Tito Cedes

165 5 0
                                    

Tito Cedes

Hi. Sana mapost tong story ko about my missing tito cedes.

Adventurous type of person si tito cedes. Gustong gusto nya maglakbay all around the philippines. He visited the famous tattoo artist ""Whang-Od"". Been in Chocolate hills in bohol., etc...

Now, here's where the story begins. He's planning to go in Tacloban then to Cebu then off to Davao. He's using his Montero nung umalis na sya.

Every stop nya tumatawag sya samin indication na okay lang sya. Siguro 1 day and a half bago sya nakarating sa tacloban. Then at that time napapadalas na yung tawag nya. Then he called us again, nasa may daungan na daw sya papuntang Cebu. At that time parang ang weird nya. Lagi nyang sinasabing mag ingat kami. Wag ko daw papabayaan pag aaral ko. Then tumawag sya nung nasa cebu na sya. Our call only lasted for 5 minutes, I think. Then at 12 midnight, he called us. Umiiyak sya nun at hingal na hingal. Medyo choppy kasi nasa gitna siguro sya ng mountainous road. He's crying and sinasabi nya na may nakaharang daw sa daanan niya, hindi daw sya makadaan. We ask if if it is a rock or baka landslide. He said no. Sinasabi nya mga nakaitim daw na cape. A group of people daw na naka black cape. We asked kung anong ginagawa nila. He said they're just staring at him.

And then mamaya we can hear him screaming ""Wag kayong lalapit!"" and still he's crying. Worried na kami that time. Bumubusina sya nun and we can hear it. We told him na umatras na lang sya at bumalik sa pinanggalingan nyang hotel. Sabi nya mahirap daw kasi maliit na one way lang daw at bangin na ung sa likod. He's screaming so loud na talaga! ""Stop! Stop!""! Habang bumubusina sya. Maya-maya sabi nya may mga machete daw yung mga nakacape na yun. Mga nakaitak daw. Then he's starting to scream talaga literal na napakalakas na sigaw. STOP! STOP! STOP! Yun yung huli naming narinig sa kanya before the call became static. Nagputol-putol yung call and ended up.

Napasugod sina mommy and mga tita ko sa Cebu. Nagpatulong sila sa mga police dun. Paikot ikot sila dun. There is no sign of tito cedes there. Even sa mga barrios dun. After 1 month, nagbigay ng info yung mga police, sabi:

""Nakita na po ang sasakyan, maraming dugo sa loob nung nakita ito, may kapiraso pa nga po ng daliri ang natagpuan sa loob. The passenger was never found.""

We still pray till now. Na buhay pa si tito cedes. And someday he'll come back.

Ragedy Ann

📜Spookify
▪︎2016▪︎

[1] True Filipino Horror Experiences (Tagalog)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon