Munggo

36 4 0
                                    

Munggo

So eto naman, as in totoong nangyari, nabalita pa sa provincial news, kaso lang hindi sinabi buong nangyari. May taga roon lang na nagpost sa fb ng totoong nangyari, around 2012 ito kung hindi ako nagkakamali. Sa mga kaprobinsya ko, malamang maalala nyo ito, pero kung hindi, di hindi. Hindi sya nakakatakot, pero mapapaisip kayo sabay siguro, maduduwal, ewan lang hehe. Pasintabi sa mga kumakain.

May mag-asawa. Yung lalaki, magsasaka. First baby nila yung pinagbubuntis ng asawa nya. Wala namang naging problema sa pagbubuntis ng babae. So nung humilab na tyan nya, dinala na sya sa ospital. Kaya nga lang bes, maliit ang panipit nong babae kaya hindi sya makapag labor, cs ang kinalabasan. Idk kung anong nangyari pero kinailangang salinan sya ng dugo. Ok naman after non, ok sya pati yung baby.

After a month, yong lalaki naggagapas ata, basta yong nagtatanggal ng damo don sa pananim nya, kasama nya yong mga inarkila nyang mga tao. Tinext sya ng asawa nya na maghahatid daw ng pananghalian. Kasi nga cs si ateng, ayaw pa sana nyang pakilusin, pag 10 na, uuwi si kuyang sa kanila tas sya magluluto. Pero kaya naman daw nya sabi nong babae. Sinabihan na lang nya asawa nya na magtricycle at tumawag pag nakasakay na para maabangan nya sa may kalsada at hindi na maglakad ng malayo.

Sarap na sarap sila sa munggo na niluto. Hindi naman na daw naisip ni kuya na hindi pa naman sya namamalengke, pano sila nagka karne? Pero sige lamon lang.

Pag uwi nya, dapit hapon na, nagpahinga muna sya sa may duyan sa labas ng bahay, after non naglinis sya ng katawan nya. Gawain nya kasi kahit pagod na sya, sya yong mag aalaga sa baby nila habang nagluluto sya ng hapunan. Pagpasok nya sa kanila, naggagayat yong asawa nya ng sibuyas. Tas may pinapakulo sa kaserola.  Nong tinanong nya kung ano ulam nila, secret lang sinabi ng asawa nya.

Pagpasok nya sa kwarto nila, wala yong baby nila. Naisip nya, baka nasa kapatid nyang babae na syang kasama ng mag ina nya sa bahay. So ikot sya, sa compound nila, may tatlong bahay pero dadalawang bahay lang yong may tumitira. Nanay nya rin nasa bukid pa, sa sibuyasan. Kumatok sya sa bahay ng nanay nya, walang tao pero nakabukas ang pintuan. Sa may banyo nandoon kapatid nya, binundol na sya ng kaba kasi yakap ng kapatid nya yong parang shawl ng baby. Tas narinig nila yong asawa nya na tinatawag sya na kakain na. Malambot daw kasi yong karne kaya madaling naluto. Pero yong kapatid nya bigla syang hinila papasok ng banyo tas sinara yong pinto. Takot na takot yong kapatid nya, tas nong pinipilit nyang magsabi kahit may kutob na sya lalo may taga yong kapatid nya sa braso.

Kung pwede lang, kung pwede lang na dukutin nya bituka nya ginawa na nya. Sabi ng kapatid nya, sinubukan nyang pigilan, naabutan nya kasi na tatagain na ng babae yong baby. Pero sobrang lakas daw talaga, take note maliit na babae lang yong asawa nya.

Syempre pinilit nyang kinalma sarili nya. Saka nya kinompronta asawa nya. Tas umiiyak yong asawa nya habang sinasabi na ang ingay ingay daw kasi ng baby, masakit sa ulo. Tas wag na raw syang magreklamo kasi nasarapan din naman sya, kumain na daw sila. Hindi nya sinaktan yong asawa nya. Umiyak lang sya sa isang sulok pero nong nalaman ng nanay nya, ayon kinailangang i-ospital yong babae. Nasa mental na yong babae hanggang ngayon.

So nong pumutok tong balitang to, walang may gusto samin na kumain ng munggo, pero nakamove on na rin kami, munggo nga ulam namin kanina eh.

Pinag uusapan namin dati ito. Tas yong isa kong pinsan, sabi nya may sabi-sabi raw sa ibang ospital, specifically dito samin, na advisable na isaling dugo sa pasyente eh yong sa kamag-anak, kakilala. Syempre nagtingin kami kay pareng google ng mga blood transfusion, organ transplant ganon na kwento. May lumabas na article about sa isang heart transplant. Parang nakahanap ng donor yong ospital, tas yon nga pinalitan ang puso, tas nabuhay yong pasyenteng lalaki. Yong pasyenteng yon, walang criminal record at sobrang bait daw talaga, matino, stable ang utak. Pero wala pang isang taon, natagpuang patay yong mag-iina nya, yong anak nyang five years old, may laceration sa pwerta, ibig sabihin nirape yong bata. Sumuko naman sya pero ang sinasabi nya, parang may ibang tao sa loob nya. Pag nakakakita raw sya ng batang babae bumibilis tibok ng puso nya. Nahuli sya ng asawa nya na pinagsasamantalahan yong anak nilang babae. Turns out, yong pusong nasa kanya, galing sa isang convicted murderer at pedophile sa bansa nila.

Hunter


📜Spookify
▪︎2017▪︎

[1] True Filipino Horror Experiences (Tagalog)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon