TILL DEATH, WE'LL NEVER PART Last Part

52 4 0
                                    

TILL DEATH, WE'LL NEVER PART Last Part

https://www.facebook.com/1305050579651050/posts/1382956355193805/

The human mind is very complex. Sometimes, it even plays tricks on us. We fail to see the answers na all the while, nasa harapan na pala natin. But when unexplainable things happen, ang mga kasagutang ito ay kusang bumabalik. It is then that things come full circle, and everything clicks.

"Kuya Win! Kuya Win!" sigaw ko habang papalapit kay Sheila sa kusina. "Hoy, b-bakit?" nahihintakutan namang tanong ni Sheila sa akin nang hilahin ko siya papunta sa likuran ko. Humarap ako sa kanya at diretsahan siyang tinanong, "Bakit mo ginawa yun?" Hindi siya sumagot at tila naguguluhan kaya tinanong ko siya ulit. "Tell me. Magsabi ka ng totoo. Ikaw ang tumatawag sa spirit ni Ate Neri, di ba? Sabihin mo ang totoo!" Medyo tumaas na ang boses ko sa puntong ito. Namutla si Sheila at nagsimulang mangilid ang kanyang mga luha. Patakbong tinungo ni Kuya Win ang kinaroroonan namin habang tinatanong kung ano ang nangyayari. Nang makalapit siya, tinabig niya ang mga kamay ko na hindi ko namalayang nakahawak pala ng mahigpit sa magkabilang braso ni Sheila. "Bitawan mo siya!" singhal niya sa akin. Pagkasabi niya nun ay biglang kumalabog nang pasara ang lahat ng mga bukas na pinto sa bahay. Nagsiksikan kaming tatlo habang patakbong tinungo ang front door.

Lumilinga-linga ako para hanapin yung dalawang pigura na nasa likuran kanina ni Sheila. Naglaho sila nang makalapit ako sa kanya. Wala rin sila sa itaas. "Ayaw mabuksan," sabi ni Kuya Sherwin habang kinakalikot ang doorknob. "Hintayin nyo ako dito at kukunin ko yung susi sa taas." Saktong napatingala ako ulit at nakita kong naroon yung payat na lalaki sa hagdanan. Bigla ko na lang naramdamang uminit ang pakiramdam ko, and right at that moment, nakita kong malakas na itinulak nung lalaki si Kuya Sherwin at lumagpak siya sa sahig sa tabi namin. Napasigaw ako kaya lumingon si Kuya Sherwin na nasa paanan pa lang ng hagdan. "Wag, Kuya!" umiiyak kong sigaw. Tumakbo ako papalapit sa kanya saka hinatak pabalik sa tabi namin. "Why? What is happening?" sabi niya. Tila pasmado ang bibig ko at hindi makapagsalita. Gulong-gulo ang isip ko nang mga oras na iyon. What did I just see? Vision? Premonition? Sumakit ng sobra ang ulo ko na para itong pinupukpok.

Nadatnan kaming tatlo nina Tita Chona at Tito Mike na nag-iiyakan sa may sala. Although tahimik na yung bahay, alam kong naroon pa rin yung dalawang entities. Tinawagan ni Tito Mike si Pastor Ed para dun muna sila sa church magpalipas ng gabi. Tumawag din ako sa bahay namin para magpasundo. Nang makarating kami sa church, tinanong kami ni Pastor Ed kung ano ang nangyari. Umamin si Sheila na siya nga ang puno't dulo ng lahat ng ito. Sabi niya, naaawa raw siya kay Kuya Sherwin dahil biglaan ang pagkawala ni Ate Neri. "Alam kong sinisisi mo ang sarili mo, Kuya," paliwanag ni Sheila. "Wala kayong closure. Ni hindi niya narinig ang boses mo bago siya tuluyang mawala. Gusto ko lang sana na kahit isang beses man lang ay makausap mo siya ulit. Pero puro failed ang mga attempts ko. At hindi ko rin inaasahan na ganito ang mangyayari." Humarap sa akin si Sheila at hinawakan ang mga kamay ko. "I'm sorry, Marg. Sorry talaga dahil pati ikaw dinamay ko. I was hoping na matawag ko nga ang kaluluwa ni Ate Neri and since alam kong nakakakita ka, pinapunta ko kayo ni Cams dito. Kung sakaling nakabalik nga siya, magpapatulong sana ako para makausap siya ni Kuya."

"So, about dun sa libro na ikinwento mo sa akin. Kanino talaga yun?" tanong ko kay Sheila. "Sa akin," sagot naman niya. "Isa pa ito sa ipagso-sorry ko sayo, Marg. Actually, nahuli ako ni Kuya nung binubuksan ko yung package. Hindi ko alam na maaga pala siyang umuwi. Nagpalusot na lang ako na sayo yung book na yun para hindi niya ako isumbong kina Mama. At kaya ko sinabi sayo na kay Kuya yung book ay para hindi mo ako paghinalaan. Saka alam ko ring hindi mo kokomprontahin si Kuya."

"San mo galing yun?" tanong ni Kuya Sherwin. "Sa [name of country redacted]. Inorder ko siya sa isang occult site." Napabuntong-hininga si Pastor Ed bago nagsalita, "Ilang beses mong sinubukang gawin iyon? Kung dalawa yung entities na nasa bahay ninyo. I'm sure hindi lang minsan." Napayuko naman si Sheila. "Apat o limang beses po, Pastor," sabi niya. "Yung mga naunang attempts ko, wala pong nangyari kaya inulit-ulit ko hanggang sa parang may natawag na nga ako." "Kailan mo ginawa yung last? tanong ulit ni Pastor. "Kahapon po ng gabi," mahinang sagot ni Sheila. Bumaling sa akin si Pastor Ed. Mataman niya akong tinititigan na para bang sinusubukan niyang basahin ang nasa isip ko. Nagbaba ako ng tingin at naramdaman ko ang pagdampi ng kamay ni Pastor Ed sa balikat ko. "Wag kang matakot, anak. Sabihin mo sa amin kung ano ang mga nakita mo."

[1] True Filipino Horror Experiences (Tagalog)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon