Freedom

86 7 0
                                    

Freedom

December 2011
Isa akong Emo/gothic-fanatic, Hindi pa ako mahilig magbasa ng libro that time, pero this book caught my interest, entitled ""paano maging psychic?"" , (Uso kasi nun yung mind master na napapanuod ko sa t.v) , pero isa itong malaking pagkakamali, kasi imbis na isip ng ibang tao ang mabasa ko or marinig ko, isip pala ng ibang nilalang ang maririnig at mararamdaman ko, ( sa libro kasi, may instruction dun kung paanong practice yung ggwin, ang natatandaan ko lang ay yung titigan mo yung apoy ng itim na kandila habang nasa madilim ka na kwarto, bale yung apoy lang makikita mo habang nakatingin sa gilid ulo mo pero yung mata mo sa  apoy sa harap pa din nakatingin) , may mga orasyon din dun,di ko na matandaan pero yung iba ginawa ko yung very light lang, like yung ippredict mo lang yung mag susunod na gagawin ng katabi mo sa bus, mga ganun.. kung ano yung nsa isip ng kaharap mo, that time di ko pa napapansin na iba na pala ang dulot nito sa sakin, tinigilan ko na agad nung mabasa ko about sa mga orasyon, ksi parang kalokohan lang, pero yun na din pala ang umpisa

January 2012
Naghuhugas ako ng pinggan ng naramdaman ko na parang nagsisitaasan ang buhok ko, ang tawag pala dun is lumalaki ang ulo, dumalas manangyari sa akin to, nsa school man ako habang naglalakad at nasa bahay, habang tumatagal narramdaman ko na laging sumasakit ang balikat ko, parang ang bigat, so ignore ko sya, not until one time napag tripan ko mag timbang, nagulat ako nang makita ko na double ang timbang ko sa normal na dapat na timbang ko, inulit ulit ko sya, hindi pa din nag babago, so ignore ko pa din sya baka kako sira lang timabangan, kinagabihan, habang nag fafacebook, mga 1am na nun nang marinig kong may umaalulung na aso, kinilabutan ako sa alulung nya kasi ang lakas, nagsaksak nalang ako ng headset at pinilit na di matakot, after a week, narinig ko na naman yung alulung ng aso na sobrang lakas!  Na parang nasa kabilang pader lang yung aso, Sa sobrang lakas nya napatakbo ko sa terrance at sinilip yung kapitbahay namin kung talagang may aso ba talaga sa knila, pag tingin ko sa baba, nakatingin sken mga aso at sabay sabay sila umalulung, dun na ko kinalibutan kasi walang tao sa daan nuon, naglakas loob ulit ako mahiga at makinig nalang ng music pero imbis na music ang marinig ko, isang nakakatakot na tawa ng babae  yung narinig ko, pero di ako nagpatalo, nagtapang tapangan pa din ako, natulog ako, kinabukasan kwento ko sa pinsan ko, ask ko sya kung may naririnig din ba sila alulung ng aso kasi imposible di nila marinig dahil nga ang lakas eh, dun ko lang na realize na nasa 3rd nga pala ang kwarto ko, at walang katabing bahay yung gilid ng room ko, imposible na marinig ko nang ganun kalakas yung alulung ng aso na parang nasa tabi lang ng bintana ko.

Napapansin ko din na lagi akong nagigising ng between 2:59am-3:01am nang walang dahilan, nag search ako sa net , may nakatitig daw sayo pag ganun pero dedma pa din ako
Not until this day came.

Feb 24, 2012
Habang nasa tricycle pauwi ng bahay, nakita ko yung sarili ko na nakahiga sa kama ng bestfriend ko, may isa pa kong nakita na nakatingin naman sa nakahigang sarili ko which is ako din, bale dalawa silang nakita ko, isang nakahiga, isang nakatayo na nakatingin sa nakahiga at ako na nakatingin sa knila, naguluhan ako, nakaramdam ako ng kaba, naiba yung scene, nakita ko si Jesus, tumakbo ko papunta sa Kanya, pero lumayo sya, at naiwan ako sa mga demons sa tabi ko, di ko namalayan na nakarating na pala ko sa bahay, pag pasok ko sa bahay, ang bigat ng pakiramdam ko, para kong maiiyak na ewan, nagtxt ako sa mga kaibigan ko na alam ko makakatulong saken, pero ayaw mag send ng mga text ko kahit may load naman ako, ng stay ako sa kwarto ng parents ko, umiyak lang ako ng umiyak sa takot ko pero narinig ko na naman yung tawa ng babae sa right ear ko kaya tumakbo na namn ako sa terrace, paglingon ko sa kwarto nakita ko mag itim na shadow, yumuko ako at umiyak don sa terrace, pag angat ko ng ulo ko, nakita kong yung mga demons na nakapaligid saken na may hawak na patay na mga angel, nag iiyak ako nun, Sabi ko Lord bakit mo ko iniwan, nagiiyak lang ako dun sa terrance di ako umaalis,hanggang sa narinig ko yung kaibigan ko, sinigawan ko na pumasok nalang sya, nagulat sya sa itsura ko, pumasok kami sa kwarto at nagkwento ko sa kanya ng nakahiga ( kasi bumigat na naman yung shoulder ko, sa sobrang bigat nahiga nalang ako) habang nagkkwnto ko nakita ko yung mukha nya na nangingitim pero nagpatuloy pa din ako, tinanong nya ko kung tinangap ko na daw ba si Cristo as my Lord and Savior sabi ko hindi pa, sabi ko need paba yun? tapos nag pray sya, prayer of acceptance, pero di ko sya maintindhan, prang di sya pumapasok sa isip at puso ko, dumating ang dalawa pa namin kaibigan, at huli ang boyfriend nya, pagdating palang ng bf nya, nag ask na sya kung may iba pa daw ba kami kasama kasi my nakikita daw sya sumisilip smen, sabi namin wala, sabay sabay kmi ng pray, wala pa din ako maintindhan kasi pag pinipikit ko mata ko nakikita ko yung mga nanlilisik na mata, sabi ko sa knya ulitin nya, hanggang sa sumigaw na sya, sabi nya lumayas sila IN JESUS NAME! At aun naintindhan ko, tinanggap ko si Lord as my Lord and Savior, sa puso ko, in less than a seconds! Nawala yung nararamdaman namin bigat sa bahay, nawala yung bigat sa shoulder ko, at bigla nalang ako nakaramdam ng Joy! Napangiti ako hindi ko alam kung anong nraramdaman kong sobrang saya! Hinding hindi ko makakalimutan ang experience ko na to! Kung saan ng karoon ako ng personal relationship kay Jesus, Pinaliwanag din nila saken na maaring nilinlang daw ako ng demons na kunwari iniwan ako ni Lord, pero hindi naman pala. At until now nagblebless pa din ako kung paanong binago ni Lord ang buhay ko simula ng araw na yun.

-not the end

Heaven
2015

📜Spookify
▪︎2016▪︎

[1] True Filipino Horror Experiences (Tagalog)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon