Class picture

68 5 0
                                    

Class picture

Hi spookify! just want to share a story. Im Venisse, im in mid 30's na pero nangyari to nung 1st year highschool pa lang ako. Pumapasok ako sa isang old catholic school na pinapatakbo ng mga madre. di ko na po papangalanan yung school since matagal na din syang nagsara. I believe merong iilan na makakadistingushed or makakaalala ng kwento na to kasi medyo umingay yung pangyayari na to nung time ko. probably mga around nasa age ko din.

That time medyo uso pa yung mag dodorm ka sa loob ng school. at isa ako sa mga estudyante non. 1st day palang ng first year, sinabihan na kami ng mga higher year na wag na wag kami magccr sa west side na dulo ng school. it become some kind of myths, na kung sino ang pumasok doon ay kukunin daw ng salamin. ewan. pero siguro dahil sa takot wala nga talagang nag ccr don. marami rami na din kasing patunay na malas nga yung cr na yun matapos pay estudyanteng patayin sa loob. ang rinig ko ginilitan ng leeg daw habang nakaharap sa salamin.sinong gumawa? isang nabaliw na madre. kaya talagang umiiwas yung mga tao dun. pero ang sabi naman ng mga madre ay property ng school yun. at pwedeng pwedeng gamitin.

FF, ,medyo patapos na yung school year non. so nagdedeliver na ng class pictures each year level. kadalasan nauuna yung sa 4th year, then 3rd, 2nd tapos last ibinibigay samin. hindi ko din naman inaabangan yung class picture dahil may sakit ako nung araw ng picture taking. yung kaklase ko na si penpen (not her real name)  wala kasi nag cutting saglit daw para kumain ng totong sa canteen. di daw sya nainformed na that day ang class pic.

nakaset na ibigay saamin yung copies ng class pics before uwian ng hapon. pero bago pa naibigay saamin yung pics, may mga pulis, ambulansya at ruckus na nangyari. natagpuang patay yung nagdedeliver ng pic sa cr na iniiwasan ng lahat. same ng pakamatay dun sa babaeng namatay din. nilaslas ang leeg at maraming strange markings sa katawan. nagkalat yung gamit nung biktima at basag ang lenses ng camerang hawak nya. nasa labas ng sya ng cr non. nasa hagdan to be exact. parang nanlaban pa kasi sya sa nagyari sakanya kaya napunta sya sa labas

kinabukasan, nareceive pa din ng mga kaklase ko yung class pic. pero kulang ng isa. dahil tatlo naman kaming absent nung araw na yun, wlang problema na hindi ako tumanggap ng kopya. hindi pa natatapos ang klase, may kaklase akong nahirapan huminga. nagpanic kami non kasi nangingitim na sya. hanggang sa dinala sa clinic pero wala na daw pulso. di natapos don ang kalbaryo ng section namin. sumunod ang isang kaklase ko din nung araw na yun. gabi noon at bigla nalang syang nawala. kinabukasan. nilaslas din ang leeg nya at natagpuan sya sa hallway papasok ng dorm

lumipas ang 2 araw, anim na estudyante na yung kinukuha.sobrang bothered na ko non at gusto ko ng lumipat ng school. one night, kinausap ako ni penpen. sobrang weird nya non kasi disoras ng gabi na non at ginising nya pa ko. halatang puyat sya at nangingitim ang mata. hinding hindi ko makakalimutan yung sinabi nya non

"pst! venisse. Si amber na ang susunod, susundan ni maribeth at ni julia"

tapos umalis sya saka bumalik ng higaan. kinabukasan, nakitang nakabigti si amber. at kagaya ng sinabi niya, sumunod si maribeth at julia. doon ako naparanoid lalo. naisip ko na baka kilala ni penpen yung pumapatay. or worst, baka sya pa nga ang gumagawa non. Dahil don, kinukwento ko sa bestfriend ko yun. Si mae. di na napigilan ni mae na iconfront si penpen sa harap ng batchmates namin. so ang nangyari inisip din ng lahat na si penpen ang gumagawa non.

hanggang sa nagkaroon ng away away. at sa di inaasahan, siguro dahil sa galit na din. tinulak ni penpen si mae at sinabing "Ikaw mae ang susunod bukas" doon kami natahimik. para syang sinasapian. nagsimula syang magturo pa ng dalawang kaklase at sinabi sila sa susunod kay mae. sa takot namin, nagsumbong kami sa adviser namin. Doon nila sinimulang icouncil si penpen pero wala silang napigang sagot kahit tinakot nila itong isususpend. natatakot din ako non para kay mae. pero katulad ng sinabi ni penpen? kinuha nga din si mae. natulog sya nung gabing iyon at di na sya nagising. at sumunod nga yung dalawang kaklase ko nung ilang araw makalipas. di na nga umaalis yung mga pulis sa school dahil sa nangyayari, nagppatawag na din ng meeting sa magulang tungkol sa pagkalagas ng estudyante samin. yung head ng school pinagbawalan lahat na hindi dapat ipagsabi sa iba dahil credibilidad daw ng eskwelahan ang nakataya. pero syempre, di maiiwasang malaman din ng iba.

one day, may lalaking bumisita kay penpen mukang anak ng kano yung itsura. di ko kilala pero nakita ko na iniiyakan nya. naawa din ako that time kasi sya pinagbibintangan ng lahat kahit pa nung inimbistgahan sya at wala naman nakitang kahit na anong kahina hinala. naririnig ko yung usapan nila pero spanish ang salita nila parehas. anak kasi ng foreigner si penpen. dahil may subject kam non na spanish, medyo nagets ko yung ibang words. pero sobrang onti lang since 1 yr palang namin inaaral yun at ang bilis kasi nya magsalita since native speaker sya. "foto de la clase at patron" di ko na maalala yung iba. pero sa dalawang words na naintindihan ko, 'class picture at pattern' doon ako kinabahan. nangialam ako ng gamit ng isa sa mga kaklase ko dahil wala akong kopya. doon ko narealize na kung anong position nila sa class picture ay yun ang pagkakasunod sunod ng pagkamatay ng estudyante.

dahil don nagsorry ako kay penpen at tinanong kung ano bang dapat gawin. she said na sa tingin nya kulang na isa sa class picture ay naiwan sa loob ng cr dahil nagkalat nga yung gamit ng lalaking pinatay don. dahil sa nalaman ko, alam ko na sa sarili ko na hindi na ko involve dahil wala ko sa picture. ganon din si penpen. ang proposal nya non sakin na puntahan namin yung cr para tingnan kung nandon yung kulang na class picture. ofcourse tumangi ako. ayaw kong mainvolve. pero dahil ewan ko, she always had the guts. kaya tumuloy sya. kahit ano pang kumbinsi ko na hayaan nalang, tumuloy pa din sya. she prayed at nagfasting pa sya before non. as expected, andon nga yung picture. naging malabo lahat ng muka ng kaklse ko whos considered as the fallen ones. we went at the back of school at nagpray ulit kami. this time sinamahan ko na sya. sinunog namin yung picture. natapos ang sumunod na araw na wala ng kinuha samin, pero kahit ganon, nagpasya akong magtransfer na din ng school. right timing din dahil sinara yung school na yun. I've moved on na din sa nangyari. i became an architech and I heard Penpen became a doctor. we rarely talk.yung schooI? heard sinunog pa nga daw pero ewan. pero tinayuan nalang siguro ng ibang establishment yun. salamt po kung maipopost ito, pasyensya kung medyo mahaba. salamat admin! more power sa page na ito.

2018

note: Hi nga pala, Jay Vincent Bito. HAHAHA.

📜Spookify
▪︎2018▪︎

[1] True Filipino Horror Experiences (Tagalog)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon