Cabin Mate

103 7 0
                                    

"Cabin Mate"

Hello po! Silent reader niyo po ako since 1m followers palang 😅 Gusto ko sanang ikwento ang mga spooky experience ko. Sana po mapost. Isa na po dito ang kwentong isasalaysay ko ngayon. Anyway just call me Flyingsnow.

Since bata p ko, nakakaramdam at nakakakita ako ng mga di nakikita ng ordinaryong tao. Pero ito, isa ito sa di ko makakalimutan.

1st contract ko noon sa isang cruise line, wala akong clue kung ano ba ang buhay barko. Basta alam ko libre kong malilibot ang mundo. Nakarating na kami sa hotel (europe) kung saan susuduin kami at itrtransfer sa barko.

Kapag natransfer kana, konting seminar or orientation about sa mga dapat mong malaman sa barko, oo nga pala cook ang position ko. Syempre first day may mga bagong kakilala, same position usap usap konti, may nakapalagayan ako ng loob, si faith.

"Uy tawagan tayo ha kung anong cabin number niyo ha" ika ni faith na sobrang excited. Actually 3rd contract na niya kaya di na siya iba sa ganitong pangyayari. "Ha? Bakit ? Di ba tayo pwedeng magkaroom mate? Sila ba pipili ng cabin natin? Sagot ko. "Ay bakla! Bago ka palang makapunta dito nakapagdecide na sila kung ano mga cabina natin, naku sana hindi ibang lahi maging kacabina mo" sagot naman ni faith.

Saglit pa ay may tumawag samin, Culinary admin. Inorient niya kami about sa work namin sa kusina, nagkaroon kami galley tour at binigay na ang cabin number namin. Nalungkot ako kasi di ko sila kacabina. Inihatid kami isa isa ng culinary admin sa kwarto namin. Laking tuwa ko naman dahil halos magkakatabi lang pala kami ng kwarto. Huling hinatid ako kasi medyo dulo yung sakin e. Pagkabukas, makikita mo agad ang double deck, sa kanan restroom. Sa kaliwa side table tapat nun Tv, at sa ibaba ay mini ref. Napansin ko na sarado ang kurtina ng kama sa ibaba, so sa isip ko nandun natutulog ang karoom mate ko, so matic na sa taas ako matutulog, inilagay ko ang maleta ko sa taas ng kama ko habang ang culinary admin naman ay pumasok, chineck ang cr, kapansin pansin din na iniikot niya ang mata niya sa paligid at sabay sabing "swerte mo ah, oh cge kitakits mamayang 5pm, wag kang malalate kasi first day mo yun" nagtaka ako kung paano ako naging swerte pero di na ko nagtanong pa. Iniwan na niya ako. Ako naman tumawag sa cabina nila faith para pumunta sa cabina ko, agad naman silang pumunta ni mae. Pagkapasok nila inikot nila ang mata nila sa paligid, napansin naman ni faith ang kurtinang nakasara sabay sabing " bakla sa taas ka pala haha, pero swerte mo kasi parang graveyard yung kacabina mo, mamaya pa yun uuwi” "ay may graveyard din pala dito bakla? Sagod ko. "Oo bakla sila yung nagpreprepare ng breakfast" sagot naman ni faith.

Anyway, pumasok na ko. 4:30pm palang pinatay ko na ang ilaw bago ako lumabas ng pinto. Ok naman ang firstday, matrabaho pero ayos pa rin. 9pm close na, ginagamay ko pa ang mga daan sa barko kasi maliligaw ka talaga e. Pagtapos nun kumain na kami nila faith sa crewmess at nagpunta sa kwarto ni faith na katabi lang ng kwarto ko. Nagtatawanan kami ng biglang may kumalabog sa kabilang kwarto which is cabina ko, huminto kami, at narinig namin na parang may nag-aayos or naglilinis sa loob, so inassume ko na cabin mate ko yun. Sabi ni faith "cge na bakla punta kana sa kwarto mo nang makita mo na sino kakabina mo”, dali dali naman akong lumabas at pumasok sa kwarto, bukas na ang ilaw pero sarado ang kurtina, dumeretcho ako sa cr at nakita ko basa ang shower area so naisip ko na nandito na siya baka nagpapahinga kasi papasok ng 10-11pm.

Yung matutulog na ko pinatay ko ang ilaw at binuksan ang lampshade, biglang may nagsalita sobrang hinhin na boses "wag mong patayin” sabi ko ay sorry po. Sabay akyat sa kama ko. Tapos sabi niya "takot kasi ako sa dilim, ikaw ba takot ka rin ba?" Sabi ko naman "hindi naman, mas gusto ko nga dim light lang, pero kung takot ka wag na natin patayin madilim naman dito sakin pag sarado kurtina. Sabi naman niya "salamat ha, jessel nga  pala, ikaw?" Nagpakilala ako sknya tapos nagtanong ako kung anong oras pasok niya "mamayang 11pm pasok ko, breakfast kasi ako e. Kaya di tayo madalas magkikita." Sagot niya. Medyo inaantok na ko nun papikit2 na ang aking mata, narinig ko ang pagbukas ng kurtina niya, kaya naisip ko na papasok na siya. 11 na rin kasi e kaya natulog na ko.

[1] True Filipino Horror Experiences (Tagalog)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon