Devil's Child

78 6 0
                                    

Devil's Child

This is my very first time na magshare tungkol sa asawa ko.

Ako si Gavin and I'm already married last March 2015. Nangyari ang di ko inaasahan nung October 2015. Ilang buwan pa lang ng pagsasama namin ng misis ko as a couple ay nakadistino ako dito sa manila, I'm a call center agent. 2 months akong naassign doon at di ako umuuwi sa davao kasi para tipid pamasahe na rin. Nagtatawagan lang kami ng asawa ko nun, pero may napansin ako. Pag uwi ko sa amin dito sa Davao ay nadatnan ko ang asawa ko na parang walang tulog, kasi yung eyebags nya nangingitim at sobrang lalim ng mata nya. Walang kasama nun si misis dahil kaya nya daw mag-isa, she insist kaya wala na akong nagawa.

Tinanong ko ang asawa ko kung anong nangyari, pero iyak lang ang isinagot nya sakin. Pinapatahan ko sya, pero lalong lumakas ang iyak nya. Hanggang sa makatulog sya at hinahaplos ko yung pisngi nya. Naalimpungatan ako alas dos ng madaling araw, kinapa ko yung asawa ko pero wala sya. Tinawag ko yung pangalan nya papunta sa sala at kusina pero di ko sya makita, di rin sya sumasagot. Pumunta ako sa garahe at dun ko sya nakita, nakatihaya at dilat ang mata pero may mga luhang lumalabas. ""Tulungan mo ko"" sabi nya, inakay ko sya papuntang kwarto at tinatanong kung ano talagang nangyayari sa kanya, still iyak pa rin ang sagot nya.

Kinaumagahan, nagluto na ako ng breakfast. Bigla akong nagtaka kung sino ang nagdoorbell ng umagang yun. ""Oh ma, napadalaw ho kayo?"" Nagmano ako saking mother-in-law. Pinaupo ko muna si mama kasi galing pa syang bukidnon at para tapusin rin yung niluluto ko. After that, umupo ako sa sofa kaharap si mama. ""Kumusta na anak ko?"" ""Ok lang po sya ma"" tapos nakasmile pa ako. Pero si mama parang nanginginig na di ko maexplain. Tapos nagsalita si mama ""Anak may dapat kang mala---"" di natapos ni mama yung sasabihin nya kasi biglang nagwala sa taas ng kwarto si Michelle (asawa ko). Dali-dali akong umakyat sa kwarto at nakita kong nakahandusay sa sahig ang asawa ko, umiiyak na naman. Tumayo sya at pumunta ng cr tapos si mama sumunod sa kanya sa loob. Di ko maintindihan ang nangyayari sa asawa ko. Nung gabing iyon ay nasa bahay pa rin si mama, maya-maya ay nahilo ang asawa ko pagkatapos kumain kaya di na ako nagdalawang isip na itakbo sya sa hospital.

Minuto ang lumipas ng lumabas ang doctor mula sa ER. ""Kumusta ang asawa ko doc?""  ""Congratulations sir, she's 2 weeks pregnant"". Nagpaalam rin sa akin ang doctor at ako'y nagtaka. Di ako umuwi ng davao for almost 2 months, tapos ngayon buntis sya? ""Anak?"" Di ko namalayan si mama dahil sa kaiisip ko. ""Ma, paano nabuntis si michelle, eh 2 months akong wala?"" Biglang umiyak si mama, yung hagulgol na iyak. ""Umuwi si michelle sa bukidnon 3 weeks ago kasi gusto nyang makita kami"" ""Opo sinabi sakin ni michelle yan"". Straight to the point si mama na sinabi nya ito sa akin sabay iyak ""Narape ng engkanto si michelle"". Para akong binuhusan ng malamig na tubig dahil sa narinig ko. Nasuntok ko bigla ang dingding at naiyak di dahil sa kamaong masakit kundi sa sakit na naramdan ko. Di ko na pinadetalye kay mama ang mga nangyari sa asawa ko dun sa bukidnon, dahil sasakit lang yung dibdib ko. Buwan ang lumipas at malaki na ang batang nasa sinapupunan nya, running 5 months na rin ang pagbubuntis nya. Ngayon ay inaalagaan ko pa rin sya, sobrang payat nya. Naiiyak akong nakikita sya, di ko sya kayang iwan dahil mahal na mahal ko ang asawa ko. Ayokong mawala sya sa akin, di ko po talaga alam ang gagawin ko.

Gavin


📜Spookify
▪︎2016▪︎

https://www.facebook.com/350647578436189/posts/541414039359541/

[1] True Filipino Horror Experiences (Tagalog)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon