Forest VIII

35 5 0
                                    

Forest VIII

I.
https://m.facebook.com/story.php?story_fbid=625506928190914&id=218238752251069

II.
https://m.facebook.com/story.php?story_fbid=653497502058523&id=218238752251069

III.
https://m.facebook.com/story.php?story_fbid=696919274383012&id=218238752251069

IV.
https://m.facebook.com/story.php?story_fbid=716043365803936&id=218238752251069

V.
https://m.facebook.com/story.php?story_fbid=725630954845177&id=218238752251069

VI.
https://m.facebook.com/story.php?story_fbid=744159302992342&id=218238752251069

VII.
https://m.facebook.com/story.php?story_fbid=772633403478265&id=218238752251069

Pagkatapos ng rebelasyon na magkapatid sa ama si noel at eva, madalas na silang magkasama. Nakikita ko yung saya sakanilang dalawa lalo na kay noel. Madalas doon na sya natutulog kila eva. Nagclick sila agad ng mama ni eva. Ganoon ata talaga pag nagtagpo ang parehong mabuting tao, walang judgement o galit na magaganap. Pero bukod sakin at sa tatlong kaibigan ni eva, wala ng ibang nakaaalam. Madalas na ring sumama samin si noel pag may geb ang clan, january nung sunod na taon nung makumbinse ko syang sumama na. Eh di ang ganda ng pasok ng taong 2010 diba? Laking pagkakamali ko.

Wala kaming practice sa basketball kaya maaga akong umuwi. Mejo kasi masama pakiramdam ni nanay nung umaga kaya hindi na ko sumama kila paul na tumambay sa plaza. Naglalakad na ko nung biglang umulan. Mura ako nang mura kase wala man lang warning hahahhhshshs. Tapos akala ko natigil na. Kase bigla na lang di na ko nababasa pero naulan pa rin, wala namang puno sa tapat ko. Pagtingala ko, may payong.

'Uy simon ikaw na humawak nangangawit na ko' si li.

Taga sa amin din si li pero taga taas syang parte ng village. Naging klasmet ko sya nung pers yer nung mag aral na ko uli. Pero pagdating ng sikon yer napunta na syang pilot seksyon. Matalino talaga sya eh, kaya nga netong huling taon namin sa hayskul, nagtaka ako bakit nagpalipat sya sa secksyon nila noel. High section pa rin nama yung seksyon nila noel, seksyon 5 pero yun nga nagtaka lang ako.

Nginitian ko sya tapos kinuha ko na yung payong sakanya tapos nung naglalakad na kami, sinuntok ko syang mahina sa braso.

'musta na tol?'

Bago sya sumagot inayos nya yung salamin nya. Dun ko napansin na may tape tape yung gilid ng salamin nya.

'okay lang. kaibigan mo pala si noel mon. Ang bait nun kahit di nagsasalita'

'madaldal yun pag nakuha mo kiliti ikaw mananawa sa kadaldalan'

Pagkasabi ko nun eh sabay kaming tumawa tapos katahimikan. Ganito kami lagi kahit nung elementary, mag uusap ng saglet tapos tatahimik na. Nagkakasabay kami laging maglakad pauwi dahil katulad ko, mahirap lang din buhay nila ng nanay nya at yung kwatro pesos na pamasahe eh masakit na sa bulsa namin. At katulad ng dati pag paliko na ko sa amin e magtatanguan na lang kami bago maghiwalay ng landas.
Ilang beses ko syang nakasabay ulit sa paglalakad nung linggong yun dahil maaga akong umuuwi dahil nga kahit denial kwin ang nanay ko, galing ako sa matres nya kaya may koneksyon kami at alam kong masama talaga pakiramdam nya. Sa buong linggo din na yun eh napapanaginipan ko si li. At dun kami lagi sa sangang daan, ako paliko, sya padiretso. Yung kahit napaka ikli lang nung panaginip ko, magigising ako e umaga na. Yung kahit wala namang nakakatakot dun e pag nagigising ako, tumatahip ng mabilis dibdib ko. Pinagwalang bahala ko lang. Wala pa naman akong alam sa mga warning chorva sa panaginip e.
Sunod na linggo naki practice na ko ulit. Tapos sakto paglabas ko ng gate ng school, nakaabang na sila eva.

[1] True Filipino Horror Experiences (Tagalog)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon