nakalapit kami, nalaman namin kung bakit.

Ang lansa lansa, nakakasuka. Sabi pa ni Tita, kanina naman daw hindi ganon, nung dumating lang yung isang nurse, saka umamoy ng ganon. Nagtinginan na kami, tas tinanong namin si Tita kung si Bok (Anak ni Lyn) nalinisan na. Di pa raw, may nililinisan pa yung nurse. Hinanap namin kung nasaan yung nurse kasi wala sya don sa parang pagtitimbangan sa baby.

""Pumasok sa loob"" Tinuro ni Tita yung pinto ng cr sa may nursery. Alam ko kasi nanganak yung pinsan ko ako rin ang kasama.

""Hano?"" Sila Baki.

""Dala nya yung isang baby""

Bakit sa cr nya lilinisan? Triny namin kung hindi nakalock yung pinto. Pisti! Nakalock. Inutusan namin si Dodong na magtawag ng pwedeng magbukas. Ang kawawang si Dodong, ang pinuntahan nya sila Tito at Lyn. Hindi namin alam kung matatawa o maiiyak kami sa itsura ni Lyn nung gabing yun. Parang hindi sya nanganak. Magkasalubong ang kilay, yung stand ng dextrose nya bitbit nya. May isang nurse ang nakasunod sa kanila ni Tito. Pinipilit na pabalikin si Lyn sa loob ng kwarto nya, baka kasi mabinat.

[1] True Filipino Horror Experiences (Tagalog)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon