Girls Night Out

86 5 0
                                    

Girls Night Out

February is my birth month. Tuwing February, maraming may birthday samin ng mga friends ko. And it's also the month kung kailan uuwi yung best friend ko from LA. Big celebration it is.

It was a Thursday nung nagcelebrate yung best friend ko. Happy T eh. She's from La Salle and I'm from UST so kinabukasan may pasok pa ako. Umuwi ako agad dahil may quizzes pa ako kinabukasan.

It was 2 am nung nakauwi ako sa apartment ng Lola ko. Sobrang bihira ako umuwi dun kaya nakakapanibago yung surroundings niya. 3rd floor pa yung apartment ng Lola ko and dahil masakit yung ulo ko, umupo muna ako sa hagdan papuntang second floor (first floor pa din siya). Mga 3 minutes ako umupo dun. Maya-maya nung pagtayo ko, may babaeng nakatayo dun sa second floor malapit sa hagdanan. Her hair was super long and she was in white lab gown.

Nakatalikod siya sakin, at nakatingin naman siya sa bintana. Nilapitan ko siya. ""Miss, okay lang kayo?"" Hindi siya sumasagot. Kaya umalis na lang ako. Nung nasa 2nd floor na ako paakyat ng 3rd floor, andun pa din siya. Natakot na ako dahil hindi naman siya umakyat. Then I checked kung aling floor na ba ako and nasa 2nd floor pa din ako. Sumisigaw na ako para marinig ako ng mga kapitbahay namin pero walang lumalabas sa mga pintuan nila.

Akyat lang ako ng akyat pero lagi akong napupunta sa second floor. I checked my phone para i-text yung Lola ko pero hindi ako makasend ng text dahil no service. My Lola was trying to reach me and even texted me at 10 pm: ""Nikki, wag ka na umuwi dito kung aabutin ka ng 12. I-text mo ako kung aabutin ka ng 12 para ipapasundo na lang kita sa driver at maihatid ka sa bahay ninyo.""

Nabasa ko na lang yun nung pauwi na ako sa apartment kaya hinayaan ko na lang. Sa sobrang takot ko, bumaba na lang ako ng first floor para lumabas ng apartment namin pero the door was locked. Umiiyak na ako dahil naririnig ko na yung mga foot steps niya na pababa na din. Hindi ko pa din mabuksan at naabutan niya na ako...

I saw her face. Her eyes were black. Her skin was too pale. Umiiyak na ako dahil palapit ng palapit na yung mukha niya sakin. Buti na lang nagrounds yung guard sa subdivision namin at narinig yung mga ingay at katok na ginagawa ko para makalabas. Tinawag niya agad yung mga tanod para mabuksan yung gate. Siguro mga 15 minutes akong naghintay para lang mabuksan yung gate at 15 minutes din siyang nakatitig sakin.

Umalis na lang siya nung binubuksan na yung gate ng apartment.
Nagsilabasan yung mga tao sa apartment nung dumating yung mga tanod. My Lola went down na din. Umiiyak ako sa Lola ko. Alam na pala ng mga tao sa apartment na may babaeng gumagambala sa kanila tuwing 12-3 am. Umaabot pa nga daw sa point na may kumakatok sa mga apartment nila at pilit binubuksan yung pintuan.

After that incident, pinabless ulit yung apartment. Hindi na din ako bumalik dun and sumama na si Lola samin. Ang sabi nila yung babaeng yun yung anak ng may ari ng apartment. Med student siya. Naaksidente daw kaya kahit anong pilit nila, hindi daw ito umaalis.

Nikki

📜Spookify
▪︎2016▪︎

[1] True Filipino Horror Experiences (Tagalog)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon