Merville Park

68 9 0
                                    

Merville Park

This story happened 25 years ago and this really happened in the places I will mention.

First year college kami back then, 1997. We were studying in an exclusive girl’s college sa Makati.
That day, sobrang lakas ng bagyo and classes were suspended na even sa tertiary levels so since late na sinuspend (palagi naman diba?) most of us were scrambling for a ride home.
Walang available na car pool, walang available na colurum vans (hindi pa uso UVExpress noon), walang taxi, and walang susundo kasi lahat stranded noon.
Hapon na rin kasi.

So, nakisabay kami sa isang classmate namin. Nagsiksikan kaming 8 sa kotse niya.
Taga South kami, sa mga magkakatabing villages and subdivision. So kahit di kami magkakabarkada, nagsama sama kami para lang makauwi.
Sa mga taga south na nakakaalam, may Merville Access Road na dadaanan mo papuntang Moonwalk, Multinational, and Better Living. Taga dyan kasi kami 8 magkakaklase.
Kaso ang problema bahang baha na sa access road. Ang only chance namin ay makiraan sa Merville mismo. Hindi kami taga roon so wala kaming sticker. Pero we tried, emergency naman at passing through lang naman kami.
Pumunta kami sa 2nd gate ng Merville and nagpaalam ko sa guard and nakiusap na makikiraan kami.
Naawa siya so pinapasok niya kami.
Pasensya na, in dire situation lang talaga, in normal circumstances kahit umiyak ka pa di ka papapasukin sa Merville without leaving your license na hindi ginawa ng classmate ko noon kasi makiki-pass through lang naman.

Noong nasa loob na kami ng village, akala namin wala ng hassle. Kaso ang pagdating sa gitna ng village sobra din ang baha lampas bewang sa Washington St. na isang major thoroughfare.
Marami ding stranded na sasakyan and mga school buses. So wala na kaming choice kundi magpalipas ng oras until bumaba ang baha.
Atleast naisip namin nasa loob naman kami ng isang exclusive and upscale neighborhood gaya ng Merville, so safe kami.
Or so we thought.

Gabi na mga 9PM na. Dumating kami dun mga 5PM. Medyo bored na kami sa loob ng kotse. Saka tumila na ang ulan. Gusto na rin namin makasagap ng hangin kasi nakaka suffocate na sa loob ng kotse.
Sarado ang bintana, patay ang engine, dami pa namin sa loob.
Higit sa lahat gutom na kami. 😅
Since tumila ang ulan, lumabas kami lahat.

Yung isang bahay namimigay ng sandwiches sa mga bata na nasa school bus. Yung iba naman namigay ng soup. Eh ang layo namin kaya di kami naabutan.
Bigla ko naalala na may classmate ako noong High School na medyo medyo malapit ang bahay sa kung saan kami nakapark.

Siguro mga 10 minutes walking time yun and in terms of directions, Washington St lakad pataas, right turn sa next street, pataas uli ng konti sa next street , right turn uli sa ibang street, then last right uli pero technically pababa siya (South direction) pababa sa bahay ng classmate ko.

Dumating kami, wala ang HS classmate ko, nastranded din daw sa Manila sabi ng mom niya. She welcomed us warmly, 5 kami noon.
Naiwan yung 3 sa sasakyan, inaantok na kasi sila saka tinatamad maglakad.
Pinakain kami and pinashower kasi basa damit namin, half way through habang naglalakad kami ay umulan ulit kasi. Pinadaan sa dryer yung uniforms namin para matuyo naman. Pinahiram sa amin yung damit ng classmate ko. Gusto ng mom ng classmate ko doon na sana kami magpalipas ng gabi kaso naisip namin yung 3 na naiwan namin sa sasakyan na hindi pa nakakakain.

Mga 11:45PM na noong nagdecide kami na bumalik na.
May dala dala din kaming pagkain na pinadala ng mom ng classmate ko.
Nabanggit ko na 10 minutes walking time yun mula sa sasakyan papunta sa bahay ng classmate ko.
Ang directions mula sa kotse ay ⬆️➡️⬆️➡️⬇️

So, ayun na nga we went outside and naglakad na kami pabalik sa kung saan nakapark ang kotse.
We were in good spirits and nagkkwentuhan kami.
Tawa kami ng tawa pa habang naglalakad pero hindi naman kami kaingayan. Hushed voices pa rin para di kami nakakahiyang naglalakad at nagiingay.

Hanggang sa napansin ng isang classmate ko na parang kanina pa kami naglalakad sa isang diretsong street na di pa namin nakikita yung street na kung saan kakaliwa na dapat kami pabalik.
So parang natigilan kami, sabi ko oo nga, XXX Road rin.
Parang kanina pa kami naglalakad dapat may lilikuan na dapat kami.
So tuloy pa rin ang lakad.
Diretso lang kami kasi wala naman kaming lilikuan until may nakita kaming store.

Umakyat kami ng 4 steps papunta sa counter niya tapos nagtanong kami saan ang direction pabalik sa Washington. Kumunot lang ang noo niya na parang naiirita siya sa amin, di niya kami inimik at nagsara na siya. Naisip namin; oo nga late na late na nga naman baka magsasara na talaga siya for the day.
Deadma sa fact na di niya kami kinibo.

So lakad uli.
Diretso pa rin.
Walang street na pa rin na lilikuan.
May bahay na nakabukas yung gate, kasi kadarating lang ng amo, kakapasok lang ng kotse, so tinakbo namin.
Habang nagsasara ng gate yung maid tinakbo namin and nagtanong kami saan ang daan pabalik sa Washington st.
Sakto naman na tumakbo din palabas sa kanya yung alaga niyang bata (Alam namin maid kasi nakauniform ng maid)
Noong hinarap niya kami and mukhang ieentertain niya sana yung tanong namin bigla niya nilagay yung kamay niya sa bibig niya kasabay na hinarap niya yung bata sa tiyan at dinikit niya sa katawan niya in a way na para hindi kami makita ng bata.
Parang ganun, and this all happened in seconds.
Sana naiimagine ninyo kung paano.
Tapos nagmadali siyang magsara ng gate.
So pangalawang beses na nagtanong kami na di kami kinibo.

Naweweirduhan na kami.
Isip pa namin na mayayaman kasi sila, baka iniisip nila security nila. Wag mag entertain ng strangers. Mga ganung bagay inisip namin.
So, lakad uli.
Diretso lang uli.
Wala pa ring street na pwedeng likuan.

Pagod na kami this time.
Frustrated na rin.
Ang tahimik na namin.
Nagbubulungan kami habang naglalakad if tama ba ang street na dinaanan namin, if tama ba ang direction na tinahak namin.
Kulang na lang magsisihan kami bakit ni isa sa amin hindi naging vigilant noong ang saya saya ng kwentuhan na baka nalampasan namin yung dapat na lilikuan na street.

Until, may dumaan na naka motor!
Grabe ang saya namin!
Pinara namin si kuya na naka motor, ang ganda pa ng big bike niya. Bihira pa kasi may mga naka big bike noon.
Huminto naman siya and tinanggal niya yung helmet niya.
Noong tinanggal niya, hindi pa kami nakakasalita binalik niya uli and pinaandar na ang motor niya.

This time, punong puno na kami ng takot. As in. Yung iba kong kasama umiiyak na.
Pagod and takot, not a good combination.

Sa kahabaan ng street na ito, mind you, it’s normal looking. May street lights, may mga bahay, kaya in the beginning hindi kami nakakaramdam ng takot eh.

By that time, mga 1:30AM na sa relo namin.
Umupo na kami sa isang gutter sa ilalim ng street light.
Yung iba nagdecide na hintayin na lang magumaga.
Umupo na lang kami.
If lumabas ang homeowner mas okay atleast we can explain the situation we were in. Or makatawag man lang sa bahay. Di pa ganun kauso ang cellphones nun. Meron na pero bihira ang meron. Mas uso ang pagers na kakailanganin pa namin ng telephone.

Nakaupo kami.
May umiiyak.
May tulala.
May naghihilot ng paa.
Tapos yung isa naming classmate kumanta. Anima Christi kinakanta niya. Lumaki kasi kaming lahat sa Catholic schools, so lahat kami alam yung kanta na yun and nakikanta na rin kami. Pabulong pa ang pagkanta namin.
Sa frustrations and fears namin umiiyak na kami lahat habang kumakanta.
Alas tres na din yun kasi.
Basa pa kami sa ulan at giniginaw. Pang movie scene nga eh.
Yung isa kong kasama hinihika na. Tapos paulit ulit lang namin kinakanta yung song. Magkakahawak pa kami ng kamay.
Sabi ng isa kong classmate, tara lakad uli tayo kasi di na rin masakit mga paa namin.

Lakad uli.
Diretso lang uli.
Magkakahawak kamay namin habang kinakanta pa rin namin ang Anima Christi.

Until, shyeeet! May likuan na! Belvedere St. na!!!
Nag takbuhan na kami and gaya ng sa simula wala pang 5 minutes sa bilis ng takbo namin nasa Washington St. na uli kami.
Nakabalik na kami sa kotse.
Mga classmates naming naiwan natutulog pa rin.

Until now, di namin alam kung ano ba talaga nangyari.
Sabi ng mommy ko baka may kasama kami, kasi lahat ng tinanungan namin parang takot sa amin.
FB friends pa rin kami nung iba pero hindi namin pinagusapan na. Inisip na lang namin dati na buti na lang nakabalik pa kami sa Washington St.

“From all the evil that surrounds me
defend me and when the call of death arrives
bid me come to thee, that I may praise thee
with thy saints, forever.”

StellaLune

📜Spookify
▪︎2022▪︎

[1] True Filipino Horror Experiences (Tagalog)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon