Bad spirits

159 5 0
                                    

Bad spirits

"Tatlo kaming magkakapatid at ako ang bunso. Panganay namin ay lalake habang yung nasa gitna ay babae. Mas close ako sa Ate ko kesa kay Kuya kasi sobrang tahimik niya at madalas ang mood swings kaya lagi kaming nagaaway, konting sita mo lang sa kanya mainit na ang ulo. Saka ko lang siya naging close noong naging close nya ang boyfriend ko, sumasali ako sa inuman nilang dalawa kaya naman habang tumatagal nagiging komportable na ako kay Kuya. Akala ko tuloy tuloy na yun pero hindi pala, last year November binawian siya ng buhay dahil sa isang kondisyon na napaka rare daw sabi ng doctor, akala namin simpleng chicken pox lang, yun pala naghyper sensitive siya sa mga gamot niya nung niresetahan siya for chest pain while suffering from chicken pox at ayun, nagkaroon ng komplikasyon. Biglaan ang pagkawala ng Kuya, nagkachicken pox tapos chest pain, uminom ng gamot, tapos after 1 day dumugo na yung mga bulutong niya sa mukha at namaga, after an hour dumugo na yung sa bandang pwet at umiihi na din ng dugo. Naisugod pa namin siya sa hospital pero wala pang 24hrs nawala na siya. Madami na ding lumapit samin sa hospi na di namin kilala na ipaalbularyo na si Kuya. Hindi ako naniniwala that time, pero noong naconfine si Kuya bago pa siya bawian ng buhay, ipinatawas ko siya, habang sinasabi ng albularyo na may nararamdaman na daw si Kuya na di maganda bago pa siya magkasakit ay naalala ko ang sinabi niya na may pumasok na itim na ibon at inikutan siya sa ulo saka umalis, kaya sa takot ng Kuya ko ay nagsimba siya nun kinabukasan. After non, sabi nung albularyo ay humihiwalay na ang kaluluwa ni Kuya, nang biglang nag ring phone ko, dko pinansin hanggang sa naka dalawang tawag na, yun pala si mama at ibinalitang kinakapos na ng hininga si Kuya, tuloy pa din ang orasyon kahit na umiiyak nako, tapos sinabi ng albularyo na may natamaan daw na di nakikita si Kuya, at may bruha daw. Wala na siyang sinabing iba maliban doon. Hanggang sa umalis at nakarating nako sa hospi, nirerevive na si Kuya, hanggang sa wala na. Inasikaso namin lahat at umuwi ng bahay. Naisip namin ng Ate ko na hanapin ang mga gamit nya, at nakita namin tong 3 notebooks niya na alam naming pinagsusulatan nya ng mga quotes. May biglang tumulak sakin na buksan yung notebook, diko inaasahang ganun ang mababasa ko. ""Ingat, ingat lang, may nakamasid, may nakatingin, totoong may mangkukulam sa lugar na to, habang nagsusulat ako may nakasilip"". Bigla ko na lang naitapon ang notebook na yon saka umiyak, dun ko napagtanto kung bakit everytime na nakabukas yung mga bintana at pintuan namin sa sala kapag gabi na ay lagi nya tong sinasara, kami naman nagagalit kasi ang init init na nga ganun pa ginagawa nya. Diko alam na nakakakita siya o nakakaramdam, sa sobrang tahimik nya wala siyang nakkwento samin.

First morning na wala na siya, naglilinis na kami ng bakuran ni bf para sa pagdating ng labi ng Kuya. 6am in the morning yun at halos lahat ng aso sa lugar umaalulong, weird dba? Maski aso namin umaalulong. Tinawagan namin yung albularyo, sabi niya nagsasaya daw yung mga spirits na kumuha kay kuya at nakikita yun ng aso namin. Sa sobrang kilabot, di kami nakapasok sa loob ng bahay hanggang sa dumating na yung labi, saktong dumating din sila Mama galing town.

First night ng burol, eto ang nakakakilabot, ako ang nakabantay at nasa bandang paanan ako ng kabaong. Nagchat yung tita ko at di makapaniwala sa nangyari, dahil dun naisip kong magsend sa kanya ng picture. Nag ask ako ng permission sa matatanda if okay lang ba (Baka kasi bawal). Sabi nila okay lang so I decided to take a picture at send agad. After that, may biglang nakakuha ng attention ko, si Kuya! Oo, nakuhanan ko ng picture si Kuya habang nakatingin sa sarili nyang kabaong! Mukha talaga nya yun! Kasi may ganun siyang picture na nakaside view at di ako nagkakamali, siya yun. Hanggang sa pinakita ko sa bf ko at family nya, may napansin sila. Hindi lang pala si Kuya ang andon, may isang mukha ng babaeng nakatawa sa bandang ulo niya at maliit na mukha sa bandang gilid niya. Nagtake ulit ng isang picture si bf at meron na namang ibang mukha. Pinakita namin yun sa albularyo, sabi niya bad spirits daw ang kumuha kay Kuya at nagsasaya sila na nakuha nila ang kaluluwa niya.

Chinita

📜Spookify
▪︎2016▪︎

[1] True Filipino Horror Experiences (Tagalog)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon