HAUNTED UNIVERSITY Last Part

53 5 0
                                    

HAUNTED UNIVERSITY Last Part

Part 1 - 4
https://www.facebook.com/350647578436189/posts/1436809543153315/

VI. Library
Malapit ng matapos yung Academic Year nun kaya sobrang dami naming ginagawa. Nagpunta ako sa computer lab ng Univ para mag-research sana kaso puno ito kaya tumuloy ako sa library. Agad ko namang nahanap yung mga books na kailangan ko kaso halos occupied din ang mga tables. Meron namang mga bakanteng upuan kaya lang, nahihiya akong maki-share ng mesa sa mga hindi ko kakilala. Nagpunta ako dun sa may Filipiniana section na merong sariling closed space. Bale yung mga bookshelves ay naka-arranged na parang pader kaya parang room yung ayos ng Filipiniana. Sa space sa gitna, merong apat na table na may tig-iisang upuan. Yung Tables 1 at 2 ay nasa isang side tapos nasa tapat nila ang Tables 3 and 4.

May dalawang babae akong nadatnan doon na nasa sa Tables 2 and 4. Umupo ako sa Table 3. After a while, umalis na yung girl na nasa Table 2 kasi etong si ate girl na nasa Table 4 sa right side ko, medyo maingay mag-review. Ako naman, chill lang kasi nagsusulat lang naman ako. Napatingin ako sa kanya nung may maramdaman akong mainit na hanging biglang dumaan sa pagitan namin. Tuloy lang si ate girl (tawagin nating Danica) sa pagme-memorize na parang di naman niya na-feel so inignore ko na lang din. Maya-maya, may dumaan ulit at bigla siyang napatigil sa ginagawa kaya alam kong na-feel na rin niya ito. Nagkatinginan kami pero una siyang nagbawi ng tingin.

Tumayo na ako para ibalik yung mga books at tumayo na rin si Danica. Nagtanong siya kung aalis na ako. Tumango lang ako kaya madali na rin niyang inipon yung mga gamit niya. Just then, biglang nagsipaghulugan yung ibang mga books mula sa mga shelves na nasa likuran ng pwesto namin. Nagulat kami pareho at putlang putla si Danica habang pabalik-balik yung tingin niya sa akin at sa mga libro na nasa sahig. May mga students na sumilip sa kinaroroonan namin at pati sila ay nagulat. Kami naman, stay lang sa kinatatayuan namin, unsure kung ano ang dapat naming gawin. Dumating yung librarian at galit na galit nung makita yung mga books. Sabi ko bigla na lang silang nahulog pero tiningnan niya lang ako ng masama. Nung mga panahong iyon, wala pa kasing mga CCTV sa library kaya walang back up yung alibi namin. Pinaayos niya sa amin yung mga books at pagkatapos ay kakausapin daw kami. Buti na lang ay tinulungan kami nung ibang mga students na kakilala ni Danica kaya agad kaming natapos.

Nagpunta kami ni Danica dun sa information desk pero wala dun yung librarian. Malapit ng mag-3pm at may klase ako kaya hinanap ko siya para makausap na namin. Iilan na lang yung mga students sa loob ng library nun kaya agad kong natanaw yung librarian na nasa bandang side ng Filipiniana at tinitingnan yung mga books. Nagtaka ako dahil dun kami galing pero hindi namin siya nakasalubong. Lumapit ako at nagtanong kung may iuutos pa siya. Nakatalikod siya sa akin at hindi ako pinapansin. Inulit ko yung tanong ko at lumingon siya sa akin. Kung tutuusin ay dapat akong matuwa dahil nakangiti yung librarian pero nangilabot yung buo kong katawan sa mga oras na iyon. Tumango siya ng kaunti na parang nag-gesture na sumunod ako sa kanya. Naglakad siya patungo sa may likuran ng Filipiniana. Nung na-sense siguro niya na hindi ako sumunod, lumingon siya ulit at sinenyasan ako na lumapit. Naglakad ako palapit sa kanya pero agad ding napahinto nung ma-realize kong papunta yun sa parang basement ng library. Sumenyas ulit siya sa akin pero bigla akong tumalikod.

After ilang seconds, nilingon ko ulit yung librarian pero wala na siya doon. Nagpasya akong bumalik na kay Danica at sakto namang natanaw ko siyang papalapit din sa akin. Nandun na raw yung librarian at hinahanap ako. Pagdating namin sa desk ay tinanong ko yung librarian kung galing ba siya sa Filipiniana. Hindi raw, kasi galing siya sa CR. Hindi na ako kumibo pero nakatingin pa rin yung librarian sa akin. Nag-explain ulit si Danica na hindi kami yung naghulog sa mga books. This time, tumango yung librarian. At sinabi na lang niya na ingatan namin ang mga libro sa susunod. Lumabas na kami ng library pero hinabol ako nung librarian at tinanong niya ako kung bakit ko raw inakalang galing siya sa Filipiniana. Sabi ko, "Nakita ko po kayo dun sa side papuntang basement. "Hindi ako yun," sagot nung librarian. Tumango-tango na lang ako at nagpaalam na dahil baka ma-late ako. Pero sa totoo lang, takot na takot ako that time kaya ayaw ko ng mag-stay dun at saka baka kwentuhan pa ako nung librarian. Sa isip ko nun, buti na lang at hindi ako sumunod dun sa basement. Since that incident, iniwasan ko ng magawi malapit sa Filipiniana section kapag nagpupunta ako sa library.

***
Dahil sa mga experiences ko sa loob ng maraming taon, I learned to trust my instincts. Para kasing nadi-discern ko kung may something sa paligid. Kapag "iba" yung pakiramdam ko sa isang tao, lugar o bagay, kusa na akong umiiwas. May times (madalang lang naman) na feeling ko may mangyayaring masama kaya nagka-cancel ako ng mga plans. I warn others pero di sila naniniwala. Di ko rin naman sila pinipilit. Then, ang ending, okay naman sila. Nandun yung regret na baka mali pala yung gut feeling ko. At the same time, nandun rin yung thought na "What if sumama ako, magiging ayos pa rin ba?" Kaya nga minsan, tinatawag akong duwag at paranoid pero ayos lang yun. Hindi naman kasi lahat nakaka-experience ng mga bagay like yung mga nangyari sa akin. Hindi rin lahat ng tao naniniwala at nakakakita. Kaya hindi rin lahat natatakot sa mga ganyang kaganapan. But, you'll never know real fear until real fear comes after you.

May mga times na malakas yung hatak ng curiosity na alamin, sundan, o puntahan ko yung ibang mga bagay na nakikita at naririnig ko, pero nilalabanan ko yun. Akala ng iba, jan nasusukat yung tapang ng isang tao. Pwedeng tama, pwedeng mali. Para sa akin kasi, the more involved I am, the more influence I get. Mas lalong mae-expose sa kapahamakan, mga ganun ba. May nakapagsabi kasi sa akin na the moment you decide to involve yourself sa mga supernatural beings or occurrences, parang you take the risk to let them in your life.

So ayun nga, last na part na ito. Marami pa sana akong iku-kwento kaya lang andaming hanash ng ibang mga readers eh. De joke lang. Sana nagustuhan nyo yung mga shinare kong stories dito. Dun sa mga nakakaalam kung saan ito, sssshhhh 🤫 na lang po tayo sis. Hehe. Next time, ibang experiences na lang siguro yung ise-send ko. Thank you, Admin Chai! Thank you, everyone! Remember to always keep the faith burning in your hearts. Yan yung pinakamabisang panlaban natin sa lahat ng mga challenges na darating sa ating buhay.

*finger heart*

Marga Vermilion, 2019

📜Spookify
▪︎2019▪︎

[1] True Filipino Horror Experiences (Tagalog)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon