Palikuran

154 5 0
                                    

-palikuran-

         Palikuran o mas kilala sa tawag na banyo,kubeta,o kasilyas…
         Sa dati kong tinitirahang bahay ay mayroong palikuran o banyo sa labas,marami kaming gumagamit nun.
         Kaya pag sumakit ang tiyan mo at natatae kana tapos may tao sa loob eh sorry ka na lang hihintayin mong matapos gumamit un nauna sayo.
         Noong bata pa ako kapag nadumi ako sa palikuran napapansin ko pagkatapos kong dumumi at nakapag hugas na parang may kakaiba,yun mabahong amoy normal na yun pero yung parang may kumurot sayo?yun ang hindi normal.
         Minsan kapag tiningnan ko yun mga hita ko sa may pagitan ay mayroong maliliit na mga pasa nakapagtataka lang kung paano ako nagkaroon ng ganun?pero dahil bata pa ako noon hindi ko na lang masyado pinansin iniisip ko baka nakuha ko lang yun sa aking paglalaro sa kalsada o sa bukid.
         Nung medyo nasa highschool na ako ayun dun ko lang ulit naalala yun kase lumipat sa katabi namin un tito at tita namin kasama yun mga pinsan ko.Hanggang sa isang araw tinanong ako ng pinsan kong babae kung may tao daw ba sa palikuran?so ako naman tanga tiningnan ko at sabi ko wala naman tao natawa sya sa akin kaya tinanong ko kung bakit?yun pala ang tinutukoy nyang tao eh yun hindi nakikita.
        Sinagot ko sya na hindi ako sure kase wala naman nagpapakita,tapos sinabi niya na may maliliit syang pasa sa hita,bigla na lang daw syang nagkaroon ng ganun after nya gumamit ng palikuran kase nun bago sya pumasok dun eh wala pa naman daw yun?
Sabi ko naman baka nga meron kase nagkaroon din ako dati.At sa tuwing may bisita sa bahay ganun din yun tinatanong palagi sa akin kung meron daw bang nakatira sa palikuran dahil nagkaroon din sila ng pasa.
         Isang araw dumalaw sa amin ang tiyuhin ko bali asawa sya ng pinsan ng nanay ko,gumamit din sya ng palikuran at natulog sa amin.Kinabukasan nilalagnat sya at hindi makatayo tinanong ng lola ko kung anong nangyari at bakit hindi sya makatayo?ang sagot nya masakit daw un butas ng pwet nya at namamaga eh nun gabing nagpunta sya sa amin hindi naman daw ganun yun pakiramdam nya.
          Nung time na yun merong puno ng papaya sa loob ng palikuran tumubo sya sa pader at lumaki na parang paikot na sawa
Sa pader ng palikuran may umaagos na tubig galing sa lababo ng kapitbahay sa palagay ko dun galing yun buto ng papaya naiwan sa bitak ng pader at tumubo kaya pag may papasok dun lalo na pag gabi eh nagugulat dahil akala may sawa.
         Pinatawas namin ang tiyuhin ko at ang sabi ng albularyo ay may naupuan daw itong nilalang na hindi nakikita?nagstay pa ang tiyuhin ko ng isang araw at isang gabi sa amin hanggang mawala yun lagnat nya hindi ko narinig kung ano ang sinabi ng albularyo dahil inutusan akong bumili ng bigas sa tindahan.
        Kinabukasan umuwi na tiyuhin ko sa tinutuluyan nya at sabi nya na hindi na daw sya magbabanyo sa amin pag bumisita sya ulit. Sa ngayon hindi na ito ginagamit dahil sa kalumaan at puno na ang poso negro kaya nakasarado na ito.

📜Real Life Horror Stories
▪︎2021▪︎

[1] True Filipino Horror Experiences (Tagalog)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon