Kaibigan sa Retreat House

72 8 0
                                    

Kaibigan sa Retreat House

Nagretreat kami sa Antipolo. It was an old building established by the Nuns. Sobrang luma niya na pero maayos pa naman yung mga gamit. We were assigned to have 2 partners para maging roommates namin. I picked my best friend, Mary. Si Louise walang kasama so sumama na lang siya samin.

Our first night
Nakaligo na ako and si Mary. Si Louise na lang yung hindi pa. Hinintay namin siya matapos para sabay-sabay na kami matulog. After 10 minutes ni Louise sa shower, may ungol kaming naririnig.

Us: Louise, bakit ka umiiyak? Buksan mo 'tong pinto.
Hindi sumasagot si Louise samin so tinawag namin agad yung adviser namin. Pagdating namin sa room, nagbibihis na si Louise.

Us: Louise!!! Bakit ka umiiyak sa CR?
Teacher: Oo nga! Anong nangyari?
Louise: Po? Hindi po ako umiiyak! Kakatapos ko lang po maligo.
Teacher: Alright! Matulog na kayo. We'll be up early for tomorrow.

Nagtinginan kami ni Mary sa sobrang takot. Tinanong namin si Louise kung niloloko niya lang kami para matakot kami pero hindi talaga siya umiiyak. Hinayaan na lang namin at natulog na kaming tatlo.

Nagising ako ng 2 am dahil sa ungol. Pero tulog na tulog naman si Louise kaya malabong siya yun. Ganun din si Mary. Nagtalukbong na lang ako ng kumot at pinikit yung mga mata ko para di makita kung ano man yung umuungol na yun.

Biglang may humiga sa tabi ko, umuungol. Umiiyak. Nagmamakaawa. Pagtanggal ko sa kumot ko, nakita ko sina Mary at Louise umiiyak sa harap ko.

Them: Michelle, sino yung katabi mo?!?!?!?

Pilit akong tumatayo pero hindi ko magawa. Bigla silang tumakbo para humingi ng tulong. Pagdating ng mga teachers ko, wala naman na daw yung babaeng umuungol sa tabi ko. Pinalipat na lang kami ng kwarto kasama yung adviser namin.

Kwinento ni Mary at Louise yung itsura nung babae. Nanlilisik at itim ang mga mata nito, mahaba ang buhok, maputi at dumudugo ang mga bibig. Hinintay na lang namin mag-umaga para umuwi dahil hindi na namin kaya magstay for 2 nights.

Ang sabi pa ng janitor, yung kwarto na yun ay matagal ng di nabubuksan at talagang may babaeng nakatira dun. At wala na daw susi para sa kwarto na yun. Nilock namin yung pinto at sinubukan yung susi pero hindi na ito nabuksan. Ito pa ang dinagdag ng janitor, gusto daw makipagkaibigan sa amin nung babae kaya sinadya daw nitong papasukin sa kwarto niya.

Friendly Classmate

📜Spookify
▪︎2016▪︎

[1] True Filipino Horror Experiences (Tagalog)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon