Unibersidad 9

24 3 0
                                    

Unibersidad 9

Hinayaan na namin sila eva. Kasi titigas ulo e. Nakakasawa na rin kasing pagsbihan sila dahil alam naman na nila kung ano ang tama at mali.
Kaya lang isang gabi, pahiga na ako, at taalagang inaantok na. Dumating si noel but weyt der iz mowr. Kasama nya si dario at joan. Napabangon ako pagkakita ko non ke dario. Kase ang dungis taena tapos nung magpaalam si noel na bibiling makakain nya at pagbalik ni noel, hindi pa man nya naabot yung burger ke dario, inagaw na nya yun ke noel.
Sinagpang nya talaga. Gutom na gutom sya.
Nasa ikalawang burger na si dario nung ipaliwanag ni noel ang nangyayare.
Nagdrop na sila eva kahit graduating na sila at halos isang linggo na rin mula ng huli silang makita ni dario.
Pag daw kasi kumakatok si dario sa bahay nila cristine walang nagbubukas o dumudungaw man lang.
Kahit nung si joan na mismo ang kumakatok at nakikiusap. Ang mas kinagulat ko e nung malaman kong kasama nila cristine si ser amaya. Dapak?

'Hindi na rin napasok si ser amaya mon. Tapos sabi ni andrew, bago magdrop sila ate eva ang huli nyang nakitang kausap nila sa campus ay si greg' ka ni noel

Ako naman pilit kong inaalala kung sino si greg? Tapos nung maalala ko sya, nagtaka ako. Bakit kakausapin nila eva yung kablock naming si greg e ayaw nila cristine sa weird? E kase kung weird si noel, x100000 na weird yung si greg.

'Pagkasabi ni andrew sakin non simon, kinausap ko si greg at sabi nya delikado na sila eva. Kailangan na nilang tulong. Sabi pa nya gusto nya silang tulungan pero natatakot sya na baka sya ang mapano' sabi ni joan

Pagdating ni kuya tom, naghiwahiwalay kami. Ako kasama si paul, ice, dario at joan. Si kuya tom, noel at ser anton naman ang magkasama para puntahan si greg sakanila.

Pagdating sa harap ng bahay nila eva, nag ober da bakod kami kasi namalat na kami kakasigaw sa pangalan nila, wala pa ring nagbubukas.
Alam naming may tao, na nandoon sila kasi naririnig namin silang nagdadasal. Ang kripishit nga e. Hindi ako nakakaramdam na ligtas ako kahit nagdadasal sila. Kinikilabutan ako. Kahit si paul.

Kaso pagsilip namin sa me bintana? Wala sila sa sala. Pero doon namin naririnig yung mga boses. At doon lang namin napagtanto na, uy taena ikaapat lang nila si ser amaya pero yung boses na mga naririnig namin parang higit sa sampo.
Naipagpasalamat tuloy ni paul na iniwanan nya si maki. Kase malamang kung kasama namin si maki? Kanina pa nya nakita yung mga nagmamay-ari sa mga boses.
Habang nag-iisip kung pano namin makukumbinse sila eva na sumama na sa amin, tumawag si ser medrano.

'FUNGA' yan endearment nya sakin. Ewan ko ba ke ser.

'FUNGA DALHIN NYO NA SILA EVA KAY VASH. WALA AKONG PAKE KUNG PAANO NYO SILA DADALHIN BASTA ILAYO NYO NA SILA DYAN. INTIENDEZ?'

Kahit hindi naman ako nakikita ni ser non e tumango ako. Nagdesisyon na kong tadyakan ang pinto. Tinulungan naman ako nila joan.
Pagbukas nga lang ng pinto biglang napahawak si joan sa dibdib nya.
Imbes na pumasok na kami agad sa loob, napalapit kami ni paul sakanya. Kasi parang nahihirapan syang huminga.

'Wag kang papasok. Dun ka na lang sa may gate. Tara na mon' maya-maya sabi ni ice.

Kaya lang bigla syang hinawakan sa kamay ni joan.

'T-tawagan na lang natin si kuya jojo. Baka.....baka mapano kayo' sagot ni joan.

Hindi nga lang sya pinansin ni ice na kumalas sa pagkakahawak nya.

Pagtapak na pagtapak ko sa loob ng bahay para akong nauubusan ng hangin.
Yung para akong nagjogging na ng mahigit kalahating oras. Nanlalambot na rin ang mga tuhod ko agad-agad.
Pansin ko pati si dario, paul at lalong lalo na si ice e nahihirapan din.
Mabuti walang nakaisip samin na maghiwahiwalay pero siguro kaya walang nakaisip non dahil nga sa kakatwang nangyayari samin.
Nakita na rin kasi namin agad yung apat. Nakahndusay sila sa sahig ng isa sa mga kwarto.
Hindi ako maselan pero yung amoy nung kwartong yun pinagsama samang amoy pawis, at ihi.
Hindi na kami agad nag-aksayang oras. Si ice itinayo agad si ser amaya. Si paul naman ke eva, ako kay cristine at si dario naman, kay margie.
Tapos namatay ang ilaw. Parang don natauhan yung apat kasi bigla silang sumigaw.
Napansin ko agad yung mali sa nangyayari, kasi boses nila eva yung nasigaw kaso diba alalay naman sila? Kaya lang yung mga alalay naming katawan, hindi sakanila nangagaling yung sigaw.
Ramdam at rinig din kasi namin yung paghahabol nilang huminga.
Pagsindi ulit ng ilaw, wala na kaming inaalalayan. Nakabukas na yung aparador sa kwarto at doon nagsisiksikan yung apat.

'Takbo' sabi ni ice

Walang komontra sakanya. Nag-unahan na kami papalabas ng bahay. Hindi pa man kami nakakalayo, may narinig kaming pumutok mula sa loob ng bahay tapos ayan na agad ang nangangalit na apoy.

Si cristine na syang may-ari ng bahay, parang walang pake. Kumapit sya sa braso ko at nakiusap na ilayo ko sya doon agad.
Pagdating namin kila ser vash, andoon na sila kahit si greg. Para ngang lamog na prutas si greg e me blackeye, sugat at pasa. Akala ko sila kuya tom me gawa non kaya lang nalaman naming mga magulang pala nya me gawa.
Nagluto si eunic, joan at noel ng makakain. Habang sila eva, naglinis katawan.
Pagkatapos kumain, nagsabi sila eva na bukas na sila magkukwento kasi gusto nilang matulog.
Kokontra sana si kuya tom kaso tinitigan  sya ni ser vash.
Habang si ser anton naman e nagpaalam na uuwi muna.
Edi okay na diba? Birirung. Bandang ala una ng madaling araw, nagising ako kasi umiiyak si eva. Tinatakpan nya ang tenga nya.

'Ayoko please tama na tama na' yan ang sinasabi nya

Si noel naman nakayakap sakanya.

Tapos biglang kumawala si eva sakanya at lumabas ng kwarto.
Hinabol namin sya. Nagising na rin lahat dahil komosyon.
Naabutan namin sa kusina si eva may hawak na kutsilyo.

'Ate baba mo yan' sabi ni noel

'Tama si tom noel. Puro masama ang pinapakita sakin. Pero hindi ako nakinig sakanya. Ngayon hindi na tumitigil ang mga nakikita at naririnig ko noel. Ayoko na' tinutok ni eva yung kutsilyo sa mga mata nya

'Sabihin mo samin kung anong nakikita mo ate. Andito kami para sayo. Hindi mo kailangang harapin yang mag-isa. Pwede kang magsabi samin' sagot ni noel

'Pero ading yun ang gusto nya! Yung sabihin ko sainyo yung nakikita ko. Kasi gusto nya magkaroon kayong doubt sa Diyos'

'Ate araw araw naman nagkakaroon tayong doubt diba? Ang mahalaga naman ate, at the end of the day yung faith andyan pa rin. Na lahat ng nangyayari may dahilan Sya' sabi ni noel

Tapos sumingit ako. Ewan ko bat yun ang sinabi ko pero kako

Thy will be done

Pagkasabi ko non binitawan ni eva kutsilyo at napaupo sa sahig. Niyakap naman sya ni noel.
Tapos narinig ko na nagkakagulo sa kwarto. Takbo ulit ako pabalik don.
Nakatayo na si cristine sa may pinto. Hindi ko makita pagmumukha nya pero base sa takot na nakikita ko sa mukha nila eunice, ayokong makita. Nutenks.
Tapos nung hawakan ko sya kase para makadaan sila eunice, napasigaw ako kase ang init nya. Napaso ako.

At dun na lumutang dahan-dahan yung lampshade sa loob ng kwarto.
Nung napansin na naming lahat ang nangyayari, biglang humagibis yung lampshade kila paul. Nabasag yun sa ulo ni paul na hinarang ang sarili kila eunice.
Sinubukan naman ni ser milano at ser vash dumaan pero biglang humarap si cristine sakanila.
Ganon pa rin naman ang itsura ni cristine pero nakakatakot yung ngiti nya.

'Bakit kayo magkaibigan na? Hindi ba niccolo sya, nanay nya ang pumatay sa mga magulang mo? Gusto mo tulungan kitang patayin ang nanay nya?' Tanong ni cristine

Para namang gulat na gulat sila ser. Marahan silang umatras palayo kay cristine.
Tapos nung tumawa na si cristine, na hindi akma sa slim nyang katawan, nilingon ako ni ser vash.

'Tawagan mo na si jojo simon. H-hindi si cristine to' sabi ni ser

Edi nagreready na ko na tawagan si kuya jojo, bigla namang pinatabi ako ni kuya tom.

'Sus' sabi nya sabay karate chop sa batok ni cristine. Ayun tulog.

(Isunod ko agad yung kwento tungkol kila ser medrano at ser vash. Antok na ko e tulog muna ko para pogi lalo)

Simon

Part 1
https://www.facebook.com/SIGAWPhilippineHorrorStories/posts/848290602579211

Part 2
https://www.facebook.com/SIGAWPhilippineHorrorStories/posts/882913992450205

Part 3
https://www.facebook.com/SIGAWPhilippineHorrorStories/posts/905434423531495

Part 4
https://www.facebook.com/SIGAWPhilippineHorrorStories/posts/915382235870047

Part 5
https://www.facebook.com/SIGAWPhilippineHorrorStories/posts/957590204982583

Part 6
https://www.facebook.com/SIGAWPhilippineHorrorStories/posts/969495110458759

Part 7
https://www.facebook.com/SIGAWPhilippineHorrorStories/posts/985143215560615

Part 8
https://www.facebook.com/218238752251069/posts/1011115216296748/



📜Sigaw
▪︎2021▪︎

[1] True Filipino Horror Experiences (Tagalog)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon