PUTIK

39 3 0
                                    

PUTIK

April 2017 ito nangyari sakin. Mga 3 months na rin kami sa naninirahan sa bago naming bahay, since bagong kasal pa lang din namin ni hubby. Pinatigil ako sa trabaho ng asawa ko nung nabuntis ako dahil medyo sensitive ang pagbubuntis ko.

Ako lang ang laging naiiwan mag-isa sa bahay dahil nasa work ang asawa ko, minsan matagal pa syang makauwi kapag nag.oovertime sya. One time tumawag sya para magpaalam na magagabihan sya ng uwi dahil daw pina.OT sya ng head nila. 8pm ang sabi nya sa akin na makaka.out sya sa office.

Habang naghihintay sa kanyang pag-uwi, nagse.cellphone na lang ako at nakikinig ng music. Pasado 8pm na nang biglang bumuhos ang malakas na ulan kaya nag.brownout at nagloko ang signal ng cellphone ko. Mayamaya pa ay may kumatok sa pinto kaya agad ko itong pinuntahan para pagbuksan dahil baka asawa ko na yun. Nakapagtataka lang dahil nung pagbukas ko ay walang tao sa labas, naisip ko na baka guniguni lang ang narinig ko. Umabot na ng 10pm hindi parin dumarating ang asawa ko pero humina na ang ulan, tatawagan ko na sana sya kaso lang wala paring signal ang cellphone ko at wala paring kuryente. Hindi ko namalayang nakatulog na ako sa paghihintay.

Sa pagkakatulog ko may bigla akong naramdamang may pumapatak sa mukha ko kaya minulat ko ang aking mga mata at pinunasan kung ano mang nasa mukha ko. Nagulat ako dahil putik ang pumapatak sa mukha ko na nagmumula sa kisame ng kwarto. Napasigaw ako sa takot nang lumingon ako sa itaas. May lalaking nakalutang na binabalot ng putik ang kanyang buong katawan. Nagising ako sa aking bangungot nang bigla akong yakapin ng asawa ko, nakauwi na pala sya. Sinabi ko sa kanya ang napaginipan ko pero wala syang kibo habang nakayakap sa akin.

Napagpasyahan kong kumuha ng maiinom na tubig sa kusina. Brownout parin kaya kinuha ko ang cellphone ko para gawing flashlight. Napansin kong may mga bakas ng putik sa sahig, yapak ng mga paang may putik. Naisip ko na baka sa asawa ko galing ang mga yun. Nasa kusina na ako nang makita ko ang mga missed calls at messages ng asawa ko, hindi ko namalayan kanina dahil na rin siguro sa himbing ng tulog ko. Binasa ko yung mga messages nya na nagpabilis ng tibok ng puso ko.

"Ga, nasa hospital ako ngayon. Naaksidente ako sa motor nung pauwi ako."

"Ga, hindi ako pinapauwi muna ng doctor dahil under observation pa ako. May mga test pa silang kukunin sa akin. Wag kang mag-alala sa akin, ayos lang ako dito."

"Visit mo nalang ako bukas ha? I love you. I.lock mong mabuti ang pinto."

Parang lumobo ang ulo ko at bigla akong kinilabutan. Saka ko na lang narealized na paano makakapasok ang asawa ko sa bahay gayong may safety lock sa looban ng pinto. Sino ang lalaking katabi ko?

Parang nagkusang tumakbo ang mga paa ko papunta sa CR at doon ako nag.lock. Nanginginig ako sa takot nang marinig kong may mga yapak na papalapit sa kinaroroonan ko. Halos humiwalay yung kaluluwa ko sa aking katawan nang bigla nyang kalabugin ang pinto. Tumatawa sya habang sinasabi nyang sumama daw ako sa kanya. Wala akong ibang maisip gawin kundi magdasal ng malakas, hindi ko pinapansin ang nakakatakot nyang tawa at patuloy lang ako sa pagdarasal. Kalaunan ay tumigil na sya pero hindi parin ako lumabas ng CR, hinintay kong mag.umaga bago ako naglakas loob na lumabas. Kinaumagahan nandoon parin ang bakas ng mga yapak niya sa sahig at ang higaan sa aming kwarto ay mayroon ding putik.

Nasabi ko na lang sa sarili ko na "ibang nilalang ang pinagbuksan ko kagabi ng pintuan."

MerryHoliday


📜Sigaw
▪︎2022▪︎

[1] True Filipino Horror Experiences (Tagalog)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon