Zigzag Road

72 4 0
                                    

Zigzag Road

Nakalimutan ko na yung exact date kung kelan to nangyare , nabasa ko kasi yung story na "Byahe". Actually medyo same yung experience namen , so my story goes like this. High school ako nun and nakasanayan na rin namen na magbakasyon every year alternate minsan sa province ng family ng papa ko but that time dun kami sa family ni mama sa Quezon Province. Kasama namen yung family ng bestfriend ni papa dahil first time daw nila pumunta dun. Dahil may asthma si Mama gusto nya gabi kame bumyahe. Ang seating arrangement namen is , si Papa mag-drive then si Tito(besfren ni papa) sa harap, (sa middle part) Ako sa window side , Mama ko, si Tita and sa likod yung sister ko tsaka yung 3 anak nila tito.

Dahil gabi kame babyahe , we hit the road at exactly 8pm then stopover sa isang gasoline station to grab some late dinner and bumili na rin ng needs sa byahe like snacks and refreshments. So, again byahe na ulet, si Papa lang ang nagdrive dahil hindi sanay si tito sa malayong byahe. Siguro past-12 na yun at tulog na yung mga kids , si tita at mama. 3 na lang kame nila papa ang nagke-kwentuhan (kailangan kasi ni papa ng kausap para hindi antukin sa byahe) then na-excite ako nung sinabe ni papa na malapit na kame sa bitukang manok (zigzag road) dahil sa mga creepy stories na naririnig ko, naisip ko tuloy baka dito ma-try ko kung active pa yung sixth sense ko (opo, madalas akong makakita at makaramdam pero ayaw maniwala ng parents ko kasi imagination ko lang daw yun, kaya inisip ko na guni-guni ko lang talaga siguro yun). Pero this time gusto ko na ng proof at kailangan na maniwala ni papa.

As we enter the zigzag road, nag-start na sumakit ulo (lage ganito nangyayari saken pag alam kong may ibang vibe sa paligid). Naalala ko na lang is sinabihan ko si papa na bumusina ng madalas dahil may nakita akong tao sa gilid ng road na nagwave ng kamay (yung parang maki-hitch ride) at sa haba ng road na yun , yun at yun parin ang nakikita ko sa gilid ng road parang replay ng replay at creepy pa kasi yung damit nya parang sira sira and yung face nya mejo blurred at may pula pula.

Tinignan ako ni Papa from the rear view mirror then asked me kung nasusuka ako, sabe ko hindi masakit lang ulo ko. Umikot ako from my seat para kumuha ng tubig sa likuran , pero tang*na lang , yung taong nakikita ko labas na parang replay eh andun na sa back side ng sasakyan katabi ng mga bagets pero ang behave nya ha , kasi nakaupo lang sya dun and nakatingin sya sa bintana , same yung features nya sira sira yung damet , blurred yung mukha na may pula pula.

Sa sobrang takot ko for the kids, baka kasi makaramdam sila or something , I asked my Papa to pull-over sa may road side , nag-dahilan na lang ako na may hinahanap ako pero hindi ko makita, time-out na rin para kay Papa para mag stretch. Hawak ko yung rosary ko and prayed Our Father , nung natapus ako mag-pray humarap ako dun sa entity and sinabe ko na "Excuse me po , pasensya na po kasi puno na po yung sasakyan namen and hindi rin po siguro ito yung sasakyan na inaantay nyo . Pwede po bang bumaba na po kayo , I'll pray for your soul and leave with peace". After that pray ulet ako and as I face the entity parang naging smoke at unti-unting nawala. Nawala na rin yung sakit ng ulo ko.

P.S
Bumalik na kame sa pag byahe and bigla akong kinausap nI Tito, sabe nya "Alam ko kung bakit mo pinahinto yung sasakyan kanina , nakita ko rin sya , una sa labas at nung sumilip kame ni Papa mo sa rearview mirror". May third eye pala si tito . Pero si Papa , clueless sa pinaguusapan namen. As of today , normal na saken ang makakita ng kung anek-anek.

Sensya na po kung mahaba.

TUPChic

📜Spookify
▪︎2015▪︎

[1] True Filipino Horror Experiences (Tagalog)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon