Cabinmate 3

60 7 0
                                    

Cabinmate 3

Cabinmate: https://www.facebook.com/622077878144828/posts/1381434402209168/

❗️Salamat po sa lahat ng nakaappreciate ng kwentong "JESSEL". At sa mga nagtatanong kung paano nakuha ang POV ni Jessel, Please! Ugaliin po munang magbasa ng disclaimer ☺️ Obviously kaya hindi "Cabinmate 3” ang title dahil wala naman ako sa eksena nila Jessel, mahirap magkwento kung hindi ikaw ang nakaexperience. Kaya salamat sa mga nakaunawa at sumuporta. 😇

Kaya din po mahaba ang "JESSEL" kasi ayoko nang putulin yung story niya.

❗️Sorry din sa mga nagsasabing nagiging wattpad na ang spookify, Again mag basa ng disclaimer ☺️ and di po ako familiar sa wattpad, please enlighten me 😅

❌Hindi lang sa mga nababasa niyo nangyayari ito. Nangyayari talaga ito sa tunay na buhay lalo na kung OFW ka. Kung malalaman niyo lang ang buhay sa labas, mas matitindi pa sa kwento ni Jessel ang maeencounter niyo :)

-end-

Noong kinukwento ni kuya Edwin ang tungkol kay jessel, ramdam naming lahat ang bigat ng bawat salitang binibitawan niya, panghihinayang, galit, inis at lungkot. Bakas pa rin sa kanyang mata ang mga luhang pigil ilabas. Naisip ko tuloy, Ganito ba ang buhay? Kung sino ang tama, siya ang TALO? At kung sino ang mali, siya ang PANALO? sa isang "SORRY" lang ba matatapos ang lahat? Naisip ko napaka unfair talaga ng mundo, lahat tayo gusto lumaban para mabuhay pero may mga taong handa tayong hatakin pababa para maiangat ang sarili nila... habang lumalalim ang pag iisip ko tungkol sa buhay may biglang kumatok sa pinto...

"Uy kuya Chael, ikaw na! Malapit ka jan e" sabi ni mae habang tinutulak si kuya chael papuntang pinto. "Hala,silipin niyo muna sa butas, para sure" sagot ko naman sakanila. Agad namang sinilip ni kuya chael ang butas at sumenyas na "WALA". Noong babalik na siya sa pagkakaupo, kumatok ulit. At sa pagkakataong iyon, agad niya binuksan ang pinto...

"Oh! Bakit kayo ganyan makatingin sakin? Ito na yung pinalaundry niyo. Uy ano yan?papasok ha" mabilis na pumasok si kuya don.

Si kuya don nagpapart time sa laundry, utility siya. Kapag ayaw naming pumila para magpalaba, binibigyan nalang namin siya ng tip, kumbaga EXPRESS LAUNDRY. Bukod dun, maalam din siya sa mga paranormal, or kung ano ano pa na konektado sa ganung activitad,   Medyo ahead siya kay kuya edwin sa edad.

"Bakit di kayo pumunta sa taas? Di kau makikiparty?" Tanong ni kuya Don. "Uy oo nga! Tara silip lang tayo, nakainum na rin naman e tara!” Yaya naman ni faith. "Ganito na ko, di na ko magpapalit ng damit”sagot naman ni kuya Edwin, "ay! Ako wait lang, nakapajama ako. Magpapalit lang ako" sagot ko habang papuntang cr..

medyo rough sea that time kaya shaky yung barko pero di naman sobra ha, tamang galaw lang. ( guys, rough sea means maalon, so kung mahihiluhin kayo sa mga rides, or sa byahe. Baka masuka kayo or mahilo pag rough sea at nasa barko kau) pumunta na kami sa taas, at medyo kalagitnaan na ng party, sbi ko kay faith dun kami sa di masyadong maingay. Merong couch sa bandang dulo, at dun kami puwestong magkakasama. Habang ang iba,party hard na sa dance floor.

Nakita namin si culinary admin na sumasayaw kasama ang iba pa niyang mga kasama. Nasa gitna sila (danza kurudo ang music) di naman sa pagiging judgemental ha, yung sayaw niya kasi pang party animal(sorry sa words 😆) what i mean is sanay sa party.

Oo nga pala guys ganito ang setting ng party. Puro couch ang gilid pero may maliit na lamesa sa bawat upuan, tapos sa gitna ang dance floor, Malaki! Then Sa dulo nandun yung bar, kung gusto mong bumili ng alak bukod sa nilibre nila., nandun lang. 
Syempre sa laki ng venue, di mapupuno ng mga crew yun, kaya may mga upuan na bakante sa bandang dulo,

Nagyaya si mae na sumayaw sa gitna, agad namang sumama si faith at kuya chael. "Naku, nahihiya akong sumayaw sa gitna, mamaya nalang siguro pag medyo may lakas na ko ng loob” sabi ko sa kanila kasi hinihila nila ako e. "KJ MO!!!" Sigaw ni mae habang sumasayaw papuntang gitna.

[1] True Filipino Horror Experiences (Tagalog)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon