Cabinmate cut

80 8 0
                                    

"Cabinmate cut"

I: https://m.facebook.com/story.php?story_fbid=1381434402209168&id=622077878144828

Hello po admin at sa mga sumusuports sa page na ito. Sorry kung natagalan, , nag asikaso kasi ako ng requirements dahil sampa ulit 😅 nababasa ko po mga comment niyo pati mga kabaro ko sa barko na nakakaramdam din ng ganitong ganap.

Sa mga nagtatanong po ng name ng barko, Sorry po, di pwedeng sabihin ang cruiseline company para na rin po sa safety reasons. Basta isa sila sa kilalang kilalang barko. ☺️ lahat ng names na nabanggit ay code lang po, to protect their privacy na rin :)

Sa Wednesday pa po malalabas ang part two. Title: JESSEL :)

"Bisag unsaon ko, 'di gyud ko kalimot nimo
Ug bisag unsaon, permi gyud ka sa huna-huna ko, Bisan pa wala nata, tungod kay may-lain kana , Pero sa dughan ko ikaw pa 🎵🎶 “ ahhhh!!! Malakas na sigaw ko kasabay ng paghawi ko ng kurtina, napanaginipan ko si jessel, di ko alam kung bakit, pero baka sa sobrang di ako makamove on sa nangyari. Sa panaginip ko kumakanta siya, pero nakatalikod, bahagyang nakayuko. Habang kumakanta siya lumilingon lingon siya sakin pero nakahawak ang kamay niya sa mukha niya, sa tuwing lumilingon siya nakikita ko mata niya, alam niyo yung mata na di tugma sa hitsura? Kumbaga masaya ang mukha niya pero malungkot ang mata. Nakatitig lang ako sa knya, ang nakakagimbal dun. Habang kinakanta kanta niya yan ng paulit ulit umaatras siya papunta sakin, bigla siyang huminto. Umiyak, yung iyak na lagi kong naririnig nung magkasama pa kami sa cabina yung may hagulgol. Tapos biglang humarap siya sakin "haha haha hahahahahaha ahahahahaha" tawa siya ng tawa ang lakas pero ang mas natakot ako habang tumatawa siya bukod sa nalalaglag ang balat sa leeg niya paulit ulit niyang sinasabi "halika".

Buti nalang at tumunog ang wake up call sa phone namin. 5am, gangway duty...embarkation day na...

Dahil sa nangyari kumalat ang balita sa ibang crewmates, natural yan sa buhay barko, isang chismis kalat agad. Ultimo mapagalitan ka lang ng amo mo alam na ng lahat.
Every embarkation day nagduduty ako sa labas kasama ng mga ibang official ng barko. Minsan kasama ko ang hotel director,F&B director or head ng security...nandun kami sa labas nagpapaalam sa mga guest...nung nagduty na ako, nakita ako ng HD (hotel director) lumapit siya sakin at kinamusta ako "you know in our department many of my staff experience the same shits, one of my staff saw a figure of a women floating in the air ya, he runs like a chicken when he saw that” sabay tawa (ganyan sila mag english guys) "thats normal, ignore them. Because the moment they knew that you saw them, they will hunt you" bulong niya. E di natakot na naman ako, imbis na moving on na.

Pag tapos akong kausapin ni HD, lumapit sakin si F&B director sabi niya (tatagalugin ko nalang guys ayon na rin sa pagkakatandaan ko) "kmsta ka? Nageenjoy ka ba sa work mo?kamsta mga kasama mo sa work?” Sabi ko naman na ok lang naman sa work, tapos pinakita niya sakin cellphone niya (oo nga pala guys, patapos na ang gangway duty ko that time) tapos pinakita niya sakin ang picture niya kasama ng ibang crew noong nag alaska sila, ang saya nilang lahat sa picture na naglalaro sa snow. Tapos bigla siyang  ngumiti, sabi niya "siya si jessel” sabay turo sa babaeng nakangiting kasama ang mata, medyo chinita pero ang mata niya almond type, may isang dimple sa kaliwang pisngi. Maganda ang buhok at maputi. "Kasundo niya lahat, halos nga lahat dito sa barko kaibigan yan. Yung iba tinatawag siyang mami kasi sobrang maalaga, lalo na sa work never nalalate, masipag talaga, jusko sayang ang bata na toh talaga, sobrang sayang, kaya noong nawala siya sobrang panghihinayang naming lahat" dagdag ng ni F&B

Pag tapos ng usapan na iyon, ang dami nang naglalaro sa isip ko. Habang naglalakad ako sa i95 (hallway ng crew sa barko) naisip kong puntahan si culinary admin. "Maam goodmorning po, pwede pong magtanong about kung ano nangyari kay jessel" "busy ako e kasi crewing ngayon, pero ito. Sknya ka magtanong about kay jessel bestfriend niya si jessel at sakto sign on niya ngayon" sagot ni Culinary admin. "Edwin 2nd Cook?”bigkas ko habang palabas ng pinto.

[1] True Filipino Horror Experiences (Tagalog)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon