ROOM 04

93 8 0
                                    

ROOM 04

Hello!

I'm an avid reader of this page, dito ako tumatambay at nagbabasa kapag boring, so from being a reader, I try to share my own story too. Hindi ako magaling magkwento so bear with me! Pag na post 'toh,sign na I c-crushback na ako ni ano!

Just call me Mareyah, nakatira kami dito sa bicol, dito ako pinanganak at dito na rin lumaki. Currently nagt-trabaho mama ko as a care taker sa isang beach dito sa province namin. (Hindi ko na i m-mention kung ano name ng beach)

Grade 5 ako nung binuksan ang beach at sakto pang ka-birthdate ko. So ayun na nga, noon pa man may naririnig na akong mga kwento ng mga mangingisda dito kesyo may nakikita raw sa tabing dagat na maliliit na bata na naghahabulan sa gitna ng gabi pag bilog ang buwan. Pero syempre hindi naniniwala ang ate niyo noh! Ilang taon rin kaming nagbabantay dito and never pa akong nakaranas ng nga pagpaparamdam ng kung ano. Lagi ko na lg sinsabi na, 'eh maniwala dyan ang tanda tanda ko na hindi pa ako nakakakita ng ganyan and etc. '

So itong beach is dati wala pang mga hotel rooms, nagkaroon lang netong 2017 or 2018 yata, that time nagpapalit palit ulit ng nagbabantay hanggang sa neto lang na 2019 'yong mama ko ulit nagbantay.
Fast forward.
Bale apat na rooms lang sila, bale yung itsura nya is sa ilalim may cottage tapos may hagdan magkabilaan patungo sa room 4 at sa kabila Naman daanan rin sa room 1. naiimagine niyo ba? Ah Basta! And hindi sya gaya ng iba na sosyalin ha! Syems, apat na magkakadikit lang and 'yong size nya is sakto lang na maliit na room each and good for 2-3 size ng bed. May isang maliit na table and electric fan lang. Walang pang aircon hhehhhe. Kidding.

So ayun na nga. This 2021 lang sya naganap. Kasagsagan ng pandemic at modules. Usually talaga sa bahay at gabi ako nagmomodules kaso since wala namang tao sa beach naisip ko why not sa room 4 muna ako matutulog. Isa pa kasi sa dahilan kung ba't gusto ko doon is, malakas ang signal, eh that time inaabangan ko 'yong comeback ng exooo!

Hello, dear co-exo-ls! HAHAHAHA baekhyun bias here.

And then nagpaalam nga ako sa mama ko, actually that time bawal pa magpa-overnight and kumuha ng rooms kasi medyo mahigpit pa at ayon na rin sa protocols sa mga beach dito. So, g na g na talaga ako na matulog muna doon. Shems, pinayagan naman ako ni mama, iyong kapatid ko naman na lalaki nagpaalam rin sa room 02 raw matutulog. Bale isang room Ang nasa pagitan namin.

Fastforward

Mga bandang 7 umuwi muna sila mama sa bahay pero babalik rin daw naman. Naiwan na ako sa room na pinili ko at 'yong kapatid ko rin.
Sabi ni mama i-lock ko raw pinto at sarhan na ilaw. Eh ako naman sinusulit ko lakas ng signal, dala ko wifi tsaka tapos gamit ko rin at modules. Ayun, nood ako ng movie hanggang sa inabot na ako ng 12 am. Hindi ko alam pero bigla ako kinilabutan mga siz! Eh paano ba naman habang nanonood ako naririnig ko mga tunog ng bakal sa gate na parang mahinang pinapalo ng kung sino. Medyo may naririnig na rin akong kakaiba sa labas at sa katabing room which is room 03, na bakante! Meaning walang tao, eh ba't parang may naririnig akong kalmot at Alam niyo 'yon? Yung tunog na parang mabibigat na kamay na humahaplos sa pader at galing sa bakanteng room! Skerii, pati sa labas malapit sa bintana ganoon din. Isinawalang bahala ko na lang kahit kinakabahan ako e! Hininaan ko na lang pinapanood kong movie. Medyo shutiks! Akala ko hanggang doon lang, wengya umabot ng 2 am mga mars, dilat na dilat ako! Nanonood pero 'yong kilabot ko malala na at sobra na akong nakikiramdam. Lumalakas na kasi mga naririnig ko, Hindi ko na kinayanan agad Kong pinatay 'yong pc, inalis ko na rin saksakan 'yong wifi. Takot na takot akong nagtalukbong ng kumot habang nagdarasal, 'yong dasal ko pa is parang hindi ko isinapuso, basta ko lang dinasal kasi pinagpapawisan na ako sa takot. Akala ko hanggang doon lang ! Kaso mas lalo akong natakot ng biglang lumundo 'yong kama sa paanan ko! Potiks, halos umiyak na ako sa takot. Mag-isa lang ako sa room na 'yon! Tapos isa pa napakakapal ng foam, kqhit ako umupo hindi sya ganoon kalubog. Eh, yung naramdaman ko is nasa paanan ko pa ramdam na ramdam ko. Alis agad ako talukbong tapos sigaw.

Nanlalaki na mata ko habang nakatingin sa buong room. Nagdadalawang isip kung lalabas ba or ano. Kung nung una halos paiyak lang ako, ng sumunod pumalahaw na ako ng sigaw e. Paanong Hindi e 'yong kama ko niyuyogyog, pati iyong isang maliit na mesa! Shutiks, Alam niyo 'yong feeling na hindi ka makapag-isip ng kung ano gagawin? Ang lakas ng pintig ng puso ko e. Mga 30 seconds yata syang nayugyog. Hindi ko na nakayanan, siguro sa sobra na ring takot at adrenaline rush bigla na ako lumundag paalis sa kama tapos kuha ng Susi. Walang lingon-lingon sa likod,mas lalong hindi ako lilingon sa ilalim ng kama!shuta! Wala akong pake maiwan mga gamit ko, paglabas ko iyak ako saka sigaw e. Tinawag ko name ng kapatid kong lalaki (2 years younger than me)

Tapos bigla sya lumabas ng room at naalimpungatan
Doon na ako nakahinga ng maluwag and I didn't even know na halos pigilin ko na pala hininga ko sa takot ko sa loob. Takbo ako sa kanya habang naiyak sya Naman nabigla, tinanong nya ako. Tapos sabi ko may nagmumulto sa akin. Nakahawak na ako ng mahigpit sa braso nya since matangkad at mas malaki sya sa akin. Lumapit sya tapos dinungaw room ko tapos dali dali ring kaladkad saakin papuntang room nya. Iyak ng iyak pa rin ako. Sabi ko doon ako matutulog sa kanya. Sabi nya naman, ' Anong dito, uuwi tayo' that time nafefeel ko na takot na rin sya. Ayun nga, labas kami agad e, halos nakakaladkad nya pa ako. Nadaanan pa namin 'yong tindahan at function(dito Rin sa beach) which is doon sa tindahan natutulog sila mama pero nawala sa isip ko na baka umuwi na sila kasi nagpaalam nga na uuwi sa bahay. Lakad takbo kami pauwi kahit na mag uumaga na, buti na lang hindi kalayuan bahay namin, Kaya lakarin.

Habang nasa daan kami pauwi bigla nagsalita kapatid ko. 'alam mo kung ba't kita inaya pauwi imbes na doon na lang matulog sa room 02? kasi noong lumapit ako para tignan room mo, nakarinig ako mga yapak na parang nagsilabasan galing da loob. Kaya natakot ako, '
At dahil dun mas binilisan pa namin lakd hanggang sa makauwi kami at kumatok sa bahay. Tinanong kami ni papa kung ba't umuwi kami ng ganoong oras kaya ni-kwento ko agad. Ayaw pa maniwal noobg una at baka raw nanaginip ako. Syempre pinatunayan ng kapatid ko na totoo iyon. Kaya naniwala naman si papa kaso tinanong ako kung bakit Hindi ko raw kinatok si mama sa tindahan at sinama pauwi. Sa bahay na rin ako natulog that time.

Kinaumagahan bumalik ako beach saka nagkwento agad kay mama. which is hindi nya Alam na umuwi pala kami that mag-uumaga. Sabi nya kaya pala raw may narinig sya medyo ingay akala nya is Kung Sino ako na siguro daw iyon ng sumisigaw.

Nagpasama rin ako sa kanya sa room para kunin mga gamit ko na naiwan. At triny rin namin na yugyugin 'yong kama pero shookt kahit kami hindi namin kaya. Eh paano ba naman, mabigat na bakal iyon. Kaya ayon binilisan namin pagkuha gamit atsaka linis ng room. After that incident hindi na ako umulit! HAHAHA. Pag naalala ko karanasan nung una medyo naluluha ta natatakot pa ako. Ngaykn natatawa na Lang ako na medyo natatakot! HAHAH. Ngayon medyo back to normal na ulit at pwede na ulit mga rooms. kapag naglilinis ako nagpapasama ako or kaya naman umaga ako naglilinis! Aba, mahirap na noh! Ayaw ko na maulit. Na-kwento ko na 'toh sa iilan kong tropa and classmate. Haha! Ang sama nga ng iba tinatawanan ako. Pinaglalandakan rin ng kapatid ko na ang tapang tapang nya raw that night eh,halos manlamig na nga rin balat sa takot haha! Lul.

Lesson learned: kapag nag p-pray dapat isinasapuso at hindi lang basta sinasabi! And always pray lang tayo!

hide my identity po, real account ko 'toh eh! Baka makilala ako, lagot ako neto! HAHAHAH.

-mareyah


📜Spookify
▪︎2022▪︎

[1] True Filipino Horror Experiences (Tagalog)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon