Sunog sa gabi

79 6 0
                                    

Sunog sa gabi

2014
Ung family ko, paniwalang paniwala sa mga albularyo pero ako, walang pakeelam basta pag nagkakasakit ako, sa doctor ako lagi.

Pero nung nagfebruary sa taong 2014, hilig kong sumama sa mama ko sa piggery para magpakain ng mga baboy sa gabi. Malamig ung hangin nun, probinsya dito sa amin kaya pag gabi, nagsusunog kami ng mga dahon para mabawasan ang kalat. At the same time uminit dito sa lugar namin. Pero naenjoy kong magsunog kaya every night sumasama na ako kay mama at ako ang laging nagsusunog sa tabi ng puno ng niyog.

Nung nag march, biglaang may tumubo sa mga katawan ko na parang talsik ng mantika, as in sa buong katawan ko. Buti na lang summer nun at walang pasok. Pumunta kami sa dermatologist, ang sabi may psoriasis daw ako. Binigyan ako ng gamot at ointment ni doctor. After 1 week may improvement na, medyo nawawala. Pero dumating ung time na parang buong katawan ko nabuhusan ng mainit na mainit na tubig sa sobrang pulang pula.

Tinakbo na nila ako sa albularyo dahil galit na galit na si Lola ko nung nalaman niyang nagkaganito ako. Tatlong albularyo at alay na ang pinuntahan at ginawa namin pero ni isa walang umubra. Pumunta kami sa mga Ifugao at duon nagpagamot. Nalaman kong nakasunog ako ng dwende na nakatira sa may puno ng niyog at dinasalan ako ng matandang yun ng halos 1 hour. Pinahiran niya buong katawan ko ng oil at kung ano anong pinainom sa akin. At sinabing humingi ako ng sorry sa mga nasunog ko.

After nun, pumunta ulit ako sa may piggery. Lumapit ako sa may puno. May nakita akong kulay black na circle circles sa bandang roots ng puno na parang nasunog. Nagsorry ako at nagdasal pero biglang may matitinis na boses ang narinig ko, mga boses ng mga maliliit na tao. Lahat sila sumisisigaw tapos may nakita akong maliliit na bunga na parang niyog na pinaliit ng sobra sa mga circles circles sa may roots. Kinuha ko un at ibinigay sa albularyo, biniyak niya un at lumabas eh parang pulbo. Nilagay niya ito sa katawan ko.

After ilang days, bigla na lang nawala at hanggang ngayon may bakas pa rin sa mga kamay ko ung ginawa nila.

Elle

📜Spookify
▪︎2016▪︎

[1] True Filipino Horror Experiences (Tagalog)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon