Sit-in

312 5 1
                                    

Sit-in

"Hello po! First time ko lang pong magshare ng story dito. Sana po magustuhan niyo.

Yung prof ko sa Logic class nung first year ako sa isang school sa Laguna, nakakakita ng mga ghosts. Nagchecheck siya ng attendance gamit ung ipad niya before siya magturo.

""Okay, may absent ba tayo ngayon?""
""Maam, si Alcaraz po.""
""Meron pa?"" tapos wala nang nagsalita. ""Okay, si Alcaraz lang. ilan kayo lahat?"" sabay tingin sa ipad niya, ""May gagawin tayong activity ngayon. 27 kayo minus one (absent) so 26"".

Tapos binilang niya lahat ng estudyante..

""May sit-in ba tayo?""

Nagtinginan lahat ng estudyante, kasi maraming irregular kaya hindi magkakakilala.

""Yung sit-in please meron po munang activity. Hindi po muna ako nagpapasit-in ngayon.""

""Maam, wala pong sit-in."" sabi ni *** Paredes.

""27 kayong lahat eh. Sinong sobra?""

Tapos binilang niya ulit ung mga estudyante.

""27 talaga. Sige, bilangin mo Paredes.""

Nagkatakutan na ung mga estudyante.

""Maam 27 po.""

""oh sino ngang sit-in?""

Tinignan ni Maam isa-isa ung mga estudyante. Lahat naman ay familiar ung mukha, ibig-sabihin, estudyante niya lahat, wala namang mukhang naninibago siya. Kaya itinuloy na lang ung activity.

Dinivide niya sa dalawang grupo. At dahil nga 27 lahat, isang grupong may 13 members at isang 14.

""Okay, ganito ang gagawin..""

Nang biglang nagsalita ang isang estudyanteng nasa grupo na may 14 members.. ""Maam. 13 lang po kami.""

Binilang ulit ni Maam lahat ng estudyante. 26 na lang lahat. Wala namang lumalabas at makikita kung meron man kasi nasa may harap ung pintuan. Saka kulob ung room dahil naka-aircon. Kaya nagdismiss na lang ng maaga si Maam dahil sa mga natatakot na estudyante.

Next meeting, Logic class ulit. Siyempre lahat ay tahimik dahil sa nangyare nung nakaraan.

""Sinong absent?""

""Maam wala po."" sabi ni Paredes.

""Thank you. Okay lang ba sa inyong ituloy natin ung activity natin?""

""Sige po Maam.""

Binilang na ulit ni Maam yung mga estudyante...

""Okay, two groups ulit tayo, tig-14.""

""Maam.. 27 lang po tayo...""

""Sabi ko diba wala munang sit-in.""

""Wala rin pong sit-in.""

Simula nung araw na yun, nagrequest siya sa college namin na lumipat sa ibang room. After naming lumipat, wala na namang nakikisit-in samin at wala na ring nakikita si Maam na sobra samin.

PS. Natapos namin ung activity. :D "

Katniss

📜Spookify
▪︎2015▪︎

[1] True Filipino Horror Experiences (Tagalog)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon