My Bestfriend's Bestfriend

82 7 0
                                    

My Bestfriend's Bestfriend. 

Hi Admin! This is my first timeto share my story so sana po mapost po ito. :) Hindi ito gawa-gawa lamang or kung ano pa. Dahil binase ko itong ishashare kong story sa nangyari sakin. So here it is.

Nangyari ito noong 1st year high school pa lang ako. May nakilala akong girl, itago na lang natin sya sa pangalang ""Jehsicca"". We're both girls. Pareho kami ng hilig, pareho kami ng favorite subject pati na din ng ulam at pareho din kami ng name pero iba ang spelling ng kanya. Halos salamin ko na nga sya dahil di ko inaakala na may dadating na isang katulad nya sa buhay ko. She's my first best friend! So sa kanya ko sinasabi lahat ng problem, lahat ng nagugustuhan kong tao and mga ayaw kong tao at iba pa. Kaya masasabi ko talaga na mapagkakatiwalaan syang tao. Sya rin yung tipong tahimik lang at loner na tao pag di nya ako kasama. Actually, wala syang nababanggit sakin about sa mga iba nyang kaibigan. Madalang din syang magkwento sakin so hinahayaan ko na lang kasi sanay naman na ako na kasama sya.

First time namin nag-away. Di ko matandaan ang exact date pero nung nangyari yun, nag-iba tingin ko sa kanya dahil nagalit sya ng sobra sakin. Her stare was like, parang papatayin nya ako and then may sinabi sya. Di ko sya masyado narinig kasi nga magkagalit kami noon. Hinayaan ko sya that time. Di ko sya kinakausap kada magkikita kami. Hinahayaan ko lang syang maging loner noon.

One night, habang nananaginip ako (Base sa pagkakaalala ko sa panaginip ko noon) may nakita akong guy na hindi pamilyar sakin. I'll describe him. Matangkad sya, maitim, kulot ang buhok at pormal ang kanyang pananamit. Meron din syang kasamang black butterfly. And may sinabi sya sakin na ""Wag mo syang sasaktan, kung ayaw mong gawin ko din sayo iyon"" Nagulat ako sa sinabi ng lalakeng yun sa panaginip ko then di ko na lang pinansin. Hanggang sa laging nagpapakita sakin yung guy at ang malala pa dito ay sinasaktan nya ako sa bawat panaginip ko. Napadalas ang pagdadalaw nya sa panaginip ko pero binabalewala ko na lang kasi mas nakakatakot pa yung ma-70 ka sa mga subjects mo sa school kaya focus pa din ako sa pag-aaral.

One time, nakita ko si Jehsicca, yung bestfriend ko na nag-iisa. Di ko pa din sya nilapitan gawa nga ng magkagalit pa kami so dinedma ko na lang sya. Hanggang sa napansin ko na nagsasalita sya, wala namang ibang tao sa corridor kasi nagkklase pa mga estudyante doon. Nagtaka ako kung ano yung sinasabi nya kaya dinaanan ko pa din sya. Narinig kong sabi nya ay ""Wag kang gagawa ng masama sa kanya, matalik ko syang kaibigan. Binabalaan kita *insert name*"" then nagulat ako sa sinabi nya na yun at napahinto ako tapos tinanong ko sya kung sino kausap nya. Nagulat sya kasi di nya alam na dumaan ako doon at narinig ang sinabi nya.Dali dali nya akong hinatak palayo sa corridor.

Sa canteen, nagmakaawa sya sakin na makipagbati na. Ayaw nya daw ako mapahamak kaya sana daw mag-ayos na daw kami. Di ko sya natiis nun kasi umiiyak na sya kaya nakipagbati na ako sa kanya.

Hanggang sa napapansin ko na nagiging weird na sya. kapag kasama ko sya tumatawa sya kahit di naman ako nagjojoke sa kanya. Umiiyak sya ng walang dahilan, nagddrawing sya ng medyo satanic na drawing. At kapag busy ako sa pag aaral, nagagalit sya sakin at sinisagawan ako pati na rin yung titig nya ang sama. Hanggang sa isang araw, parang hindi na sya yung best friend ko, dahil sumobra na ang pagiging weird nya. May kinakausap sya na di ko nakikita. Yung tawa nya parang pang baliw na. Iniisip ko na siguro nababaliw na sya pero kapag iniisip ko yun naiiyak ako. Sumobra ng sumobra ang pagkaweird nya. Nagsasabi sya sakin na ""Paano kung patayin ko kaya iba mong kaibigan? Hehehe, masosolo na kita Jes!!"" o kaya naman ""Jes, patayin kaya kita tapos magpakamatay ako para naman magkasama tayo hanggang kamatayan!!"" Dun na ako nagsimulang natakot sa kanya. At lumayo na din ako sa kanya.

Lumipat ako ng school sa kadahilanang ayoko na nga makita si Jehsicca, dahil hindi na sya yung best friend ko na nakilala ko. Pero akala ko tapos na ang lahat. Akala ko kahit lumipat ako ng school, mananahimik na si Jehsicca, hindi pa pala.

Nakikita ko sya at yung lalake sa panaginip ko. Yun ang dahilan kung bakit nagkaganun si Jehsicca. Yung lalake ang dahilan kung bakit nabaliw si Jehsicca. Ngayon nalaman ko na hindi lang ako ang best friend nya. Meron pa pala syang best friend, pero di nga lang nakikita ng mga mata ko.

PS: Wala na akong balita kay Jehsicca, simula nung nakatungtong ako ng college. Pati na rin ang lalake na nasa panaginip ko ay di ko na rin napapanaginipan. Pasensya na kung masyadong mahaba.

Jessica


📜 Spookify
▪︎2016▪︎

[1] True Filipino Horror Experiences (Tagalog)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon