Burol

68 7 0
                                    

Burol

I forgot the exact year pero grade school ako nito, mga 1996 siguro, sa isang siyudad sa metro manila kami nakatira. Isang buong compound yun na puro magkakamag-anak. Extended family kami kaya ang dami naming magpipinsan sa lugar na yun.

May tito kaming namatay due to liver failure. Bago sya namatay, nahihirapan sya lagi dumumi. Kumplikasyon na din ng sakit nya. Every midnight o kapag madaling araw, nasa cr sya. Dalawa lang ang CR sa'men. Isa sa taas nila lola ko, at isa sa baba ang common CR.

Expected na kapag midnight e nasa cr sya sa baba. It will took him an hour kase nga hirap na hirap sya dumumi. On his 3rd night na nakaburol, lahat ng pinsan at ibang relatives namin ay nasa labas ng bahay. Sa burol mismo. Naglalaro kami ng baraha kase summer naman non so ok lang magpuyat. Naiihi na ko kaya nagCR ako sa ibaba.

Hindi talaga ako matatakutin kaya kahit 2am na non, di ako nagpasama. Hassle naman kung sa taas pa ko magsi-CR. Nung nasa loob na ko at matatapos na, may naririnig akong naglalakad sa labas ng CR.

By the way, may hindi kahabaang hallway  papunta sa CR. Pag sumilip ka sa gilid ng pinto, kita mo yung tao sa hallway. Mga dalawang balik na yung naglalakad so sinilip ko. Lumaki yung ulo ko, nanlambot ang tuhod ko at kinilabutan sa nakita ko. Yung namatay kong tito!! Suot nya yung pantalong suot din nya nung sinugod sya sa ospital.

Nasa labas lang sya, palakad lakad as if naghihintay para makapag CR. Di ko alam gagawin. I tried to shout pero walang boses na lumabas. Hanggang kumatok sya sa pinto which scared the sh*t out of me!

Nagsalita sya ""Matagal ka pa ba?"". Imaginine nyo yung kilabot ko. Pakiramdam ko umurong yung dila ko. Sobrang nanlamig ako. Nagdasal ako ng nagdasal. Mga 20 mins na ko sa cr nung may narinig akong pinsan ko na hinahanap ako. Lumabas ako na putlang-putla at tulala.

Pagkalibing ni tito saka ako nagkwento. Mula noon di na ko nag CR sa ibaba.

Salamat sa pagbabasa.

Dumbledore

📜Spookify
▪︎2016▪︎

[1] True Filipino Horror Experiences (Tagalog)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon