Batang Babae

72 6 0
                                    

Batang Babae

I really want to share this story of mine. May hindi ako maintindihan sa nakaraan ko. Sino ba talaga ko? Parang may mali sa lahat.

1st encounter
Nung 5 yrs old ako, hindi ko kilala kung sino parents ko. Basta ang alam ko all I need is my yaya. May bago akong couch that time yung pambata. Bigay daw ng parents ko. Na hindi ko naman kilala pa. Sa sala ko natulog, madaling araw siguro yun nang magising ako. May babaeng nakatayo, suddenly niyakap ko siya, hindi ko nakikita yung mukha pero parang nakilala ko na siya. Tinulak niya ko tapos naging bata siya. Umiyak ako sa takot, para kong nakalagay sa ref. Kasi di ko magalaw katawan ko. Nagising yung yaya ko tapos sinabi ko yung nakita ko. Nilipat niya ulit ako sa kwarto. Akala ko tapos na pero hindi pa pala. 2 days after nung nakita ko, nakulong ako sa cr for 6 hrs. Nandun yung batang babae. Galit siya, tinulak niya ko. Natakot ako sa sinabi niya "Ikaw yung dahilan bakit ako namatay" mga salita na di ko naman naiintindihan dati. Hanggang mag 9 yrsold ako. Kinuha na ko ng daddy ko at nameet ko family ko tapos hindi na ulit nangyari yugn naexperience ko. Akala ko tapos na hanggang nakalimutan ko siya.

13 years old ako nun, birthday ko that time at nasa baguio kami. Up and down yung narent namin na bahay. Saturday ng umaga may kumatok sa bintana ko. Batang babae, pinipilit niyang buksan ko yung pinto ng kwarto kahit nasa labas siya. Sa sobrang antok ko hindi ako nagreklamo. Nung akma sanang bubuksan ko yung pinto, naisip ko yung kwarto ko nasa 2nd floor ng bahay at tapat ng parang bangin. Paano siya napunta ng bintana? Sa takot ko bumalik ako sa kama, wala na rin yung bata. Hindi ko sinabi kahit kanino yung nakita ko. Kasi akala ko hindi na ulit mangyayari.

NGAYON college na ko. MAS nakakatakot na mga nangyayari sakin. Every 2am or 3am nagigising ako kasi sa panaginip na naguguluhan ako. Batang babae umiiyak. Galit at kilala niya ko. Isa lang yung sinasabi niya "Ikaw ang may kasalanan bakit ako namatay" hindi ko maintindihan, hindi ko siya matandaan. Hindi ko din alam kung bakit ako sinisisi niya. Sinubukan ko itanong sa family ko, ayaw nila kong sagutin. Lalo na daddy ko, nagagalit siya. Sabi niya wag ko na daw alamin.

Last week foundation week ng university na pinapasukan ko. Nagpakita yung bata, nakatitig lang siya at galit. Hanggang may parang humawak sakin na mainit. Paglingon ko wala na yung bata. Nagyaya na kong umuwi. Nagulat ako sa sabi ng bestfriend ko, may pasa ako sa braso. Pag uwi ko nagdecide ako puntahan yung mini office ng dad ko sa bahay. Wala naman tao, yung kasambahay lang namin. Niyaya ko yung barkada ko tumambay. Low battery yung phone ko. Ikakabit ko sana yung charger nang may napansin ako, lumang box. Binuksan ko, may mga old pictures. May nakita kong picture ng batang nakasuot ng white dress, sa likod nakalagay yung pangalan niya M**** L****. Tapos yung school at date ng 1st communion. Kapangalan ko siya. Bagay na ikinalito ko, kung ano ba siya sa pamilya ko.

Sino ba talaga siya? Siya ba yung bata sa panaginip ko? Sino ba talaga ko? Bakit hiniwalay ako sa pamilya ko nung bata pa ko? Hindi ko talaga matandaan na nakilala ko yung batang yun. This time hinihintay ko na lang yung Daddy ko umuwi. Gusto ko malaman yung totoo. Maybe hanggang dito na lang muna mashashare ko. Kung sino yung bata, ishashare ko ulit. Thank you.

P.S. December 15, 2014. 5:40am nung nagstart ako imessage tong kwento pero 10x siyang nabubura. Parang ayaw talaga masend. Naghang yung phone ko tapos nawalan ng connection. Hanggang magdeactivate ang facebook account ko for 2 months. Nakakapagtaka hindi ba? Btw. Thanks again.

May mga bagay na sa una hindi ko maintindihan. Batang babae na hindi ko naman kilala pero sinisisi ako. Gusto ko malaman yung totoo. Sino ba ko? Ano ba talaga yung totoo sa pagkatao ko. Mga tanong na gusto kong malaman dati para matigil yung mga nakakatakot na panaginip ko. Pero ngayon nalaman ko na. Masakit pala.

February 10, 2015. Nanaginip na naman ako. Siya ulit. Umiiyak. Nakatingin sakin pero hindi nagsasalita. Gusto ko siyang kausapin sa panaginip ko pero natatakot ako. Narinig ko yung sinabi niya "Ikaw may kasalanan bakit ako namatay". Nung hahawakan ko siya, hindi ako makahinga. Hanggang magising na ko. 3 days after pumunta yung boyfriend ko sa bahay. Kwentuhan kami nang bigla niyang nasabi na kaya pala may bata. Akala ko wala lang hanggang marealize ko na nakita niya pala. Nakikita niya yung bata kaya niya ko niyakap. After 1 week, nilakasan ko loob ko, nagtanong ako sa lola ko. Bakit hindi ko maramdaman na part ako ng family. Hindi siya sumagot. Kinuha ko yung lumang box para ipakita sa daddy ko. Nung nakita niya yung picture ng bata, naiyak siya, pinaalis niya ko sa harapan niya.

Umamin yung tita ko. Yung batang babae na nasa picture ay bunsong anak ng daddy ko. Yung anak na pinakamamahal niya. Yung anak niya na namatay sa mismong araw na ipinanganak ako. Ngayon alam ko na bakit hindi ako matanggap ng tatay ko, bakit hindi ako pinakikilala ng mga kapatid ko. Anak ako sa labas. Iniwan ako ng nanay ko. Napilitan lang akong kunin ng daddy ko. Kasalanan ko pala talaga. Kung hindi ako pinanganak, hindi siya mamamatay. Hindi siya masasagasaan kung nakapunta lang yung daddy ko sa araw ng communion niya. Kaya pala galit siya sakin. Kaya pala hindi ako mahal ng sarili kong tatay kasi naaalala niya na ako yung dahilan bakit nawala yung anak na mahal na mahal niya.

Ipinangalan ako sa kanya ng lola namin para di siya mawala sa alaala ng mag anak. Kaya pala pakiramdam ko hindi ako parte ng pamilya, may kulang sa pagkatao ko. Kasalanan ko pala talaga. March 5, 2015 napaginipan ko siya. Sa school building namin pababa ako ng hagdan, may nakaputing parang gown na damit. Babae tapos may kabaong sa labas ng building, umupo daw ako sa hagdan kasi may manang na nakaupo. Tinanong ko siya ''Ano pong meron sa labas?'' Hindi siya sumagot hanggang mapansin ko na may bata sa tabi ko. Tinanong ko siya kahit nakatalikod siya sakin "Anong meron sa labas, bakit may kabaong?" Nung humarap siya ay nakita ko mukha niya. Bagay na kinatakutan ko sa buong buhay ko. Yung batang babae ibinulong niya sakin na "Wag ka mag alala. Ikaw na susunod na mamamatay" 

P.S. Thank you to the admin of Spookify for sharing my story. Thank you to those people who read my story. This 2nd week of april magcoconsult kami sa expert about this kind of eerie paranormal experience. Try ko po kung magkaka part 3 po tong story ko. THANK YOU.

(Gusto ko lang ishare kasi wala kong mapagkwentuhan about sa mga panaginip ko :3 ) - March 28, 2015 two days ang nakalipas ng ishare ko sa admin yung part 2 ng kwento ko. Pinilit ko ng kalimutan kasi ayoko na sana maalala. Pero nung sabado ng gabi nanaginip ako. Super weird, nasa isang botika daw ako tapos ang daming pregnancy test kit yung nakadisplay sa harapan ko. Masaya pa nga ko sa panaginip ko habang pumipili nang makita ko yung batang babae. Maputi siya, mahaba buhok hanggang balikat. Lumapit siya sakin tapos hinawakan yung tyan ko habang ako nakatayo lang. Yung paghawak niya sakin ang init init nung pakiramdam.

12:35am bigla kong nagising. Una kong naramdaman yung tiyan ko sobrang hapdi.15 minutes tumagal yung sakit na nararamdaman ko. Tatawagan ko sana yung boyfriend ko kaso naisip ko pagod siya. Kinalimutan ko na ng umaga ung nangyari sakin, wala na rin ako pinagkwentuhan ng panaginip ko. March 29, 2015. Mag isa ko sa bahay. Wala yung kuya ko, wala yung lola ko sinama niya yung kasambahay sa manila. No choice ako kundi matulog ng mag isa. 10:30pm hindi ko macontact yung boyfriend ko kaya sa inis ko sumama ko sa mga barkada ko, tumambay sa bahay ng kaibigan namin (Malapit lang din samin). Dahil katapat ng bahay ni lola yung bahay ng tita ko, tumakas ako para hindi makita na aalis ako. 1am na nang makauwi ako samin. Pinatay ko na yung mga ilaw sa sala tapos natulog na ko. Nanaginip ulit ako, ang dilim. Tapos parang may tubig, may hawak akong baby at sinusundan ko yung batang babae na galit sakin.

Sinusundan ko lang siya tapos sabi niya "Mamili ka sino uunahin mo. Ako o yung baby?" sumusunod pa rin ako sa kanya. Hanggang may isang kwarto na pinasukan niya, ayoko ng sumunod nang bigla siyang sumigaw na "Mamatay ka o yung batang hawak mo" Hanggang magising ako kasi kinakatok yung pintuan. Ayoko sana gumising kasi gusto ko siya kausapin sa panaginip. Nang buksan ko yung pintuan, tita ko pala yung kumakatok, sabi niya tanghali na pero di pa ko gising. Pinagalitan pa ko ng tita ko kasi 12am na daw ng gabi pero naggigitara pa raw ako. Sinaksak ko pa raw sa amplifier.

Pinuntahan daw ako ng tita ko para pagalitan. Sabi niya nakita niya ko naggigitara, nakatalikod. Sinasabihan daw niya ko pero di ako nakikinig. Hanggang sa bumalik siya sa kanila na nagtataka kasi inulit ko na naman at nilakasan ko pa yung volume. Hindi ako makasagot sa takot kasi 1am na ko umuwi, kaya imposibleng ako yung nakita niya sa bahay ng 12.

P.S. Yung acoustic guitar ko putol yung 2 string at yung amplifier ko last month pa nasira. Kaya imposibleng gumana yun at magpatugtog gamit yun.

LittleRedRidingHood


📜Spookify
▪︎2015▪︎

[1] True Filipino Horror Experiences (Tagalog)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon