Forest VII

36 6 0
                                    

Forest VII

I.
https://m.facebook.com/story.php?story_fbid=625506928190914&id=218238752251069

II.
https://m.facebook.com/story.php?story_fbid=653497502058523&id=218238752251069

III.
https://m.facebook.com/story.php?story_fbid=696919274383012&id=218238752251069

IV.
https://m.facebook.com/story.php?story_fbid=716043365803936&id=218238752251069

V.
https://m.facebook.com/story.php?story_fbid=725630954845177&id=218238752251069

VI.
https://m.facebook.com/story.php?story_fbid=744159302992342&id=218238752251069

Bisperas ng pasko parehong taon 2009. Mga kuya ko wasalak na. Ako naman nakatambay sa may nitso. Nauna na kong bumate ng maligayang pasko sa mga kaclan ko. Pati si noel binate ko na rin. Sigurado kasi pag gabi na ko babate e di na ko makakapagsend. Mga ilang minuto pagkasend ko nung text, nagtext sakin si paul.

Tol puntahan mo noel walang kasama yun ngayon

E di ko alam bahay nila noel. Naisip kong una punta muna ko ke ser anton kaso nahiya ako ii kaya tinext ko sila gaco at fuego. Nagulat ako nung magreply si gaco na alam nya. Iniwanan nila mga motor nila sa bahay lakad na lang kami. Nakakaubos kasi ng gas at pasensya yung traffic sa palengke. Natawa ako nung tumigil kami sa kulay green na gate. Kakulay ng buhok ni noel hahahahashshs.

'Dito na tol. Dito ko sya hinatid dati eh'  sabi ni gaco.

Bago kami makapagtao po, may dumungaw ng lalaki sa terrace nung bahay. Malaking lalaki mga tol uh-im-ji tapos puti na lahat ng buhok.

'Anong satin?'

Nauutal kaming tatlo. Lalong nagsalubong kilay nung lalaki. Me lumabas na babae, kulot buhok na tisay. Tapos habang tinititigan ko yung malakeng mama may napagtanto ako. Shite! Kamukha ni noel!

'Pang mga kaibigan ko mga yan wag mong takutin' lumabas sa gilid ng bahay si noel. May dala dalang paso. Nilapag nya yung paso tapos binuksan nya yung gate. Di kami pumasok agad. Hinila pa nya kami isa-isa. Iba yung aura ng papa nya. Nakakatakot. Bawat tingin nya samin parang nakikita na nya deepest at darkest secret namin. Yung babaeng kulot naman pinaupo kami sa loob ng salas. Tapos tinanong tanong kami. Mama sya ni noel. Hinainan nya kami ng meryenda. Nagpaalam na syang magbibihis. Pumasok naman si noel inagaw nya yung isusubo ko ng siomai.

'Ayusin ko lang mga halaman ko a. Dito lang kayo'

Tango na lang kami sakanya. Napatingin ako sa mga picture frame na nasa may pader. Ang tatapang ng mukha ng mga kuya nya. Ang kahawig nya yung isa.

'Si ibarra yan'

Napasigaw ako sa gulat kasi sumulpot bigla papa nya sa gilid namin.

'Si florante pinakapanganay. Si don juan naman yan'

Tumango tango kami. Nagpaalam na rin sya na magbibihis. Tapos napatingin ako kay gaco. Nanlalaki na naman singkit kong mga mata. Mader pader what the pack? Paano nya nalaman  na ang tinitignan ko yung ibarra?
Saglit lang lumabas na yung mag asawa, nakagayak na. Si gaco naman nanlaki mata. Biglang napayuko sya. Tinanong ko sya kung bakit? Tapos umiling sya. Kaya lang napatingin ako dun sa papasarang pinto ng kwarto biglang natigil sa pagsara. Nagitla kami ni fuego nung biglang padabog na isara ng papa ni noel yung pinto. Nagalit misis nya.

'Masisira yang pinto. Magagalit na naman si ibarra kada uwi nya sya pa nag aayos nyang pinto natin' sabi ng mama ni noel. Kamot ng ulo yung papa ni noel pero lumapit kay gaco. Tinapik tapik sya sa braso.
Si noel naman nakabihis na nung makita namin ulit.

[1] True Filipino Horror Experiences (Tagalog)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon