Bloodline: Biyernes Santo

65 3 0
                                    

Bloodline: Biyernes Santo

It's me again Phantom. Thank you Spookify for posting my experience. So as promised, i-shshare ko sa inyo ang mga experiences naming magpipinsan at since Holy Week na ikukuwento ko yung isang encounter namin last year noong Biyernes Santo.

Bago ako magsimula, I just want to clear some things about sa lahi namin. White witches are not good witches, may iba sa amin na ginagamit ang kakayahan sa masama. Kaya nga lang, ang source ng ability namin ay ang force ng nature, dito kami kumukuha ng lakas especially the full pledged white witches to perform rituals. Ang pinagkaiba namin sa black witches ay nagmula kasi sa demonyo ang mga kakayahan nila. Sila yung may instant slot na sa ibaba dahil sa mga ties nila with the devil.

Okay let's start the story. Have you heard sa mga lolo at lola niyo dati na wag maglalabas kapag Biyernes Santo at Sabado de Gloria dahil malakas daw ang kapangyarihan ng mga kampon ng dilim at maaring mapahamak kayo. Actually tama iyon, tuwing mga ganiyang araw lahat ng mga mangkukulam at ibang mga elemento ay parang naka buff. Yung tipong nag-uumapaw sa lakas at energy. Sa mga ganitong araw din ginagawa ang ritual sa pagiging isang full pledged white o black witch.

Last Holy Week, umuwi kaming magpipinsan sa mansion ni Lola Aislinn located sa hometown namin somewhere in Visayas. Victorian style ang mansion at napapalibutan ng mga puno at iba't ibang halaman, located specifically ang mansion sa gitna ng hacienda ni Lola Aislinn. Maraming kuwarto since tatlong floor ang mansion bukod pa rito ang mga kwarto sa rooftop. May mga portraits din ng mga ancestors namin at nagtutuksuhan kaming magpipinsan dahil yung iba sa amin may nakuhang features sa mga ancestors namin.

Biyernes Santo, ramdam namin yung sudden urge of energy sa katawan namin kahit yung mga pinsan ko na walang ability. Pero since we are not full pledge white witch deadma lang kami at parang normal lang na araw iyon sa amin. Mga bandang hapon, niyaya kami ni Ellaine na maglibot sa hacienda at umakyat sa kalapit na burol, ang nakasama lang noon ay ako, si Angelique, Cath at Marcus dahil ang iba ay kung hindi busy sa binge watching sa Netflix ay nagbabantay kay na Sol at Luna. Umay-umay na ako sa Chuchu TV na favorite ng kambal kaya pinilit ko talagang makasama kay Ellaine.

Malawak ang hacienda pero condent kami maglibot dahil kay Ellaine, siyempre may kaibigang engkanto siya na pwedeng pagtanungan ng daan pauwi. Isa pa ay may mga trabahador din na nakakalat sa buong hacienda na pwede naming pakiusapang ihatid kami sa mansion kung maligaw man kami.

Pagtapos maglibot sa hacienda, nag decide na kami umakyat sa burol. Noong nasa taas kami ng burol, may nakita kaming isang maliit na kubo at isang puno na ang daming bunga. Parang duhat na mangosteen HAHAHA, ewan ko ang odd ng itsura. Hitik ang bunga dahil halos nahuhulog na lang sa lupa yung mga bunga. Actually ang reason lang namin kaya kami umakyat ay para mag sunset watching, pero dahil sa gutom mula sa paglilibot namin ay pumulot kami  ng mga bunga. Hindi naman kasi kami marunong umakyat ng puno kaya no choice.

"Hoy sino nagsabing kunin niyo iyan. Balik niyo 'yan!" (May sinabi pa siya niyan tanda ko pero di ko maintindihan dahil parang dialect yun sa province namin.)

Nagulat kami ng may sumulpot na matandang babae sa harap namin, halata sa itsura niya ang sobrang katandaan dahil parang kuba na siya maglakad at gumagamit nalang ng tungkod para makapaglakad. Pero sobrang nakakatakot ang aura niya, yung tipong nangangapal batok ko at tumatayo yung mga balahibo ko.

Ibabalik na sana namin yung mga bunga pero etong si Marcus inatake ng pagiging bahaghari niya biglang tumili tapos patakbong bumaba sa burol. Kami naman dala ng gulat napatakbo na rin ng hindi pa nababalik yung mga bunga, medyo kampante ako noon na hindi makakahabol sa amin yung matanda dahil una, uugod-ugod na yun at malabong mahabol niya pa kami pababa ng burol.

Ramdam ko yung adrenaline habang pababa, idagdag mo pa yung energy surge dalang Biyernes Santo noon. Shookt kaming lahat noong pagkababa namin andoon na yung matanda naka-abang sa amin at nakatayo na parang binigyang lakas ni Enrile. Kita namin yung pagtayo nung buhok niya na parang magiging super saiyan na siya at panlilisik ng mata niya.

"Ibalik. Niyo. Iyan."

May diin yung bawat salita niya, nakakakilabot at mas lalong naging nakakatakot ang aura niya. Humingi kami ng patawad bago ibalik lahat ng bunga, ang sama ng tingin ni Angelique noon kay Marcus, maging si Cath at Ellaine kaya di ko maiwasang mapangisi noong oras na iyon.

"Pasalamat kayo apo kayo ni Aislinn. Mga mangkukulam na hilaw."

Yun yung sinabi ng matanda bago siya muling umakyat sa burol na parang walang nangyari. Matapos noon ay napagpasiyahan naming bumalik dahil malapit na ring gumabi. Dahil hindi na namin natandaan kung saan kami pumunta papuntang burol, tinanong namin yung kaibigan ni Ellaine. Hindi rin naman nagtagal ay may nakasalubong namin ang mga katulong ni Lola Aislinn na nanguhan ng gulay panghapunan kaya nakisabay na kami pauwi.

Habang naghahapunan, nakuwento namin ang encounter namin sa burol. Pinagalitan kami pero agad kaming pinagtanggol ni Lola Aislinn. Ngumiti lang siya sa amin at sinabing kakausapin niya ang matanda kinabukasan.

That's all muna Spookify. Maraming salamat! More power!

p.s Sa mga nagtataka, we don't celebrate Holy Week. We are not Christians, Muslim or Catholic. We only believe that there is a Higher Being na gumawa ng lahat. Hope you respect our belief as how I respect yours.

- Phantom, 2020

📜Spookify
▪︎2020▪︎

[1] True Filipino Horror Experiences (Tagalog)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon