UNIBERSIDAD : MILANO

30 4 0
                                    

UNIBERSIDAD : MILANO

Eto na. Si bloo kasi ayaw inarrate kwento ko amp hahahahshshshss.

Si ser milano, parehong teacher ang mama at papa. Nung papasok na nga lang sa highschool si ser, naging principal ang mama nya.
Sa isang maliit  na elementary school sa baryo lang naman pero malaking achievement pa rin talaga yun.
Habang ang papa naman nya, naging head ng filipino department (Dun sa school kung saan naganap ang forest).

Kaya ang saya saya diba? Kaya lang panandalian lang yun. Wala pa atang july, nagsimulang tubuan ng nana nana ang mama ni ser sa iba't ibang parte ng katawan. Tapos hindi na ito makagalaw sa sobrang sakit.

Pinatingin naman agad sya sa doktor pero walang makitang mali. Nagpapalitpalit silang doktor. Dahil dun unti-unti naubos ang ipon ng mag-asawa.
Tumigil na rin sa pag-aaral ang ate ni ser nun para magtrabaho at makatulong na.
Habang si ser naman naaapektuhan na sa nangyayari sa pamilya nila.

Lalo na at pati papa nya nagagaya na rin sa sitwasyon ng mama nya. Hindi na rin ito nakakapasok dahil sa labis na sakit.
Yung amoy na rin ng bahay nila non ay malansa.

Isang araw, dumalaw yung mga co-teachers ng papa nila sa bahay. May kasamang isang hindi pamilyar na lalaki.
Lumapit yung lalaki sa mga magulang nya, tinignan ang mga palad at umiling.

Nagpausok yung lalaki. Tapos nung tinanong ni ser para saan yung pausok? Ang sagot nung lalaki para kahit isang gabi, lubayan ng namiminsala ang mga magulang nya.

Dun na. Nalaman na nila ser at ng ate nya na albularyo yung kasama ng mga katrabaho ng papa nila. Dinala para ipatingin kung tunay nga bang sakit yung nararanasan ng dalawa o tao anf may gawa.

Hindi katoliko sila ser milano. Kaya magalang na pinaalis ng ate nya yung lalaki dahil hindi sila naniniwala sa mga tulad neto.
Hindi ko na lang banggitin pangalan nung christian group kung saan sila kasali, noon.
Noon, dahil nang malaman ng mga kachurch nila na biktima ng kulam ang mama at papa nila, hindi na ulit sila pina attend doon sa church.
Baket? Kasi tinablan sila ng kulam. Para sa mga kachurch nila noon, ibig sabihin non, wala DAW sakanila ang holy spirit. Mga pakshet diba hahahshshsha. Nagbabasa silang bibliya pero nakalimutan ata nila yun kwento ni job. Watdapak coconut.

Bale ayun nga, pakiramdam nila wala na silang kakampi. Pero sabi ng mama at papa nila, tao yung mga kachurch nila, nagkakamali. Ang mahalaga ngayon ay ang relasyon nila sa Diyos. Yun ang pinakamahalaga.
Kaya lang nagkaroon pa rin ng agam-agam si ser. Kwinestyon nya ang Diyos kung bakit ganoon ang nangyayari?

Maraming bakit ika ni ser sakin. Tapos isang buwan bago bawian ng buhay ang mga magulang nya, may nakilala syang tao.

Nagyoyosi sya non sa gilid ng kalsada. Wala kasi silang tanghalian ng ate nya dahil binili ng gamot. Kaya idinaan nya sa yosing bigay ng tropa nya ang gutom.

Naglalangoy sa ilog mga tropa nya, sya naman nakaupo sa gilid ng kalsada nung may tumigil na kakakarag karag na owner na jeep.
May bumaba doon na lalaki, nakasalamin at polo shirt, tumabi sakanya at inabutan syang tupperware na nung buksan nya, may lamang lasagna.
Sabi nung lalaki, sakanya na yung yosi sakanya na lang. Syempre binigay ni ser at kumain na agad.
Niyosi naman daw nung lalaki yung yosi. Tapos nung tumigil sa pagkain si ser kase para sa ate na nya yung natira tinitigan sya ulit nung lalaki.

'Masarap ba? First time ko magluto nyan. May ipinakita kasi SYA sakin kanina habang nag gogrocery ako. May dalawang magkapatid yung namimiss ng kumain ng lasagna. Favorite nila yun. The best ang luto ng mama nila. Ipinakita NYA rin sakin pano magluto nyan. May isa pang tupperware, kainin mo na yan. Teka lang bibili akong royal'

Nganga kain bubog nun si ser. Kasi sila ng ate nya, lasagna nya ang favorite. Kaya paanong nalaman yun ng lalaki. Pero mas nanaig pa rin ang kumakalam na sikmura.

Nang umuwi sya sakanila, kasama na nya yung lalaki, si kuya jojo.
Kinausap ni kuya mama at papa nila. Ayun nag-iiyakan sila.

Kinabukasan non, isinama sya ni kuya jojo. May kakausapin daw silang tao.
Sa unang pagkakataon, nagkita si ser milano at ser vash non.
Hindi si ser vash ang pinuntahan nila, kundi yung nanay ni ser vash.

Nagtataka non si ser milano bakit nakikiusap si kuya jojo sa nanay ni ser vash na itigil na, bawian na ang sumpa.
Hanggang sa marealized nyang, yung nanay ni ser vash ang nangungulam sa mga magulang nya.

Nakilala nya na rin ito. Co-teacher ito ng mama nya. Kaya lumuhod na sya, nagmakaawa. Pero itinayo sya bigla ni ser vash. Tapos kinaladka sya palabas ng bahay.

'Huwag na huwag mong luluhuran ang ganoong klaseng tao. Bato na ang puso nya. Nilamon na ng inggit. Kahit umiyak ka ng dugo wala na' sabi ni ser vash

'Edi ikaw makiusap sa mama mo na tigilan na sila papa. Hirap na hirap na kami kuya. Makikinig naman siguro sya sa iyo diba?' Pakiusap ni ser milano

Tumawa naman si ser vash. 'Ako? Pinatay nya nga asawa ko e. Pinatay nya. Pinagpracticean nyang barangin. Dahil lang sa pinaattend ng asawa ko yung panganay naming anak sa katekismo. Hindi ako pakikinggan nyan. Kaya umuwi ka na. Sulitin mo na nalalabing oras ng mga magulang mo'

Nagstop si ser milano non sa pag-aaral. Sinulit nya nga yung mga araw na buhay pa mama at papa nila.
Sabay na binawian ng buhay ang mag-asawa. Nasa bahay nila non si kuya jojo. Naglulutong makakakain.

Sabay sabay silang kumain non. Nakaupo silang tatlo sa lapag tapos sa kama naman yung mag-asawa.
Maagang natulog ang ate ni ser dahil maaga ang pasok sa trabaho sa umaga.
Nagkukwentuhan si kuya jojo at papa ni ser nung biglang mapatigil sa pagsasalita si kuya jojo. Natulala sa may paanan ng kama.

Hinawakan sya sa kamay naman ng mag-asawa, at nginitian. Habang si ser milano, nagpakawala ng napakalakas na sigaw.

Sa paanan kasi ng kama, may nakalutang na nakarobe. Hindi nila malaman kung babae o lalaki dahil tagong tago ang mukha.
Buto buto lang din ang nakalitaw na kamay at paa.

Pinakalma si ser ng papa nya at pinatabi sakanya.

'Niko anak tignan mo si papa. Ayan. Wag kang matakot. Sya lang sundo namin ng mama mo. Sa pupuntahan namin anak, patutulugin kami. Doon walang sakit. Walang paghihirap. Masakit sa loob namin ng mama mo na iiwanan namin kayo ni ate ng napakaaga. Pero  panatag ako dahil may binigay sa atin na gagabay sainyo. Wag kang matakot anak ko'

Umiyak non si ser. Hindi nya sila iniwanan. Minu-minuto chinecheck nya kung humihinga pa sila. Pero nakatulog sya. Tapos ginising sya ni kuya jojo na mugto na ang mata.

Payapa ang itsura ng mga magulang nya ika ni ser. Mejo nakangiti. Magkahawak kamay din sila.

Mula non naging parte na ng buhay nila ng ate nya si kogure este si kuya jojo. At maging ang poot na inalagaan ni ser sa puso nya, na paglipas ng apat na taon ay pinakawalan nya na syang naging dahilan kung bakit sa lahat ng kilala kong tao ngayon, sa lahat ng mga kaibigan ko, isa sya sa may pinakamatibay na pananampalataya.

SIMON

Part 1
https://www.facebook.com/SIGAWPhilippineHorrorStories/posts/848290602579211

Part 2
https://www.facebook.com/SIGAWPhilippineHorrorStories/posts/882913992450205

Part 3
https://www.facebook.com/SIGAWPhilippineHorrorStories/posts/905434423531495

Part 4
https://www.facebook.com/SIGAWPhilippineHorrorStories/posts/915382235870047

Part 5
https://www.facebook.com/SIGAWPhilippineHorrorStories/posts/957590204982583

Part 6
https://www.facebook.com/SIGAWPhilippineHorrorStories/posts/969495110458759

Part 7
https://www.facebook.com/SIGAWPhilippineHorrorStories/posts/985143215560615

Part 8
https://www.facebook.com/218238752251069/posts/1011115216296748/

Part 9
https://www.facebook.com/218238752251069/posts/1057558358319100/


📜Sigaw
▪︎2021▪︎

[1] True Filipino Horror Experiences (Tagalog)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon