LALAKING ITIM

84 5 0
                                    

LALAKING ITIM

Nagkwento sakin si mama kanina through video call, sa abroad kasi siya nagwo-work. 3 days na kasi yung lagnat ko kaya siguro naalala niya to. Nung bata raw ako madalas akong magkasakit. At eto raw yung nangyayari PALAGI.

Imagine niyo na lang muna ito para ma-gets niyo scenario, (second floor ng bahay namin yung kwarto, may terrace) sa loob ng kwarto namin may isang malaking bintana at isang maliit. Yung malaking bintana, dun kami naka-face pag natutulog at yung maliit na bintana nasa gilid naman ng kama namin.

Ayun na nga, tuwing nilalagnat daw ako lagi niyang nararamdaman na may palakad-lakad sa terrace. Hanggang isang beses nakita niya yung pagsilip ng lalaki mula sa bintana (hindi niya nakikita yung mukha dahil madilim, kinabahan daw si mama nung unang beses niya to naranasan pero nilabas niya pa rin yung lalaki dahil akala ni mama magnanakaw, kaso wala naman siyang nakita sa paglabas niya). Sabi ni mama lagi niya nakikita sumisilip yung lalaki sa ikatlong araw ng lagnat ko at tuwing sumisilip yung lalaki sa pangatlong araw na nilalagnat ako, kinabukasan gumagaling na agad ako.

PERO MAMA NAMAN, E! Bakit ngayon mo pa kinwento yan sa tinagal kong nabuhay sa Mundo?! Huhuhu! PAANO KUNG SUMILIP SIYA?! Eh ako na lang mag-isa natutulog sa kwarto na to?! GAGALING NGA SIGURO, PERO FEELING KO BAGO MANGYARI YUN AATAKIHIN MUNA AKO SA PUS0. :( Sana hindi siya sumilip kasi napapamura talaga ko sa takot! Di bale ng lagnatin everyday. O kaya sa susunod na lang na lagnat ko. T*ng*na, di pa ko ready! HUHU!

Sc
2015
*Confidential

#USFComeback

📜University Secret Files

[1] True Filipino Horror Experiences (Tagalog)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon