Bata

85 4 0
                                    

Bata

This happened last November 22 to be exact.  Mag isa ako sa buhay kaya kailangan ko buhayin sarili ko. Caregiver ako, pwedeng sa mga matatanda at pwedeng mga babies, basta taga alaga ako. Meron akong taga manage kung saan ako mapapapunta, so wala naman akong choice if kung saan man.

Inassign ako ni ate Bem (Which is yung taga manage sakin) nung November 20 non. Mukha ngang may problema siya non kasi binigay niya lang sakin yung paper na address tas nakalagay na don information tapos umalis na. November 20 ako sinabihan, ibig sabihin after 2 days pa ako pupunta. Then dumating na yung November 22. Pumunta na ako don mag isa. Nakasulat sa information bata daw aalagaan ko, 7 years old daw, kaya comfortable ako kasi mahilig  talaga ako sa bata. Tsaka nakasulat din dito na aalis yung mga magulang neto kaya balak ko hanapin muna yung mga magulang pagpunta ko. Other than that dito ako napaisip. Nakasulat din sa information na hindi daw madalas magsalita yung bata kapag bago yung kilala, so ako naman kampante pa rin kasi feel ko hindi makulit.

Unang punta ko don wala talagang tao, as in madumi lang yung place. Sobrang dumi, may basag na bote ng beer ata, red horse pa, tapos nakakalat mga gamit. Hinanap ko muna yung mga parents. Syempre bago ko ayusin yung place kailangan ko ng permission, baka may makita ako dito hindi dapat.

While searching for them, napunta ako sa second floor nung bahay. As malaki talaga yung bahay. Habang naglalakad nga ako, may naririnig akong footstep sa likod pero binalewala ko kasi feel ko yung bata lang yon. Habang hinahanap ko yung parents, gusto ko sana laruin yung bata na sumusunod sa akin. Kaya nung narinig ko ulit yung foot steps, lumingon ako sa likod ko ng mabilis pero wala akong nakitang bata.

Bumalik na lang ako sa paghahanap ko pero pagharap ko sa nilalakaran ko, may mabilis na tumakbo papuntang isang kwarto. Hindi naman ako nagtaka na pwedeng napunta sa harap ko yung bata kasi may ibang way para mapunta sa harap ko. Parang paikot kasi tong second floor. Pumunta ako sa kwartong tinakbuhan para na din tanungin yung bata kung nasaan parents niya. Pero pagpunta ko walang laman yung kwarto kundi isang kama na walang punda tapos cabinet yun lang.

Nacurios pa ako, baka pumunta ng cabinet yung bata, so binuksan ko yung cabinet pero pagbukas ko walang laman kundi isang box. Bubuksan ko na sana to pero may naramdaman akong nakatayo sa likod ko, nilingon ko agad to at nakita ko yung bata. Girl siya with a plain face, naka ponytail, may doll na hawak at nakadress. Pagharap ko dito halata sa muka ko yung kaba pero siya nakatingin lang sakin. Nagsmile ako dito at tumayo. Tinanong ko sya kung nasaan parents niya pero hindi to sumagot at tinaas lang dalawang balikat niya. Naintindihan ko naman na baka umalis na yung parents at sabi nga dito sa paper na binigay sakin hindi pala-salita yung bata.

Wala akong choice kundi linisin na lang yung buong bahay kasi sobrang kalat niya. Nilinis ko to ng nilinis, pero napansin ko lang habang naglilinis ako nakatingin sakin yung bata. Parang takang taka siya. Tinanong ko to kung gusto niya ng pagkain pero umiling lang to at tumakbo papuntang kwarto niya. Pinabayaan ko na lang to dahil baka nahihiya pa, tulad nung iba kong inalagaan kaya tinuloy ko lang paglilinis ko.

Days passed by, November 25 na hindi pa umuuwi magulang nung bata. Kaya kahit pwede na akong umuwi, hindi ako umuwi dahil baka maiwan mag isa dito yung bata. Nakakaawa naman. Pero lagi kong napapansin hindi pa din nagsasalita yung bata. Madalas naiisip ko may disorder to pero parang wala kasi naririnig ko siyang magsalita sa kwarto niya. Nafefeel ko naman naglalaro lang siya sa doll kaya nagsasalita siya. Feel ko nga kausap ko buwan tuwing gabi. Tsaka napapansin ko hindi niya kinakain mga hinahanda ko para sa kanya. Pag kukuhain ko siya para paliguan, makikita ko siya nasa cr na. Pero pagdating ko sa kwarto nandon siya. Natatakot na din ako paminsan minsan kasi nawiwirdohan na ako sa batang yon, lalo na pag nginitian niya ako.

Nov. 26 na, gusto ko ng umuwi. Nagtetext na sakin yung mga katrabaho ko pero nagrereply lang ako dito na "Bukas na, aalagan ko muna to" So this time naglakas loob akong kausapin yung bata. Tinanong ko kung nasaan parents niya at kailan to babalik. Tanging nasagot niya lang ay tingin at ngiti sa akin. Natakot na talaga ako that time, kahit umaga pa lang yon sobrang natakot ako. Tinuloy ko na lang paglilinis ko at habang naglilinis may nakita akong picture. Galing ata sa picture frame na tinapon ko nung pumunta ako dito kasi basag tapos walang picture. As nakita ko yung picture narealize ko family pic. to. Maganda yung picture nila. Nandon yung mama nung bata tsaka yung papa and syempre andon yung bata. Habang tinitignan ko to, nasa likod ko yung bata pero parang 5 steps away sakin. Tapos nakita ko may picture pa sa lapag at pinulot ko to, sobrang nagulat ako sa nakita ko na picture. Nakita kong patay yung mama, papa at yung batang inaalagaan ko. Nakita kong merong sulat sa likod, ang gulo nung sulat kaya matagal tagal ko siyang naintindihan which is eto ang nakasulat :

""This family died on 11/19/15 at exactly 10:00 in the evening
                                           -Bem""

Kinabahan ako nang naintindihan ko yon, as in nanginig ako. Madaming tanong sa isip ko. Sino yung inalagaan ko dito kung patay na pala silang pamilya? Yung Bem ba na nakasulat dito yung taga manage sakin? Sino pumatay sa kanila? Anong nangyayari? Napapamura na lang ako sa isip ko dahil alam kong nasa likod ko yung bata, so multo ang inalagaan ko?

Nilingon ko yung bata at nakita ko siyang malayo layo pa siya sakin pero sa gulat ko nakangiti siya sa akin ng creepy smile. Natakot ako at kinalibutan, halos kulang na lang mahimatay na ako. Naglakad lang siya palapit sa akin pero may nakita akong isang pintuan sa likod ko which is papuntang kitchen. Tapos sa kitchen may labasan kaya binuksan ko to agad at lumabas sa bakuran. Tumakas ako sa bahay na yon at sumakay agad sa kotse ko. Habang nasa kotse, binabalitaan ko yung mga kawork ko kung ano mga nangyari. Pero isa lang nareply nila sa akin """Sa bahay niyo tayo mag usap""" kaya kinabahan na ako.

Pagdating ko sabahay nakita ko na silang nag aabang sa akin. Around 12 in the afternoon yon. Pinapasok ko sila sa bahay at sinabi ko lahat nang nangyari pero bakas sa kanila yung nerbyos, takot at lungkot. Nagtaka ako bakit parang iiyak sila. Tinanong ko sila agad at sinabing patay na daw si Ate Bem. Umiyak ako ng umiyak, as in sobrang nagulat ako. Sabi nila hindi daw kasi nila nakita si ate Bem nung Nov. 20 hanggang ngayon  kaya pinuntahan nila kaninang umaga. Which is pinagtaka ko kasi November 20 ako binigyan ni ate bem ng address. Tinanong ko sila about don, pero sabi nila imposible daw yon dahil pagpunta daw nila sa bahay nila ate bem kanina nakita daw nila tong nakabigti at may iniwang suicidal note na ang nakasulat

         ""Death - 11/19/15 ----- 10:05 in the evening
                                                -Bem""

Medyo magulo din sulat katulad nung nakita kong picture sa bahay na pinuntahan ko. Naguluhan ako kasi nov. 20 talaga binigay sakin ni ate bem yung address. Bigla akong naliwanagan nung naalala ko nakalagay sa picture 11/19/15 tapos yung oras din 10:00. 5 minutes lang pagitan nung kay ate bem. Natakot na kaming magkakaibigan as in. Habang inaayos ko bag ko nakita ko yung picture na nasa bahay nung pinuntahan ko. Nagtaka ako at the same time natakot ng sobra dahil pano napunta sa bag ko yun. Pinakita ko na lang to sa mga kaibigan ko at pinabasa. Nagulat din sila kaya tumawag na sila ng police para ipaimbistiga dahil baka may murder na nangyari. Di namin alam kung si ate bem ba pumatay nung nov. 19 kasi sa picture nung pamilya na patay sila may nakasulat din na Bem. Sa suicidal note ni ate may nakasulat din na bem. Puro question na nasa utak ko.

Currently nandito mga police at nag iimbistiga. Wala pang resulta kung ano talaga nangyari. Basta ngayon natatakot ako kasi hanggang ngayon nafefeel ko may bata sa likod ko na sumusunod sa akin.

This file was sent November 27, 2015. I hope na mapost. Natatakot na kasi ako. Help me.

Caregiver

📜Spookify
▪︎2016▪︎

https://www.facebook.com/350647578436189/posts/544733942360884/

[1] True Filipino Horror Experiences (Tagalog)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon