ANINO Last Part

49 6 0
                                    

ANINO Last Part

I - II. https://www.facebook.com/1305050579651050/posts/1382956355193805/

Pareho kaming nakaidlip si Marcy sa jeep at ginising lang kami nung driver dahil nandun na kami sa last stop (nope, di kami lumampas kasi sa last stop talaga yung village nina Uncle). Pagbaba namin sa kanto, naglakad na kami ni Marcy habang bitbit yung mga gamit namin. Nabutas yung hawak kong plastic at gumulong sa daan yung ibang gulay na laman nito. Yung isang patatas, napunta malapit sa gate nina Tay Delfin. Maganda yung bahay nilang kulay green ang motif. Si Tay Delfin ang bestfriend ng Uncle ko sa village nila. Nung kukunin ko na yung patatas, biglang may sumulpot na aso sa loob ng gate nila at tinahulan ako nang tinahulan. Napaatras ako at napasigaw kasi takot ako sa mga animals. Pinagtawanan ako ni Marcy kasi nasa loob naman daw yung aso pero hindi pa rin ako makalapit. Habang pinupulot namin yung mga gulay, lumabas ng bahay nila si Tay Delfin dahil ayaw tumigil sa pagtahol yung aso. Nang mamukhaan niya kami, sinaway niya yung aso at saka siya nag-wave sa amin.

Madalas kasi kami dito kaya halos kakilala kami ng mga kapitbahay. Anim lang naman yung mga bahay sa street nina Uncle tapos ay abandonado pa yung dalawa. Yung unang bahay na kulay green ay kina Tay Delfin. Sunod ay yung white bungalow na may rose garden nina Nay Cynthia. Tapos ay yung red brick house ni Lola Mommy. "Mommy" ang tawag ng lahat dun sa matandang nakatira rito. English speaking siya dahil sa America siya nakatira dati at umuwi lang dito sa Baguio after niyang mag-retire. Sa kabilang lane naman ay una yung maliit na bahay na abandonado. Kasunod niya yung isang malaking bahay na kamukha ng mga heritage houses sa Calle Crisologo sa Vigan. Malaki yung bahay pero dahil luma na at abandonado na rin, nagmukha siyang bodega. Sa dulo ay yung bahay at transient nina Uncle.

Nadatnan namin sila na kumakain ng nilagang mais na bigay raw ni Tay Delfin. Saktong pagkaupo namin, kumatok sa gate si Tay Delfin. May dala siyang tatlong mais para sa amin. Di raw niya alam na darating pala kami kaya nagdala pa siya para sa amin. Kumuha kami ng tig-isa ni Marcy. Then, habang nagkukwentuhan kami, sinabihan ni Tay Delfin si Marcy na tawagin yung isa pa naming kasama para magmeryenda rin. Nagtinginan kami nina Uncle.

"Aba, wala naman silang ibang kasama ah. Dadalawa lang yan nang dumating," wika ni Uncle.

"Ganun ba? Akala ko kasi kasama nyo yung lalaking nakita ko kanina," sagot ni Tay Delfin.

"Oy, may kasama kayong lalaki?" sita sa amin ni Uncle.

"Wala po, Cle," halos magkasabay naming sagot ni Marcy.

"Kasi nung lumabas ako dahil tumatahol si Miles, may lalaking nakatayo sa tapat ng gate namin. Di ko namukhaan eh, pero nung nakita ko kayo, nasabi ko na 'Ah, mga pamangkin pala ni Rod' tapos kumaway pa ako," paliwanag ni Tay Delfin.

Nangilabot ako sa sinabing iyon ni Tay Delfin kaya nagpalusot na lang ako at sinabing dumadaan lang yung lalaki at tinulungan kaming magpulot ng mga nahulog na gulay. Naniwala naman si Tay Delfin at nung umalis na siya, dun kami nagtapat kay Uncle tungkol sa mga nangyari sa transient at wala talagang ibang tao kanina maliban sa aming magkapatid. Tinawagan ni Marcy sina Ate Maui at kinukumusta yung biyahe nila pero nasa PMA pa pala sila. Pinapunta ni Uncle yung pinsan kong si Ate Leny dun sa kakilala nilang dating nagtatawas sa kabilang street para magtanong kung ano ang pwede naming gawin. Nang makabalik si Ate Leny, sinabi raw ng nagtatawas na hindi niya kami kayang tulungan pero may nireto siyang manggagamot sa amin na taga-Brookside.

Agad inihanda ni Uncle yung sasakyan para makapunta kami habang maliwanag pa. Hindi tubong Baguio sina Uncle pero mula nang makapagpatayo siya ng bahay ay dito na sila namalagi at paminsan-minsan na lang umuuwi sa probinsya namin. Marami siyang alam na mga kwentong matanda dahil kay Tay Delfin. Noong una ay sobrang skeptical ni Uncle tungkol sa mga bagay na hindi explainable by Science pero nung siya na mismo ang naka-encounter, dun na siya naniwala. Sabi niya sa amin dati, kilala raw ang Baguio as a good tourist destination pero marami raw itong hidden faces. May mga culture sila na sila lang din ang nakakaalam kaya somewhere in the backstage, there are mysteries at phenomena na hindi mo aakalaing nag-eexist even in the modern times.

[1] True Filipino Horror Experiences (Tagalog)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon