MISS THIRD

57 4 0
                                    

""MISS THIRD""

Tawag yan sakin ng prof ko. Nalaman nya kasing may third eye ako. Maraming Hindi naniniwala pero wala Kong magagawa. Isang babae kada generation sa family nila mommy ang nagkakaron neto. Yung tita ko ang nagmana and then me. Ang youngest ngayon at ang 3yrold Kong pamangkin. Kung ano anong naranasan ko. Nung five ako, first time Kong maencounter yung Batang babae sa bahay namin one night. pareho kami ng pjs .Tapos may nakasunod syang batang lalaki. Takot na takot ako non taragis, naihi ako sa shorts ko . Hindi ko sinasabi kila mommy yung mga nakikita ko.

Tapos grade 5 ako around 4am. Maaga kasi akong pumapasok at kadalasan ako palang ang tao. 4th flr yung room ko noon. Naglalakad ako pababa kasi madilim at nakasalubong ko yung classmate ko. Hindi nya ko pinansin, baka galit. Nung marami rami ng tao, bumalik ako sa taas. Tapos sabi nung classmate Kong nakasalubong ko kanina, ""XAI, BAT NANDITO KA SA LABAS ?"" Nasa loob daw ako masama tingin sa mga classmate ko. Nalaman ko din na hindi siya yung nakita ko sa hagdan dahil kakarating nya lang. Okay, kinabahan ako

.

Bago ako mag high school, namatay yung isang lolo ko. Nakita ko syang nakatayo sa gilid ng bahay nila. Kinausap ko yung Tita ko at pinaliwanag nya sakin lahat. Gifted daw ako kahit maski sya natatakot na.

Ngayong college, namatay yung Lola ko. Bumyahe ako pabatangas magisa. Nung umaga nong araw na ililibing na sya, bagong gising ako non. Nakita ko sya nakaupo sa harap ng kabaong. Nakatingin sya sa mga pamangkin Kong baby. Sinabi ko sa mga relatives namin na kasama naming nandon sa ancestral house.

Sa to too lang, natatakot ako. Feeling ko kasi malalaman ko kung pano ako mamamatay. Kaya kong managinip ng mangyayari , pati paglipat namin ng bahay na-predict ko. Nakita ko pa sa panaginip ko yung isang peryang may roller coaster na may parang ilog sa gilid at mamamatay daw ako don which is nagulat ako nang makita ko yung perya nayon noong december 2012 , 4 months after namin lumipat don. Yung classmate ko, sabi nya may abandoned bldg sa school nila na nakakatakot. Napapikit ako tapos bigla Kong dinescribe yung school nya na sa LA union pa. Takot na takot sya that time. Kasi sabi ko may madre tapos saka ko nalamang catholic school yon nong sinabi na nya. Kami lang kasi sa apartment nya.

Around two am naligo ako sa apartment nya, naiuta ko yung isang mukhang blurred sa labas ng bintana ng cr. Nangyari to last Saturday. Oct 4 2014. Tumakbo ako palabas nang nakatapis lang ng twalya, nalaglag pa yung bottle ng johnson's baby bath dahil sa pagmamadali ko.

Pagod nako. Kahit Saan Meron, nakakatakot na. Nakwento ko sa prof ko yung mga kaya kong gawin. Masungit yon e , lagi kaming pinagiinitan pero dahil part ng subject namin yung topic na yon, naging close kami. XD Sabi nga ng prof ko, YOU CANT FIGHT THEM PHYSICALLY BECAUSE YOU WILL NEVER HURT THEM, THIS IS THE BIBLE AND ALL YOU HAVE TO DO IS FIGHT THEM SPIRIT TO SPIRIT, THROUGH GOD. Tapos binigay nya sakin yung bible."



XSP 2017



📜Spookify
▪︎2014▪︎

[1] True Filipino Horror Experiences (Tagalog)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon