MATANDANG LALAKE

101 6 0
                                    

MATANDANG LALAKE 

"(Sana mabasa ng lahat to bilang isang babala at dagdag kaalaman narin lalu na kung katulad ko silang mahilig mag out of town, dito ko nalaman na dapat talaga maniwala ka sa mga kasabihan para hindi ka na mapahamak pa)

Last 3 yrs ago, nag out of town kami ng family ng ex ko, nag punta kami sa relatives nila sa nueva ecija, matagal din yung binyahe namin kasi galing pa kami ng indang Cavite. Nung una masaya talaga, nag enjoy kami sa tagal at haba ng byahe, at nung time na yun eh maaliwas ang panahon.. Tamang tama sa lakad namin.

After 5hrs, nakarting na kami sa brgy (hindi ko na babangitin ang brgy para po respeto nalang sa mga taga doon). Pag park namin ng sasakyan,nag masidmasid ako sa lugar na pinuntahan namin. Madaming tao, masaya talagang napaka probinsya nung lugar... Nung mga time na yun uhaw na uhaw talaga ako kaya pag baba ko ng sasakyan eh tubig agad ang hinanap ko. Pag baba ko nakatingin sakin lahat lalu na yung mga nag iinuman sa ilalim ng malaking puno,madami silang kalalakihan don. Hindi na ako nag taka sa reaksyon nila dahil muka talaga akong galing manila kung baga eh ""dayo"".blone hair, naka shorts and vans tapos naka tshirt ako at labas ang full sleeve tattoo ko sa kaliwang braso.

Pag baba ko, nag bigay galang ako sa may ari ng bahay ( tito ng ex ko) at nakihingi ako ng maiinum na tubig. Maya maya, may isang lalakeng naka sumblero ang lumapit sakin at nag abot ng isanh basong tubig. Hindi sya malamig at lasang galing sa gripo. ( pero hindi na ako kumibonag pasalamat nalang ako sabay ngiti sa matanda)

Ang saya namin nung araw na yun, pinakanta nila ako at nag inum...

Mag 6pm na yun,binulungan ako ng ex ko na sabihin na sa papa nya na kaylangan nanamin umuwi para hindi kami gabihin sa daan pabalik ng cavite, nung sinabi nya yun hindi ko alam kung bakit galit na galit ako saknya, ayaw kong umuwi. Hinila nya ako sa loob ng sasakyan at dun ako nag wala ""basta ang sinasabi ko lang sknya AYAW KONG UMUWI""

Wala akong nagawa,kahit galit ako nun eh kaylangan talaga naming umuwi kasi may pasok kami bukas. Habang nasa byahe kami nakatingin lang ako sa malayo, nalulungkot ako. Gusto kong bumalik at mag kakanta pa pero sinabi ko sa sarili ko na hindi pwede dapat na talaga kaming umuwi... Doon na biglang sumakit ang buong likod ko,hindi na ako makahinga... Parang binabali ang mga buto ko sa likod dahan dahan.hangang sa sinabi ko na sa ex ko na hindi na ako makahinga sa sakit. Nung mga oras na un mga 2am na kami nakauwi,nakatulog ako pero pag gising ko kinabukasan ay inaapoy na ako ng lagnat
Nag decide na kami nun na dalhin ako sa ospital... Ang natatandan ko nalang eh nasa unahan ako ng sasakyan at hnd ako mahinga at suka ako ng suka...

Pag gising ko nasa E.R na ako... Hindi ako magalaw. Pag tingin ko sa gilid ko nandun yung ex ko at naka tingin sakin... Nung lumapit sya sakin nag taka ako kung bakit ganun yung ichura nya.. Para syang alien, parang lumiit ang muka nya at parang may butas sa gitna ung muka nya. Sinabi ko un sknya pero hindi sya naniniwala. Natawa pa sya.. Sabi nya para daw akong tanga.

Nung lumapit ang doctor sakin ganun itchura nya.. Natatakot ako sknla pero kaylangan kong umatang normal kasi para na talaga akong nababaliw nung mga oras na yun.

Habang nakatingin ako sa kisame ,ang dami kong naririnig. Mga boses ng nurse nung una.. Akala ko normal lang pero parang hindi kasi ang titinis ng boses nila. Mamaya maya may narinig akong pamilyar na boses, ""si mama"" yun agad ang nasabi ko... Pero nung naririnig ko sila parang ang layo nila. Sabi ng mama ko "" pa, dito kana mag park, iaakyat ko lang kay mimi tong mga damit nya para makapag palit,itatanung ko na din sa doctor kung anung ngyari""

Nung mga oras na yun alam ko wala sila sa loob ng ospital.. ""Nasa parking sila, pero bakit naririnig ko sila""

Kinalabit ko agad yung ex ko, sabi ko "" nanjan na sila mama "" sabi nya "" wala pa hayaan mu malapit na sila"" inulit ko ulit at dun sya nagulat sabi ko "" nasa parking na sila narinig ko nag uusap sila, paakyat na si mama dto may dalang mga damit"" doon sya kinilabutan... At lalu sya nagulat nung bigla syang kinalabit ni mama sabay sabing "" ohh anu para kayung nakakita ng multo""
Dun palang alam ko ng hindi normal yung nangyayari sakin.. Sa halos 5 araw kong nasa ospital na yun araw araw kong naririnig ang isang lalakeng nag sasabi na ""BUMALIK KANA DITO,NAG HIHINTAY AKO SAYO""  araw araw un, at halos walang pinipiling oras. Hangang sa nag tataka na kami UTI lang daw ang sakit ko sabi ng doctor pero hindi nila maipaliwanag kung bakit ako nakakarinig ng kung anu anu eh wala nanaman akong lagnat nung mga oras na yun. Hangang sa nag decide na mama ko na ipa albularyo ako.
Dun nila nalaman na may lalakeng nag kakagusto sakin at ginamitan nya ako ng orasyon.. Ginamit nya yung pag kakaton na painumin nya ako ng tubig habang uhaw na uhaw ako.  Sinabi ng albularyo na talagang malakas daw ang kapangyarihan nya na halos gusto nya eh mamatay nalang ako kesa mapunta pa sa iba. Buti nalang magaling yung albularyo na yun at natangal nya yung bulong sakin.. After nya ako pausukan at orasyunan sa loob ng kwarto ko nun sa ospital walang makapag paliwanag at nakatayo agad ako at nag linis ng katawan. Hanga sa nakauwi na kami.

Lesson- kapag pupunta ka sa ibang lugar, wag kang tatangap ng isang inumin na bukas na , o naka lagay na sa baso. Sabi nila pag inabutan ka daw ng ganun ay pihitin mu daw pabalik ang baso sa iyong mga kamay upang makontra ang dasal nya sayo o kaya namin ay tapikin mu sya sa balikat sabay inumin mu ung bigay nya. Un ay isang paraan upang mabaliwala ang binigay nyang orasyon sayo.

Yun ung mga bagay na hindi ko pinaniwalaan kaya nangyari sakin yun. Akala ko mamatay na ako nun. Buti nalang ay mabait parin ang panginoon dyos."

Mimi M.

📜Spookify
▪︎2016▪︎

[1] True Filipino Horror Experiences (Tagalog)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon