REST HOUSE

71 6 0
                                    

REST HOUSE

High school ako nung mangyari ito, isa sa mga pinaka-scary na experience ko. Every December nagbabakasyon kami sa Baguio ng family ko. One time, nagpagpasyahan nila na sa "Comelec Cottage" tumuloy (rest house yon ng mga commissioners), apat na mansion yon sa isang malaking compound, doon kami tumuloy sa pangatlo.

Hapon noon nung dumating kami, sinalubong kami ng caretaker at itinuro sa amin yung kwarto namin sa taas. Napakalaki ng bahay na iyon, bukod sa may recieving sala, may apat pang sala sa baba na iba-iba yung theme. Pagdating sa taas may isang malaking sala, may main na CR at pitong malaking kwarto, sabay sabi ng mga tita ko sa aming magpipinsan,

"Wag kayong magulo at may iba pang guest na darating."

So ayun na, nagkaayaang mag-SM Baguio dahil walking distance lang naman ang lapit pero syempre, nakasasakyan silang pumunta habang ako naiwan dahil may nakita akong basketball court at may nagshu-shooting (ball is life kasi ako dati, hahaha). So ayun na, mag-aalas sais na ng hapon, padilim na halos nung natapos ako makipaglaro. Paguwi ko sa tinutuluyan namin umakat ako sa taas para magbihis kaso naka-lock yung pinto, yung isang kwarto sa taas ay may hallway pa papasok. May parang nagdadabog, nagtatalunan, maligalig, so akala ko andun na yung ibang guest. Bumaba ako sa caretaker para hingiin yung susi, pagkaabot sa akin sabay sabi ko na,

"Andyan na po pala yung ibang guests, ang ingay na po nila sa taas, e," sabay tawa.

Napatigil ako sa tawa nang mapansin kong di maipinta yung mukha ng caretaker sabay sabi niya,

"Tumawag yung ibang guests para mag-cancel," so ayun, kinilabutan ako sabay di na ako umakyat.

Dumiretso ako sa SM Baguio at dun na lang ako bumili ng t-shirt at bimpo, nagpunta ako sa CR dun ako nag ayos ng sarili ko, di ko dala CP ko that time buti nakita ko sila. Nakauwi na kami at napagpasyahan nilang mag ihaw so dahil matakaw ako, ako yung kasama ng tito ko sa baba. Habang naghihintay ng lutong barbecue kausap ko yung anak ng caretaker, apat na taong gulang nag aaya ng taguan, dahil wala pa namang luto nagtaguan muna kami siya yung taya. Nagpahanap naman ako agad dahil bata, sabay sabi ko,

"Galing ah, nahanap mo ako."

At ako naman ang taya, nahanap ko na yung bata tapos may sinasabi yung bata, may hahanapin pa raw ako na kalaro namin. Nagtaka naman ako sabay tanong kung sino sabi nung bata,

"Si Ave Maria, si Ave Maria" ng pamaktol, nagtataka ako sabay lapit ako sa nanay niya,

"Sino po ba yung Ave Maria?" tanong ko.

Sabi nung nanay may kalaro daw yung anak nilang bata na babaeng nakaputi at Ave Maria yung tawag niya. Kinilabutan ako sabay akyat na ng kwarto, sabi ko sa bata bukas na kami maglaro at gabi na, pagkatapos kumain lumabas ako at nakipagusap sa guard (trinotropa ko para makahiram ako ng bola at balak ko maglaro sa umaga), nakipagkwentuan ako sa guard sabay tanong,

"Kuya, bakit parang nakakatakot dun sa pang apat na mansion?"

“Parang walang gustong mag-guest don,” dugtong ko pa. Sabi ni kuya guard,

"Ay... di namin pinapatuluyan yan kasi may multo dyan, nanakit," ako naman,

"Weh?! Tinatakot mo lang ako kuya, e."

Sabi ng guard, yung nagpapakita dyan walang ul0 at may guest daw dati na hinila sa hagdan pababa at kung anu-ano pang pananakot. Dahil tapang-tapangan ako, sige nga kuya, pasukin natin yun. Sabi ng guard bukas ng gabi ako magro-roving dun, na-excite naman ako. So ayun, alas diyes na ng gabi dumating yung pinakamatanda naming pinsan, that time nasa 19 siya nun, kami naman dikit lang ng age 14-16 years old so dahil pa-"cool kids". Sabi niya bili kami ng alak sagot niya, dun kami nag inom sa sala sa taas at okay lang naman sa mga tito at tita namin dahil isang bote lang, Generoso pa ata yun, tapos tulog na yung mga matatanda, kami na lang gising kaya bumili pa kami pagkaubos namin nun. Nung patapos na kami mag inom saktong masakit ang tiyan ng isa naming pinsan at pagtingin namin sa pinto ng banyo bumubukas-sara na parang nilalaro, pero wala naman tao at imposibleng hangin so ayun, nagkatakutan pa kami pero dahil matapang yung pinsan namin 19 years old lumapit siya sa pinto at sinipa niya sabay sabi,

“Oh, wala naman, di ba?”

So habang nagc-CR yung isa naming pinsan andun kami lahat sa labas ng pinto at di niya ni-lock, hawak niya lang sa loob, pagkatapos nun natulog na yung iba naming pinsan at nag aya na kumain ng mami o lugaw para mainitan tyan namin. Libre ng pinakamatanda syempre so 3 kaming lumabas, pagkauwi namin yung master's bedroom na lang ang bukas at isang tito ko lang ang andun so nag-‘maiba taya’ kami kung sino ang tatabi sa kanya at ako ang naiba, sila natulog sa sahig, ilang sandali pa di ko na matiis yung lamig. Bumagon ako, mas malamig pa ata sa 16c ng aircon, sila rin di makatulog sa lamig, sabi nung pinsan ko,

"Doon tayo sa van matulog."

So ayun, baba kami at sa van kami natulog. Paglabas namin ng kwarto naalimpunagatan yung tito ko at pagtingin niya sa pinto may babaeng nakaputi raw pero di siya natakot dahil sanay raw siya makakita dahil nurse siya, so ayun yung unang gabi, yung sumunod na gabi ang di ko aakalaing mangyayari. Habang naghihintay sa pagkain mga halos alas siete na ng gabi napagpasyahan namin ng pinsan ko puntahan yung pang apat na mansion, 14 years old ako, siya naman 15 y/o. Bukas naman yung pinto at may ilaw sa harap gawa sa salamin yung pinto kaya kita yung loob at pagsilip mo hagdan pataas ang makikita at hanggang sa gitna lang ng hagdan kita yung liwanag. So picture kami gamit cellphone, posing kami, emo emo kunyare pero wala nakuhaang mult0. Ilang sandali pa naglakas loob kaming pumasok at sa hagdan na abot liwanag lang kami nagpicturan, wala pa rin nakita kaya mission failed. Bumalik na kami sa rest house namin para kumain, pagkatapos ko kumain bumaba ako para kausapin yung guard,

"Kuya, wala namang multo, e pumasok kami at nag-picture wala naman... imbento ka lang ata," sabi ko. Sabay naalala ko,

"Kuya, di ba magro-roving ka dyan mamaya, sama kami."

Mga 9 PM sagot nung guard, nung malapit na mag-9 PM umakyat ako, hinihiram ko sa tito yung digicam niya para mas maganda yung picture. Sabi ko maggho-ghost hunting kami pero di ako pinahiram. So tuloy kami kahit walang digicam, si kuya guard nauuna at nasa likod kami. Umakyat kami sa taas, nilibot yung bahay pero walang nagparamdam. Dismayado ako so dahil may event ang Smart nun at si Bamboo ang guest punta kami kaso mahal, nag aya yung pinsan kong 19 y/o na mag-bar,

"Good idea,” sabi naming, pa-coolkids. Hahaha!

Kaso yung pinuntaan naming bar need ID at di naman kami mukhang 18 nun, buti sabi ni manong taxi driver may pede kaming inuman at ayun na nga, napadpad kami sa Nevada Square, umuwi kami mga 2 AM na, apat kami natulog sa van, sa harap yung 19y/o tapos ako then pinsan naming kaedad ko sa dulo, yung kasama kong pumasok sa haunted mansion. Nagpapatugtog ng medyo malakas yung pinsan ko sa harap habang may ka-text at nakatulugan ko na lang dahil sa lasing. Maya-maya, naalimpungatan ako, umaalog yung van ng napakalakas, gusto ko sanang buksan yung pinto pero pinigilan ako nung 19 y/o na nakasiksik sa 2nd row nung van at nanginginig sabi,

"Wag mong buksan, wag mong buksan!" e dahil sa kapal ng fog wala kang makikita talaga, so ayun hanggang sa nagising pa yung dalawa dahil lumalakas pa lalo yung pag alog.

Maya-maya, napasigaw yung nasa dulo, tumalon na rin sa 2nd row sabi niya,

"May kamay, may kamay!"

Biglang may humampas sa likod na salamin pero walang kamay na bumakat sa moist, kulay puti yung kamay at ang haba ng mga daliri, nanginginig kaming apat sa loob ng van hanggang sa pagod, takot at lasing nakatulugan na namin. Kinaumagahan takot na takot kaming ikwinento sa mga magulang namin at ako pa yung pinagalitan. Ako raw pasimuno ng panggugulo dun sa pang-apat na mansion, sabay sabi ng caretaker buti di raw drinive yung van papunta sa tapat nung dulong bahay. Ikwinento ng pinsan ko kung paano nag umpisa dahil siya lang gising nun sa van bago umalog, bigla raw may kamay na pumalo sa windshield tapos nagbaklasan yung wirings ng stereo, may narinig daw siyang parang kumakamot sa gilid nung van at may mabigat na paa na may parang may hilang kadena ang naglalakad. Bago kami umuwi ng Manila nagpadasal pa sila. ngayon malaki na ko, gusto ko sanang bumalik don kaso dinemolish na raw.

Salamat sa matyagang pagbasa. Meron pa akong ibang expi, sa teachers camp naman yun pero sa ibang kwento na.

Mackoy
2012
BSIT
*Confidential

#USFComeback

📜University Secret Files
▪︎2022▪︎

[1] True Filipino Horror Experiences (Tagalog)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon