Unibersidad 7

43 3 0
                                    

Unibersidad 7

Isang araw inaya ako ni kuya tom na sumama sakanya sa bible study. E sakto nandun si tyo bert sa bahay. Nung narinig ni tyo yun e umingos at pumalatak sya, na pupunta na naman daw si kuya tom dun sa pastor na hambog.

“di mayabang si jojo tyo. Ayaw mo lang talaga sakanya kase alam mong nagsasabi sya ng totoo. Ayaw mo lang talikdan yung mga nakagisnan mo” sagot ni kuya tom tapos hinila na nya ko palabas. Kaso ang gigil na gigil naming tyuhin e hinabol kami. Tapos ka nya ke kuya tom, totoo rin naman daw yung sinabi ni aling Vicky sakanya. Mamamatay raw si kuya tom dahil sa isang aswang, kaya na-eengotan sya ke kuya kasi kinaibigan pa rin si ramon at ice.

“lahat naman tayo mamatay tyo. Ang pagkakaiba lang e kung kelan diba? Kung oras ko na, oras ko na, di naman internet shop ang buhay nating mga tao na pwedeng sabihin sa Diyos, Lord eto limang piso pa extend pa ako” sagot ni kuya tom tapos talagang hinatak na nya ako.

Hindi kami nagpunta sa bible study na sinabi nya. Umikot lang kami sa barangay, bumiling yosi at makakain tapos nagtuloy sa puntod ni kuya masong. Nagstress eating si kuya tom, taena hindi ako sanay na ganoon sya, lalo na sa kanina. Si kuya tom kasi sa lahat ng mga kuya ko, yung masasabi kong pinakamabait. Hindi sya nasagot sa nakatatanda sakanya kahit urat na urat na sya.

“sige na magtanong ka na” maya-maya sabi nya. Kamot akong ulo hshshshahah. Edi kako ano yung sa sagutan nila ni tyo kanina. Tapos ayun nagkwento sya. Kwento ko rin munang a lil bit tungkol ke kuya tom at kuya dhan para di masyadong mailto.
Kambal ang kuya tom at kuya dhan ko pero di sila magkamukha, sa mata lang sila nagkapareho. Pagkapanganak sakanila, naging sakitin sila. Me pamahiin dito sa amin na pagkaganoon ang ganap sa kambal, kelangan silang paghiwalayin saglit.
Kaya si tyo bert, pag edad nila kuya ng dalawa, kinuha nya si kuya tom.  Sya na nag-alaga tapos nagpa-aral. Inuuwi pa rin naman nya kila nanay pero minsan sa isang buwan na lang. Di na sila naging sakitin, naging sakit na sila ng ulo hsshshshhs.  Hanggang sa grumaduate na sila ng highschool, umuwi sila ni tyo sa bahay para doon na rin maghanda kasabay ke kuya dhan.
Doon unang nakita ni kuya tom, yung kumare  ni nanay na si aling Vicky. Albularyo din yun si aling Vicky. Tapos yun kinausap nya si kuya tom at tyo bert pagkatapos chumibog. Sinabi nya na nakita nya yung magiging dahilan ng kamatayan ni kuya tom.
Mula nung araw na yun, naging mahigpit na si tyo bert kay kuya. Ayaw nga dapat syang payagan na mag-aral sa campus kasi malayo yun sa bahay ni tyo, at sa bahay na naming nun tutuloy si kuya e. Kaso sabi ni kuya tom sa akin, gusto nya doon, gusto nyang makasama si nanay, tapos gusto nya na makilala pa lalo kambal nya. Sa huli ayun pinagbigyan na sya ni tyo.
4th year college na sila ni kuya dhan nung makita sya ulit ni aling Vicky at sinabi na naman nito sakanya na mas lumilinaw na yung nakikita nya. Aswang daw yung papatay sakanya. Nalaman ko rin na kilala nya si kuya jojo, kaklase noong collge at kaibigan nya. Si kuya jojo yung nag-aya sakanya na umattend ng bible school. Ipinakilala nya si kuya jojo kay tyo. Nagclash yung dalawa kasi magkaiba silang paniniwala. Pero sabi ni kuya tom, ang gg talaga si tyo. Chill chill lang si kuya jojo, ani kuya. Doon na sila nagkaaway ni tyo.
Pinapaiwas na sya kay kuya jojo. Hanggang sa umabot sa punto na sinabi ni tyo na hindi nya na pag-aaralin si kuya pag hindi sya umiwas kay kuya jojo. Pa student teacher na nun si kuya tom at kuya dhan. Pero nagdesisyon na lang si kuya tom na magdrop kasi urat na sya kay tyo. Tapos ginaya sya ni kuya dhan. Nagtrabaho na lang sila.

“naniniwala ka dun sa nakita ni aling Vicky?” tanong ko. Nung tumango si kuya, parang tinusok tusok puso ko.

“pero katulad nga sa sinabi ko kay tyo kanina, lahat naman tayo mag eexpire. Natatakot ako pero alam ko naman na lahat may dahilan. Ang mali kasi ni tyo, nilahat na nya. Dahil ganun si ramon at ice, ang tingin na nya sakanila masama. Tama si noel, hindi naman lahat ng katulad nila, ginusto na maging ganun sila e. ang mindset din kase ni tyo, porke sya yung matanda, sya na yung tama” sabi ni kuya tapos napansin nya naluluha ako. Inakbayan nya ako. “tungaw bat ka umiiyak e andito pa ko. Matagal pa tayong magkakasama, magpapapicture pa tayo nila dhan at nanay doon sa harap ng gate ng campus habang nakabarong ka tapos may sash tapos hawak mo yung brown envelope na walang laman hahahahaha”

[1] True Filipino Horror Experiences (Tagalog)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon