ANDROID PHONE

49 3 0
                                    

ANDROID PHONE

Hi, kaka-join ko lang po dito nung nabasa ko yung “hôrrór” post recently and although naka-move on na ko sa mga kaganapan before, others might be interested sa own story ko. Pag pasensiyahan niyo na tagalog ko since di ako sanay.

It all started sa school namin, 3rd year high school ako nung nagkwento yung teacher namin tungkol sa babaeng walang mûkha sa school. Yung school janitor daw that time ay nag ikot and may nakita siyang babae sa labas ng canteen na nakaupo and since takipsilim na, nilapitan niya ito para pauwiin. Nakatalikod daw yung babae nung tanungin niya at nung sumandal ito, e wala raw mûkha, brown lang lahat kaya kumaripas siya ng takbo. Yung isa pang kwento ng teacher namin, e may group picture daw sila ng class niya and andun din sa gilid yung babae na walang mûkha but of course, di na namin hinanap yung picture na yon.

Fast forward, gusto naming malaman kung totoo yung kwento sa school namin at dahil that time ako lang yung may android phone sa tropa namin, e kailangan ko sumama sa kanila para mag-video. 2 weeks have passed, e wala kaming napala, walang nagparamdam, not until yung isa sa amin ay nagdadaldal while umiikot kame sa school.

“Di naman pala kayo totoo.”
“Ba't di kayo nagpapakita?”

Days after nun, we started seeing strânge things sa video, the first one was merong kabâ0ng na half, nakalubog sa lupa sa harap ng classroom namin. Few more days and hindi lang kami yung nakakaramdam, there’s a time na around 6 pm nagsitakbuhan yung mga sa kabilang classroom dahil daw may babaeng nakatayo sa likod ng room nila and everytime na mangyayaring may nagpapakita, hindi mahanap nung mga kaklase ko yung mga Bible nila sa bag (to those na may mga dala). Nakikita na lang nila after ng pangyayari.

Habang patagal, its getting worse, may naririnig kaming tumatawa sa loob ng classroom namin kahit naka-lock na eto after school time, meron din kaming narining na nagpupunit ng damit sa loob ng classroom, nababasag na mga baso, pero while naririnig namin yon, e naka tayo lang kami sa bintana nung room. Wala namang tao dun since naka-lock yung room.

Isang gabi, pauwi na ko nun at nasa gate pa lang ako ng school. Nagtatakbuhan yung mga CAT officers na nag-drill sa school dahil may nakita raw silang sûnòg na lalake na naglalakad. Opo, kami yung nangbulabog ng ewan kung mga anong elemento yon sa school. More weeks pa na tuluy-tuloy kami sa pag-video, at around 8 pm, may nahagip kami sa camera. Sa loob ng isang classroom na isang lalakeng walang bâlat yung mûkha, laman lang talaga at dinala namin yung video sa albularyo. Ang sabi, e maswerte raw kami kasi yung nakunan namin na elemento sa vid natutulog kaya walang masamang nangyari sa amin.

Tinuloy namin yung pag-video namin sa loob ng school, last few happenings sa pag-video namin, e may nahagip kaming shadow nung babae na dumaan sa harap mismo ng camera namin and after nun, tumigil na kami. And since nasa cellphone ko nga yung video, dala-dala ko iyon sa bahay hanggang sa loob ng kwarto.

I started seeing things more than what normal people can see, may babaeng nakapang-kasal na damit sa loob ng kwarto ko na walang mûkha. Napapanaginipan ko yung parang sinaunang set-up pa ng school namin. In the morning, may naririnig akong ingay ng yinuyudyod na kadéna sa bahay. Every 6 pm, may naririnig akong kampana at mga prayers na latin etc. In short, na-open na raw yung third eye ko.

KRA
2013
*Confidential (from Negros)

#FEUSFComeback


📜FEU Secret Files
▪︎2022▪︎

[1] True Filipino Horror Experiences (Tagalog)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon