SleepOver

72 2 0
                                    

SleepOver

Second story ko po ito. Ako po yung sender about kay Kuya J. I am an avid reader ng Spookify and here goes my story. This is a true story.

So it was December 2014. Nakalimutan ko yung exact date. I invited some of my closest friends on a sleepover. Lets name them KC and Jane. Nakatira kami sa isang exclusive na subdivision. Bali kailangan mo pang maglakad ng ilang metro para makaabot sa next na bahay. Tapos yung bahay namin nasa dulo ng subdivision, as in dulo talaga. From left to right side at harap ng bahay namin damuhan at bakanteng lote. Pero nasanay na ako at ang mga kaibigan ko.

I invited them for a sleepover kasi gagraduate na kami. Ilang beses na rin sila nakapunta sa bahay para sa group projects namin at alam na nila yung pasikot-sikot sa bahay, pero there's one more thing na di nila alam sa amin. May creepy po kasing nangyayari since we moved sa bago naming house. Napa blessingan na po namin siya but naging worst pa po yung situations na nangyayari.

It was the night of our sleepover at nanunuod kami ng horror movie. Wala si mama at si papa sa bahay, 4am pa raw sila makakauwi. Kaya nagdecide kami na patayin lahat ng ilaw sa bahay except sa labas, para raw magbigay ng thrill. Kinalimutan ko muna yung mga creepy things dun sa bahay at hindi ko na ito sinabi sa kanila kasi baka matakot sila.

While watching the movie,

N/V:

KC: Ui, Dee, kuha muna ako ng pagkain sa ref nyo ha. HAHAHAHA
A: Ah, sure. Buksan mo lang yung ilaw sa kusina. Dala ka na rin ng drinks ha.
KC: Sige sure, ikaw Jane ? Ano gusto mo ?
J: Kahit ano.

Bumaba na si KC at kami na lang ni Jane naiwan nanunuod ng movie. Few Minutes after bumalik na si KC.

N/V:

KC: Oh eto na pagkain nyo. Eto na rin yung drinks Dee. Sya nga pala, anong ginagawa nung mama mo sa kusina? Kanina ko pa sya napapansin na palakad-lakad na nakayuko. Tinanong ko kung anong nangyari di naman sumagot.
M: Ha? Wala pa si mama. Mamaya pa yun uuwi.
KC: Sure ka ? Mama mo ata yun eh, babaeng naka pula ?

Dun na pumasok sa isip ko na baka nakita nya yung di nya dapat makita.
Sinabihan ko na lang sya na wag na yun pansinin at manuod na lang kami ng movie. Natapos na namin yung 4 na movie. It's already 2:55am. Sabi ko na matulog na kami. At di naman sila umayaw.

N/V

KC: Dee baba muna ako ha, mag hihilamos lang akong mukha. Jane sama ka?
Jane: Matutulog na ako KC. Maya na lang ako maghihilamos pag gising.
KC: Ahh. Sige2.

Ilang minuto ang nakalipas, di pa bumabalik si KC. At bumaba na ako. Hinanap ko sya sa kusina at sa cr wala sya. Tapos may narinig akong nag ""Pst"" sa akin. Parang nangagaling sa ilalim. Hinahanap ko sa ilalim yung tumatawag sa akin. Nakita ko si KC sa ilalim ng table. Umiiyak at yinayakap yung tuhod niya sabay sabi sakin ng ..

N/V:

KC: *umiiyak ng patago* Dee.. wag kang maingay. Andiyan na siya.. *umiiyak*
M: Sino sya? Asan? Ha ?
KC: Yung babaeng nakapula, wala siyang mukha. Tapos kumakanta siya. Napatakbo ako dito kasi hinahabol niya ako. Dee. Tulong. Di ko matawagan si mama. *umiiyak*

Tapos may narinig akong kalabog galing sa taas.

So ayun na nga at may narinig akong kalabog galing sa itaas. At naisip ko agad si Jane. Pero pumasok ulit sa isip ko si KC. Di ko sya pwedeng iwan dun sa ilalim ng table. Kung nakita nyo lang po yung mukha nyang pale na pale sa sobrang takot. Di ko na rin mapigilang mapaluha sa nangyari at dahil na rin sa takot. Talagang kinakabahan ako ng mga oras na iyon. May narinig ulit akong kalabog sa taas. Tas sumigaw si Jane.

N/V
J: Deeee.! KC!  Deeee!  KC!  Bilis!
M: KC! Halika na. ! *pabulong kong sinabi*
K: Dee.. Andyan na talaga sya eh, natatakot ako. Gusto ko ng umuwi. *iyak*
M: Tiis ka lang muna. Please. Puntahan muna natin si Jane sa taas.

[1] True Filipino Horror Experiences (Tagalog)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon