I saw a demon and visited hell

251 5 0
                                    

I saw a demon and visited hell

Hello Spookify and to all readers out there. Medyo intense ang story na to. Hindi ko kayo pinipilit na maniwala pero sana respeto po. Thank you.

Nangyari ito November 6, 2015. Ako nga pala si Cray, di ko tunay na pangalan. Ang itsura ko ay isang simpleng payatot na nerdo. Mahirap lang din kami ngunit kahit papano nakapag aral ako sa UST.

Isa ako sa mga taong mahilig sa mga scary stories katulad niyo. Hanggang sa napadpad sa pagresearch and eventually may nahanap akong isang chat site na tungkol sa mga hilig ko. And may nakausap akong isang Pinoy din na katulad ko pero more on like mas experienced na siya sakin.

Isa sa mga convo namin ang nakapagtrigger ng curiosity ko. Sinabi niya kasi na meron siyang mga kilala na at kaibigan na demonyo. Actually hindi naman daw sila lahat na demonyo ay masama. Surprisingly taga Manila na din siya at nagkita kami.

After 3 hours ng pag uusap namin, isinama niya ako sa isang underground bar at nagulat ako kasi halos lahat ng mga tao dun nakasuit kahit babae (Parang cult or Illuminati). Kinausap ako ng isang babae. Ang pangalan niya ay si Krissy. 3rd year student sa LPU. Napakaganda niya talaga kahit nakasuot ng suit at mabango din. Isa rin daw siyang thrill-seeker katulad ko at 1 year and 2 months na daw siyang member ng grupo. Hindi ko na sasabihin ang pangalan dahil medyo confidential pero bibigay ko na lang ang initials, ZK

Eventually nagrerecruit pala sila ng mga bagong members at dinala nila kami sa isang conference room para ipakilala ang grupo nila. Bali 8 kaming nandun at 2 observer na parang mataas ang position sa ZK. Ipinaliwanag nila ang purpose ng grupo. Sila ay hindi kulto na sumasamba sa demonyo. May respeto sila sa ibat ibang religion pero more on focus nila ay communication sa mga supernatural beings.

Sa aming 8 na naorient, 3 lang kaming nakapasa dahil may test din daw sila. Tinanong ko si Krissy kung anong mangyayari sa mga hindi nakapasa. Binulong niya sakin na meron daw silang witch na tatanggalin ang memories nila na nakapunta sila dito sa HQ nila. After kong makapasa at maorient ay inilibot nila ako sa HQ nila at nakakita ako ng mga books tungkol sa demons and mga figurines at symbols. Suprisingly sa mga tao na members dun, 5 ang politicians at 14 ang artista.

Dinala ako ni Krissy sa isang room na metal steel ang pinto at walls. Kumuha siya ng kandila at kutsilyo. Parang alam ko na ang gagawin niya ngunit tahimik pa rin ako at hinayaan ko lang siya. Pinatay niya ang ilaw at sinindihan na ang kandila. 3 kandila na nakashape na triangle. Nagsalita siya ng Latin na hindi ko maintindihan. Ang narinig ko lang ay Go-no-ra-fei-lok-tor.

Pagkatapos nun ay hiniwa niya ng kutsilyo ang palad niya at gumawa ng symbol and tinuluan niya ng dugo ang tatlong kandila. Biglang bumigat at lumamig ang pakiramdam ko at maya maya ay lumitaw na ang isang demonyo na tinawag niya. "Hello Kelsorah" sambit ni Krissy na natutuwa pa habang ako ay hindi makapagsalita at nanlalamig ang buong katawan.

Ang itsura ni Kelsorah ay usok na kulay pula na parang nagbabaga. Nanlilisik ang mata ngunit nakangiti ng makita si Krissy. Tumingin sa paligid si Kelsorah hanggang sa nakita niya ako. Hindi ko alam kung namalikmata lang ako pero once na nagblink ako, nakaharap na sya sa akin at napakatalas ng kanyang tingin. Napasigaw ako nung nagsalita siya. "SINO KA?" sabi niya na ang boses ay parang distorted na pangdemonyo katulad sa mga pelikula.

Buti na lang at sumingit si Krissy. ""Hoy Kel tigilan mo na nga yan, magpalit ka na ng pangtao, suntukin kita diyan eh.""

Hanggang sa pagpikit ko ulit ay naging anyong tao na si Kelsorah. Isang matipunong binata na mukang varsity player. Maputi, matangos ang ilong at maganda ang ngipin. Nagsalita ulit siya at sinabi niya na ""Haha biro lang yun. Kaya tinawag ako ni Krissy ngayon dahil pupunta tayo sa impyerno.""

""Sige lang Cray, ako bahala sayo. Pang 20th time ko na to dahil ako ang nag iintroduce sa mga ibang bagong pasok sa ZK, don't worry"". Napatango na lang ako at hanggang sa nagsimula na naman ng bagong ritual si Krissy.

Itutuloy ko na lang ang story dahil medyo mahaba na at pinapatawag na ko sa ZK.

Cray

📜Spookify
▪︎2016▪︎

[1] True Filipino Horror Experiences (Tagalog)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon