Neighbor

99 6 0
                                    

Neighbor! 

Hey spookifiers! Share ko lang tong story ko 3 years ago.

I live in a condominium malapit sa NAIA. Ako lang mag-isa nakatira dito since ayaw sumama sakin ng lola ko. Going back... My room number is 505 and I have this neighbor, well tbh ang weird nila. Tapat lang sila ng unit ko. Pag nakakasalubong ko sila, parang laging iba yung aura nila. Yung tipong galit, stressed, eklaboo! May time nga na nahuhuli ko silang nag aaway ng asawa nya in front of their daughter pa. Murahan sila lagi, minsan kasi iniiwan nilang bukas yung pinto ng unit nila.

Until sa nahuhuli ko nang may violence na nangyayari sa kanilang dalawa. Binubugbog na sya nung mister nya, tapos minsan pag galing akong school naririnig ko yung misis nya naiyak habang sinisigawan ng mister nya. Halos araw-araw yata nag aaway sila. Tinry silang kausapin nung mga guard sa building ng condo namin kasi nagrereklamo na daw yung mga kapitbahay. Okay na daw silang dalawa. Siguro 1 week din silang taimtim nun, walang away away. Syempre ako naman sa wakas nasiyahan. Pero kinabukasan ayun nagsimula na naman sila. Yung baby nila iyak lang ng iyak.

Until one day galing akong school nun. Naririning ko yung mister nya sigaw ng sigaw ito yung mga narinig ko:
""P*T*NG *N* KA!  HINDI KO NA KAYA! MAGSAMA-SAMA KAYO MGA DEMONYO!"" Yun lang yung narinig ko pero marami pa syang sinabi nun. Yung misis naman sigaw ng sigaw ng Wag! Binalewala ko na lang kasi baka bubugbugin sya kaya ganun yung sinasabi nya. Kinabukasan pupunta na sana ako sa school, pagkalabas ko sa unit ko ang baho! As in amoy bulok na ewan! Sobrang baho! Galing yata sa loob ng unit ng kapit bahay ko.

Hanggang sa nakauwi na ako, bumungad sakin yung mga pulis pati gwardya. Yung misis tadtad ng mga saksak sa katawan, pati din yung bata pinatay daw nung mister nya pagkatapos daw tumalon sa building, nagsuicide. Natakot ako na nabigla. Tinanong ako nung mga pulis at guard kung ano yung mga nangyari. Kinuwento ko naman sa kanila na laging nag aaway yung mag asawa. Nagimbestiga sila, nalaman nilang nagshashabu yung mister nung babae. Natapos din yung controversey na yun sa buong condo!

1 month ago matapos mangyari ang insidenteng yun.
Okay na ang lahat. Pero nagsimula ng mangyari yung mga iba't- ibang kababalaghan. Tuwing 2 am sharp nagigising ako dahil sa may sumisitsit! Pag titingin ako mawawala naman. Minsan nga may biglang maghuhugas sa kusina. Maririnig mo talaga yung gripo sa sobrang tahimik. Minsan din may kakatok sa pintuan ko. But meron talaga akong di makakalimutan na nangyari sakin. Around 8 ng gabi na ako nakauwi noon. Naggala kasi ako sa MOA nun kasa mga friends. Edi syempre pag uwi ko pagod na pagod ako. Nuod T.V. then natulog. Nanaginip ako nun na nasa baba ako ng condo tapos naglalakad daw ako papuntang club house. Sobrang dilim nun. And makikita mo lang yung light sa club house, then pagdating ko dun pumunta daw ako sa may pool side. Maya- maya may tumulak sakin at napunta ako sa pool. Nagising ako nun at paggising ko, p*t*! Nasa loob ako ng unit ng mag asawa. Ang baho sa loob, magulo, madilim, nakakatakot! Nafroze ako sa kinalalagyan ko nun. Hindi ako makagalaw! I want to run pero hindi ko talaga magalaw yung sarili ko.

And may lumabas sa master bedroom yata yun na babae. Gumagapang sya and puno ng dugo, sabi nya tulong daw! Nagdadasal ako nun ng Our Father. At thank God unti unti kong nagalaw katawan ko. Tumakbo palabas! I don't know pero sa pagkakaalam ko nakalock yung unit na yun simula nung mangyari yung insident na yun. Putlang putla ako at hingal na hingal. Kinabukasan hindi ako umuwi sa condo, nakisleep-over ako sa best friend ko, nag empake na ko at I decided na umalis na dun. Nagrent na lang ako ng apartment sa may pasay. At doon medyo gumaan-gaan na yung pakiramdam ko.

Never na talaga akong magcocondo.

Deborah Logan!

📜Spookify
▪︎2016▪︎

https://www.facebook.com/350647578436189/posts/541792202655058/

[1] True Filipino Horror Experiences (Tagalog)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon