Forest VI

37 4 0
                                    

Forest VI

I.
https://m.facebook.com/story.php?story_fbid=625506928190914&id=218238752251069

II.
https://m.facebook.com/story.php?story_fbid=653497502058523&id=218238752251069

III.
https://m.facebook.com/story.php?story_fbid=696919274383012&id=218238752251069

IV.
https://m.facebook.com/story.php?story_fbid=716043365803936&id=218238752251069

V.
https://m.facebook.com/story.php?story_fbid=725630954845177&id=218238752251069

Nabanggit ko kay eva yung nangyari kila paul nung kasagsagan ng bagyo. Mga isang buwan pagkatapos non e dinayo nya ko sa bahay namin. Inaya nya ko dun sa stall nila yna. Kumikinang pa mga mata nila nung tatlo nyang kaibigan. Excited sila sa kababalaghan. Sinamahan ko sila. Pagdating doon, wala si yna. Nanay nya lang nandun. Nagkataon namang mahilig sa ukay sila eva kaya nagtingin tingin na rin sila. Tapos nung magbabayad na si eva, pagbigay nya ng bayad nya sa nanay ni yna bigla syang napapikit. Matik na sinalo ko sya kasi patumba na sya. Ako ng kumuha ng sukli nya pati nagdala nung binili nya. Yung tatlo binitawan na mga tinitignan nilang damit. Diretso kaming plaza. Pawis na pawis si eva. Pero alam nyo yung itsura nya para syang natutuwa pa.

'may lalaki yung babae simon' sabi nya sa pagitan ng malalim na paghinga. 'pero noon pa. Yung bunsong anak nya, anak nila nung naging lalaki nya'

Bigla ko syang pinitik sa noo. 'wag ka ngang ganyan eva, nanay ni yna yun'

Humigpit hawak nya sa braso ko. 'seryoso ako mon. Tanungin mo yung yna kung nag abroad ba mama nya. Dun nya nakilala yung lalaki. Totoo yung sinabi ni noel, kulam yun. Yung lalaki ang nagpagawa. Ang gusto nung lalaki' pumikit sya. 'ang gusto nya mamatay yung asawa nung babae para magsama na sila'

Iniwanan ko silang apat sa plaza. Lakad takbo ginawa ko makauwi lang agad. Natunog cp ko pero di ko pinapansin. Pagdating ko sa bahay nakita kong si eva pala tumatawag. Hiniram ko tricycle ng kuya ko. Tapos nakitawag ako kay kuya tom wala kase kong load. Tinawagan ko si maki. Bulol bulol pa ko na magsabi kay maki. Sabi nya magkita kami sa harap ng school. Pagkalabas ko nung tricycle, syang baba nila eva sa tricycle. Tinanong nila ko kung saan ako pupunta, sinabi ko makikipagkita ako kila maki. Sakay naman sila agad sa tricycle ni kuya.
Ilang minuto lang kami naghintay. Dumating agad si maki at paul, nakamotor din. Tapos andyan na rin si noel, nakamotor din. Di sya tumigil, sya sinundan namin. Kila yna ang punta namin. Nung nasa harap na kami ng gate nila yna, tinawagan sya ni noel. Nasa gitna ng maisan bahay nila. Pinasok namin mga motor namin pagbukas nya ng gate. Tinanong agad ni noel sino kasama nya sa bahay nila.

'ako lang tapos bunso kong kapatid. mamaya pa uwi ni mama, sila ate naman mamaya pa rin nakikipagtsismisan pa sa kanto. Si papa nagdeliver ng prutas at gulay sa la union. Bakit?'

Pinasakay na sya ni noel sa motor nya. Di na sya sinagot. Pagpasok namin sa bahay nila. Tumingin si noel ng matagal kay eva. Si eva naman tumango.

'be nag abroad ba mama mo?'

Mejo nagulat si yna pero tumango sya tapos napatingin sya sa kapatid nyang naglalaro sa gilid nya.

'b-bakit? Tungkol ba to doon sa....'

'alam mo' si noel.

'ang alin?' tanong ni yna

'yung pangangabit ng mama mo habang nasa ibang bansa?' si cristine. Sabay sabay namin syang tinitigan ng masama. 'bakit? Dun din naman pun---'

'cristine naman eh' saway ni eva sakanya. Nanahimik sya.

'matagal na yun. Sabi ni mama pinagsisihan nya yun. Sabi ni papa kalimutan na namin. Pinatawad nya na si mama. Okay na sila. May kinalaman ba yun sa....' si yna.

[1] True Filipino Horror Experiences (Tagalog)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon