TRUE LOVE

85 11 2
                                    

TRUE LOVE

Hi admins. Avid reader po ako sa page niyo, at na-inspire po akong ishare yung story ng tita at tito ko. Sana po ay mapost ito.

Hindi pa kami pinapanganak nang nangyari ito. Pero kinuwento lang 'to samin ng lola ko. Maganda talaga ang tita ko, ligawin siya nung kabataan niya. Kinuwento ng lola ko na yung tita ko ay nagustuhan ng isang maligno na tinatawag nating kapre. Pinopossess siya nito palagi, sinasapian ang tita ko at sinasabi na kukunin daw niya ang tita ko. Dumating pa nga sa point na kailangan na nila siyang igapos. That time may nobyo yung tita ko. Mahal na mahal niya ang tita ko, kahit nagkakaganun na ang tita ko, hindi niya pa rin ito iniwan.

One time habang binabantayan ng tito ko yung tita ko, nagsalita daw yung kapre gamit ang katauhan ng tita ko. Sinabi daw na, hindi na kailan man makukuha o babalik ang tita ko sa dati. Dahil sa kanya na ang tita ko, isasama niya na daw ito sa kanilang lugar at gagawin niyang asawa. Pero hindi pumayag yung tito ko, tinanong daw nya kung ano ang pwede nyang gawin para ibalik sa kanya yung tita ko. Hindi pumayag ang kapre noong una, pero sinabi niya na kailangan daw niyang matalo yung tito ko sa isang laban (Siguro dahil nga alam nung kapre na mas malakas sya sa tito ko at alam niyang imposibleng matalo siya ni tito ay nakumpiyansya sya). Walang pag aalinlangan, pumayag ang tito ko, pero nagtaka siya kung paano. Sabi nung kapre,sa panaginip daw. Pumayag ang tito ko.

Dumating na daw yung tamang oras. Bago daw lumaban yung tito ko, hinalikan niya ang tita ko at sinabing ipaglalaban niya daw ito, bumalik lang sa kanya. Wala daw siyang pake kung kamatayan pa ang naghihintay sa kanya. Humiga siya sa tabi ng tita ko at natulog. Tinanong ko ang tito ko, sinabi niya sakin na hindi naging madali. Malakas at purong itim daw ang kapangyarihan ng kalaban. Samantalang siya, wala siyang kasanda sandata, purong pananalig lang kay Lord at ang pagmamahal niya sa tita ko ang baon niya. Dumating sa point na hindi na kaya ng tito ko, pero hindi sya sumuko at inalala ang dahilan kung bakit sya nakikipaglaban. Nagdasal daw siya ng taimtim at buong lakas niyang sinuntok yung kalaban at ito'y unti unti na lang naglaho. Isa at kalahating araw daw syang tulog noon. Pagkagising niya ay pawis na pawis sya, uhaw na uhaw at gutom na gutom. Pero chineck niya daw muna ang tita ko, hinalikan niya ito at niyakap hanggang sa magising na ang tita ko.

Hindi ako naniniwala noong una. Pero tinanong ko lahat ng naka witness sa nangyari sa tita ko, at lahat sila pare-parehas ng kwento at totoo daw talaga ito.

Ngayon, 30 years ng kasal ang tito at tita ko. May apat na anak at lahat sila ay masayang naglilingkod sa Panginoon.

Thank you po sa pagbabasa. More power po sa page niyo, God bless :)

Pang-anim

📜Spookify
▪︎2016

[1] True Filipino Horror Experiences (Tagalog)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon