HULING HABILIN

164 6 0
                                    

"HULING HABILIN"
    
                 Pinalaki ako ng lola ko at pinag aral dahil hindi kaya ng nanay ko pero close kami ng nanay ko kahit hindi kami magkasama.

              Ang bunso kong kapatid ang pinalaki nya at pinag aral,nauunawaan ko naman dahil iniwanan kami ng tatay namin at nakapag asawa sya ulit.

                 Magkatabi lang naman yun bahay namin kaya nagkikita kami ng nanay ko,labandera sila parehas ni lola minsan magkasama sila dahil minsan iisang tao lang yun nagpapalabada sa kanila at yun step father ko naman ay guwardya.

                Year 1996 hindi ko na matandaan kung anong month yun ang naaalala ko bandang hapon yun magpapaalam sana ang kapatid ko sa nanay para maglaro sa labas nakasarado ang pintuan kaya sinilip nya ang nanay sa maliit na butas ng pintuan,pagkasilip nya bigla syang umiyak ng malakas narinig ito ng tiyuhin ko kaya tinanong sya kung bakit sya umiiyak?tulala ang kapatid ko at hindi sumasagot,sinabi ng tiyuhin ko na kapag hindi sya sumagot ay papaluin sya nito kaya agad sumagot ang kapatid ko "si nanay nakabitin"

Nagulat ang tiyuhin ko at agad nagtungo sa pintuan pilit nya itong binubuksan ngunit naka lock ito sa loob,humingi ng tulong ang tiyuhin ko sa mga kapitbahay at may nakaisip na sa bintana dumaan dahil bukas ito at agad naman silang nakapasok.

                 Pag pasok nila ay agad nilang binuhat ang nanay namin at tinanggal ang lubid sa leeg nya,ako naman ay kagigising ko lang at nagulat sa nangyari nakita ko ang nanay ko kulay violet na at ang dila nya ay umabot hanggang baba nya hindi ko alam kung anong reaksyon ang gagawin ko dahil kahit ako ay natulala sa nangyari.

                     Agad syang tinakbo sa ospital at pagdating dun ayaw syang tanggapin dahil humihingi ng 3000 down private kase mabuti na lamang at saktong dumating ang step father namin pinakita nya i.d. nya na dati sya sa camp crame irereport nya ito kapag hindi tinanggap ang nanay ko,at sa kabutihang palad ay pumayag ang ospital nakaligtas ang nanay sumuka daw ito ng sumuka ng alak tanduay lapad.

                   Pagkalipas ng 3 araw saka pa lamang namin nadalaw ang nanay namin sa ospital wala daw syang maalala sa nangyari niyakap na lamang namin magkapatid ang aming nanay bata pa kami nun kaya hindi rin namin alam ang sasabihin.

                     Nung nakauwi na sya tinanong sya ni lola kung bakit nya nagawa yun?at sagot ng nanay eh sawa na daw sya hirap ng buhay pinagalitan sya ng lola sana man lang daw naisip kaming mga anak.

              Lumipas ang maraming taon at inakala namin na ayos na nanay namin pero madalas pa rin ang pag inom nya ng alak tuwing gabi minsan ako ang kainuman nya,hanggang sa namatay ang step father namin year 2008 hindi ito matanggap ng nanay ko kaya madalas ko syang kinakausap.

                   Pinalipat namin sya ni lola sa kwarto ko kasama ang kapatid ko madalas na ang bonding namin mag ina pinagluluto ko sya palagi ng hapunan at inaabutan nya ako ng pera pero tinatanggihan ko dahil maliit lamang ang kita sa paglalabada pero pinipilit nya ako dahil minsan lang daw yun.

                     Sumapit ang 2009 at nagulat kami pag uwi namin magkapatid galing sa inuman pag bukas namin ng pintuan ang kwarto nadatnan namin ang nanay na nakagbigti sa wire  na nakatali sa kisame nagkagulo kami at nagsisigaw kami agad kong binuhat ang nanay at sinabihan ko ang kapatid ko na tanggalin ang wire sa leeg may kasama kami na kaibigan na tumutuloy sa bahay na katulong namin sa pagbuhat sa nanay naiyak ako sa nangyari sa awa ng diyos buhay pa naman sya ngunit lasing na lasing kinabukasan na sya nagising at wala na naman maalala.

                    Marahil nalungkot sya masyado dahil sa pagkamatay ng step father namin kaya nya nagawa ulit yun.Kaya pinagbawalan namin sya na huwag ng mag inom mas inasikaso ko ang nanay para hindi na sya malungkot.

                     October 2010 makalipas ang isang taon ang huli namin bonding mag ina inaya nya ako uminom nagkwekwentuhan kami ng mga nakakatawa at bigla nya sinabi sa akin na mamasukan na sya malayong lugar at lahat kikitain nya sa akin mapupunta at huwag kong pababayaan ang kapatid ko at bigyan ko ng pera,medyo napaisip ako nun kaya tinanong ko sya kung saan sya magtatrabaho? Sabi nya basta daw sa malayo at hindi ko na sya kinulit inisip ko na baka may kumukuha sa kanya na bagong amo.

                     October 16 2010,nagkayayaan ang barkada na magswimming sa pansol hindi naman ako makasama dahil wala pa akong pera at 8 months pa lamang anak ko mas kailangan ng pang gatas kaya tumanggi ako pero napilit ako ng barkada dahil libre na lang ako sa entrance basta sama daw ako kaya umuwi ako sa bahay nagpaalam sa nanay ko na aalis ako sabi nya magagalit si lola sabi ko naman sa nanay huwag ng sabihin,habang kumukuha ako ng damit pang swimming nakita ko sya sa labas namin hinuhugasan lahat ng kaldero at kawali na mauling malungkot ang mukha at nung paalis na ako sabi nya mag ingat ako palagi sabi ko naman uuwi agad ako pagtapos ng swimming.

                  Nakaalis na kami ng barkada apat na resort na ang napuntahan namin ngunit wala pa rin kaming makuha dahil mahal,nasa jeep ako nun hindi ko alam kung bakit ko nasabi sa barkada na uwi na tayo dun na lang tayo magswimming sa atin sa malapit pero sabi nila ay may nahanap na sila kaya tuloy ang swimming sa pansol pero ako uwing uwi na…. Naging maayos naman ang swimming hanggang sa pumunta ako ng cottage nag inom mag isa ng empi habang nakikinig sa music na drive ng incubus bigla akong nalungkot habang umiinom mag isa lahat ng kasama ko nasa pool un iba tulog na.

                 Hindi ko namalayan ang oras at medyo may tama na ako sa alak nagulat ako ng lumapit ang isa namin kaibigan bagong sya nun at sabi nya sa akin nagtext daw yun tita nila na pinapauwi na ako nagtaka ako kung bakit?sabi nya ako na lang daw ang magbasa ng text dahil mahirap daw basahin kung sya ang magbabasa kaya pag abot sa akin ng phone ay agad kong binasa,napaiyak ako habang binabasa yun text ang sabi "pakisabi kay jo umuwi na sya patay na ang nanay nya"binalik ko yun phone at tumakbo ako palabas ng cottage at sumigaw ako ng napakalakas napatingin sa akin ang mga kasama ko at tinanong nila kung bakit? Nun nalaman nila yun nangyari agad silang umahon sa paliligo wala ng banlaw direrso palit at agad kaming sumakay ng jeep pauwi.

                  Pag dating ko sa bahay wala ang nanay ko nasa funeral daw umiyak ako ng umiyak at medyo natumba ako na parang hihimatayin pinatahan ako ng barkada at hinintay ang pagdating ng nanay ko.

                  Tiningnan ko ang nanay ko sa loob ng kabaong laslas ang leeg nya bumuhos ang luha ko at minura ko ang sarili ko dapat pala hindi na lang ako umalis.

                Kinuwento ng kapatid ko ang nangyari pag uwi nya daw ng bahay galing sa lamay looban nakita nya ang nanay nakaluhod sa semento sa tapat ng kwarto ko
Sabi nya "ma ano bang trip yan umayos ka nga!"tinulak nya ito at nagulat sya paghawak nya matiga na katawan ng nanay ko dun na sya nagsisigaw at ginising lola ko sabay yakap.Sabi ng asawa ng tiyuhin ko nagpapancit pa daw ang nanay ko binigyan sila tapos naginom mag isa habang malakas ang radyong di baterya at bandang hating gabi narinig nilang umiiyak ang nanay ko hanggang sa tumahimik akala tulog na..

                   Nag away kami magkapatid dahil 3 gabing hindi naglamay ang kapatid ko sa burol ng nanay sa pagod ko at lasing ay muntik na kaming magsuntukan pero inawat kami ng kapatid ninang dahil patay na nga daw ang nanay namin eh nag aaway pa kami kaya dumiretso ako sa kabaong at umiyak napatigil ako bigla dahil pagtingin ko sa mukha ng nanay ko lumuha ang kanang mata nya makikita mo ang agos ng luha dahil sa eyeliner na itim kaya itinigil ang pag iyak ta napa atras, natakot ako,sinabi ko yun sa kapatid ng ninang ko at pinagalitan ako dahil nag away nga kami magkapatid.

                  Kinabukasan nakipagbati ako sa kapatid ko at inalok kong kumain,humingi ako ng tawad at ganun din sya.Marami ang nakiramay at nag abuloy ng pera dun ko lang naintindihan yun huling habilin ng nanay na ako ang tatanggap lahat ng perang kikitain nya pag namasukan sya malayo.

                   Pasensya sa magbabasa hindi ako magaling magkwento,sana nagustuhan nyo ang istoryang ito...

📜Real Life Horror Stories
▪︎2021▪︎

[1] True Filipino Horror Experiences (Tagalog)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon