Promise

100 7 0
                                    

Promise

Hi. I want to share this story of mine. You can call me Jen. Yung kuwento ko ay HALOS kagaya lang din nung kay EyeWonder. Yes. HALOS lang. Bakit?

May isa akong friend, her name is Lisa. Umamin siya sakin nun. Sabi niya ""Pag nagagalit ako, bigla na lang hahangin ng malakas."" Siyempre nung una di ako naniniwala. Well aware naman ako na may taong ganun. Kahit di ko pa nakikita naniniwala na ako. Kasi sa pagkalawak lawak ng mundo naten 10% pa lang ang nasusulyapan mo.

Pero that time sabi ko sa sarili ko ""May saltik na to sa utak."" Kasi kung ganun talaga ang nangyayari, hindi mo agad agad sasabihin sa iba diba? Lalo na't di naman kami masyadong close that time ni Lisa. Then this happened.

Sinamahan ko si Lisa sa park para kausapin yung bf niyang si joseph. Di naman ako nangingialam sa buhay nila pero nag insist si Lisa na sumama ako. Sabi niya ""Samahan mo lang ako. Please? Baka di ko mapigilan sarili ko."" Siyempre pumayag ako. Di kasi ako marunong magsabi ng 'Hindi' lalo na't nakikita ko sa mata niya na kailangan nga niya ng makakasama. Sabi ko naman ""Sige. Pero hanggang sa gate lang ako. Hihintayin na lang kita dun. Baka mamaya sabihan ako ni joseph na pakialamera ako. Hahahaha."" Tumawa lang siya.

Then nung naghihintay na ako sa labas ng gate at nakaupo ako malapit sa tindahan at kumakain ng burger, bigla akong napatigil. Humangin ng pagkalakas lakas sa park. Yung tipong pati yung bote na pinag iinuman ko ng Cola natumba. Akala nga namin may bagyo or buhawi. May isa pang girl na ginamit yung payong pero di umubra. Kasi bumaliktad mismo yung payong. Ako naman tumalikod at tinakpan ko yung mukha ko gamit yung backpack ko.

Dun na ako nakutuban. Pinuntahan ko agad si Lisa. At nakita ko siya na umiiyak at nagsasalita sa harap ni joseph. Pulang pula yung mata niya kakaiyak. Pinuntahan ko agad sila. Mukha namang respetado yung pag approach ko. Tinanong ko kung anong nangyayari. Tapos bigla na lang ako hinila ni Lisa paalis sa park. Tinatawag ko name niya pero di siya lumilingon. Nakahawak lang siya sa wrist ko at tuluy-tuloy ang paghatak sakin.

Nang mahimasmasan na siya, tinanong ko na siya kung anong nangyari. ""Nagcheat siya sakin."" Sabi ni Lisa. Wala na akong nasabi nun. Sa sobrang gulat ko. Di ko akalain na magagawa yun ni Joseph. So ang ginawa ko binilhan ko na lang siya ng siomai. Nung pabalik na ako, nakita ko na nakayuko pa rin siya at tumutulo yung luha. Nung inabot ko na yung siomai, bigla siyang tumayo at sumigaw ng malakas. Sabayan pa nung lumalakas na hangin. Kaya ang ginawa ko, pinauwi ko siya.
Kinabukasan tinext ko siya, pero di siya nagreply.

Tatlong araw.

Tatlong araw siyang wala sa klase. Nagmessage pa ako sa kanya na wag niya sayangin ang oras niya dahil lang nagcheat yung bf niya. Hindi siya kawalan. Sinabi ko pa nga na wag siya masyadong magpaapekto. Kasi may mga tao naman din na mas may malalala pang problema pero kinakayanan nila. Pero wala.
Tawag ako ng tawag. One week na siyang walang paramdam.

Hanggang sa.. tumawag sakin sa telepono yung nanay niya. Saktong nagland fall si Yolanda nung time na yun kaya wala kaming internet. ""Hello, Jen? Wala na si Lisa."" Sinusubukan niya magsalita. ""Nagpakamatay siya kagabi."" Namutla ako sa narinig ko. Sabi pa ng mama niya, tinakbo pa nila ng hospital pero wala na talaga. Nag iwan siya ng suicide note sakin. Pero hanggang ngayon di ko pa binubuksan. Mag i-ilang taon na.
Umamin sakin yung mama niya na may family problem sila. At maraming dinadamdam si Lisa simula pa nung bata pa.

Kumakain kami nung mama ni Lisa kasama yung nakakatandang kapatid niya. Kami kasi ang taga bantay muna nung burol niya. Biglang bumisita si Joseph. Nagdugo mga paningin ko. Hawak hawak ko yung tinidor ko nun. Hindi pa siya nakakatapak sa loob ng bahay inunahan ko na siya. Sinipa sipa ko at pinagsasaksak ko siya ng tinidor. Pinigilan ako nila tita. Nakita ko na lang na nakaupo siya hawak hawak niya yung right na braso niya. Nagdudugo. Nakatayo ako sa harap niya ""Kung hindi dahil sayo, hindi mapoprovoke si Lisa na magsuicide."" Pero nung sinabi ko yun, ang soft daw ng boses ko. Parang inosente pakinggan.
Pero yung paningin ko, pulang pula. Para akong nasapian ng demonyo. Bigla kong kinuha yung bag ko at lumabas ng bahay. Pero bago ko yun gawin, sabi ko sa kanya ""After 3 days, magdasal ka. Baka di na kita pabangunin.""

Di ko din alam kung anong meaning nung sinabi ko. Hanggang sa tinawagan ako ng isa kong friend. Sinabi niya na 50/50 si Joseph. Naaksidente daw siya sa highway habang nagmomotor. He's in coma. Nagulat ako. Bigla ko na lang naremember yung sinabi ko kay joseph nung sinugod ko siya. Sinabi ko sa kausap kong friend na ""Hindi na siya babangon."" At binaba ko yung phone. Kinabukasan nakita ko sa fb na ang daming nagsasabi ng ""RIP Joseph""

Dandelion

📜Spookify
▪︎2016▪︎

[1] True Filipino Horror Experiences (Tagalog)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon