Audience

132 6 0
                                    

"Audience"

Isang maikling totoong kwento lang to ng kababalaghan na naranasan ng ate ko dito sa bahay namin, likas na mahilig si ate magsayaw lalo na yung pagzuzumba. maging sa school nila na kung saan siya ay isang teacher binansagan na "Dancing Queen" si ate kaya bawat programa sa school nila ay lagi siyang iniimbita upang mag intermission number ng sayaw.

tuwing hapon laging nagzuzumba si ate dito sa bahay namin at ito ay ginagawa niya sa sala namin dahil ang goal ni ate sa mga panahon na yun ay pumayat. isang gabi di sia makatulog at mag-aalas dose na yun ng hating gabi , so para antukin siya naisip niyang magzumba nalang sa sala para kung mapagod siya ay dalawin na siya ng antok.

ilang minuto palang ang lumipas habang sumasayaw na daw si ate kasabay ng mahinang tugtugin ay nakarinig siya bigla ng isang ingay na parang nanggagaling lang sa tabi niya parang nasa sala lang daw ito , pinakinggan niya ito mabuti at binalewala ang tugtugin ng music niya , laking kilabot at takot ang kanyang nadarama nang marinig niyang mabuti kung ano ang ingay na ito.

parang may pumapalakpak daw sa kanya habang siya ay nagzuzumba ,napakalakas daw nito na parang nasa tabi niya lang talaga ang gumagawa nito, tumungin si ate sa palagid upang tignan kung sino ang pumapalakpak pero ni isang tao ay wala siyang nakita at ang pagkakaalam niya sa mga oras na yun ay tulog na kaming lahat at siya nalang ang nag-iisang gising .

sa sobrang takot ay nagmadali nalang si ate na pumasok sa kanilang kwarto. hindi inakala ni ate na kahit sa ganung pagkakataon ay magkakaroon parin siya ng audience pero ang nakakatakot lang ay di niya ito nakikita.

📜Kwentong Kababalaghan
▪︎2020▪︎

[1] True Filipino Horror Experiences (Tagalog)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon