Unibersidad 3

39 5 0
                                    

Unibersidad 3

Isang araw hindi ko alam anong umihip na masamang hangin kila cristine at inaya nila kami sa rarim, tawag namin yun sa gotohan sa amin. Nung nilibre nila kami, nagbiro si paul na baka nilagyan nila yun ng gayuma hshshshahahjj. Saka sila nagsabi ng pakay nila nung maubos na namin yung libre nila.

"roadtrip tayong pampanga" pagkasabi nun ni cristine, lumitaw si kael.

"Samaku" sabi ni kael

Nag gagas kami sa may bandang concepcion nung lapitan ako ni kael. Gusto nya pasunurin ko si ramon sa pupuntahan namin. E akala ko kasi gaganunin na naman nya si ramon kaya kahit nag oo ako sakanya e hindi ko tinext si ramon.
Pagdating sa destinasyon namin, kinutuban ako. Lumang building kasi yun. Ang itsura parang yung sa baguio yung pag mumu ang topic sa jikisa oo yun ang madalas ipakita. Yun nga lang kung yung sa baguio e hotel, yung sa pinuntahan namin  ospital.
Patago tago sila eva e wala namang tao. Hinila ko si eva tapos kako anong problema?

"walang guard?" tanong nya sa akin

Umiling ako. Si paul tumingin pang isa doon sa bukana pero wala talaga malinis walang bahid hshshahha. Jk lang. Wala talagang guard. Si maki tinanong na sila eva kung anong ginagawa namin doon.

"Ghost hunting" sagot nung tatlo. Si eva lang hindi umumik nagbaba din syang tingin

Napamura si paul at maki. Napatingin naman ako kay noel. Hindi kami pumayag na sumama kila cristine dahil gusto namin. Urat na urat kami nila paul sa mukha nung tatlo sa totoo lang. Kaya lang kami nag oo dahil gusto namin maging okay na ulit relasyon ni noel at eva.

"Tara uwi na tayo" sabi ko.

Inakbayan ko na si yna. Kaso tinawag ako ni kael.

"Simon andito na rin tayo sulitin na natin" tapos tumingin sya kay eva. "Basta eva walang sisihan ha? Ikaw may gusto neto e" Sunod naman inakbayan nya si noel. "Wag kang lalayo sa akin manuela ha?"

Nauna silang pumasok. Si maki, yna at eunice naman iniwanan kami, nakilingkis na rin sila kay noel at kael amp. Kami tuloy ni paul ang nagholding hands. Nakapasok na kami nung lingunin ko sila cristine. Nahuhuli si eva. Parang umiiyak sya? Hindi ko na nakompirma kasi nakarinig ako ng sigaw. Parang si eunice. Napatakbo ako. Tinawag ako ni paul.

"Tol may mali" sabi ni paul. "Kanina lang nasa harap lang natin sila eunice e. Tapos kaboom nawala na lang sila"

Napakunot noo ko. Paglingon ko naman kila cristine sana kaso wala na sila doon. Kami na lang ni paul ang magkasama. Nilabas ko cp ko, wala kong signal. Si paul naman nasa motor cp nya. Ganoon talaga pag walang katext hahahahash jk. Naulit yung sigaw. Takbo na kami ni paul. Dirediretso lang kami sa mahabang pasilyo pero bigla na lang nasa loob na kami ng isang kwartong may malalam na ilaw. Nakapagtataka yung ilaw kasi abandonado na nga e, ni wala ngang ilaw sa entrance e tapos nagka ilaw sa kwartong yun.

"Mama, Papa" si paul

Paglingon ko kay paul nakaharap sya sa isang lumang salamin at parang naging tv yung kalahating parte nun. Nakikita namin yung batang paul na nasa airport. Yakap sya ng papa ni baki habang ang mga magulang nya naglalakad palayo. Pinilit kong kinaladkad palabas si paul palabas ng kwartong yun. Kasi ako nga nakikita lang yun sa unang pagkakataon pero ang sakit sakit na. Sya pa kaya na alaala nya at patuloy nyang nararanasan?
Kaya lang nawala na yung pinto. At sa bawat sulok ng kwartong yun ay nagkaroon na ng salamin. Sa isang salamin si euncie ang bida. Hinahati hati ng ate nya yung kanin sa kaldero. Si yna naman naglalaba, nagluluto, namamalantsa sya pero yung mga kapatid nya sitting pretty tapos pinapagalitan pa sya ng nanay at tatay nya.
Si maki naman nasa gitna ng mga magulang nya. Ang nanay nya may hawak na manika at tinutusok tusok nito, habang ang papa nya may hawak na bibliya.
Sa may kisame naman, si noel ang pinapakita. Yung batang sya na may kaharap na birthday cake. Nasa magkabilaang gilid nya si ibarra at florante. Wala ang mama at papa nya.

[1] True Filipino Horror Experiences (Tagalog)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon