(1) My weird sister-in-law and her bestfriend

100 8 0
                                    

My weird sister-in-law and her bestfriend

Kamustasa kalabasa paella! Tungkol to sa asawa ng Kuya Jon ko. Tawagin natin syang Dean, die hard fan ng supernaturals kasi. Si Dean ka batch ko sya nung fourth year. Bale nagstop ako ng 2 years dahil sa kadahilanang sa loob ng dalawang taon na yun, ilang beses akong naaksidente.

Yun nga, ka batch ko sya, higher section sya ako naman nasa fifth to last. Transferee sya galing manila. Eh probinsya to, kaya iba yung vibe nya. Nakilala sya agad sa school bukod kasi sa matalino, lapitin ng basag ulo. Panahong yun uso pa yung clan sa text. Nung Feb., nalaman ko sya pala yung founder nung pinaka sikat na clan sa school. Dahil dun, nagkakilala sila ni Kuya ko. Una akala ko hindi magiging sila. Kasi naman halos 10 years gap nila ni Kuya, pero yun nga naging sila. Hanggang sa sumama sya sa Kuya ko.

Kung titignan mo si Dean, hindi mo iisipin na may third eye sya. Pero nung nagsasama na sila ni Kuya ko at dun pa sila nakatira sa bahay namin, dun ko nalaman na nakakakita pala sya. Tyaka yung ability nya, na once na may mahawakan syang bagay o tao, di ko sure kung applicable ba sa lahat, basta matutulala na lang sya bigla tapos maya maya ayan na kung hindi iiyak, manginginig sa takot.

Una: Undas. Dumating yung kumpare ng mga Kuya ko na retired na army. Ka buddy nung pinaka panganay na Kuya ko yun sa Rotc. Inuman, kwentuhan, kantyawan. Si Kuya Jon yung sentro ng asaran nun, kasi ang bata nga ni Dean, ginayuma daw ba nya. Hapon na nakapunta si Dean sa bahay kasi dumating parents at relatives nya dun sa family house nila. Pinakilala sya ni Kuya Jon kay Kuya Abet, nagkamay sila. Tapos natulala si Dean, nagcollapse. Si nanay nun naghi-hysterical na. Pero mga 5 minutes na bigla syang nagising. Hinihingal, biglang namawis. Tinitigan nya si Kuya Abet.

'Dugo, maingay, madaming patay'

Walang nagsabi sa kanya na sundalo si Kuya Abet dati. Hindi rin namin alam yung dahilan kung bat sya maagang nagretire. Umiyak na lang bigla si Kuya Abet, yun pala dahilan bakit sya nagretire ng maaga, natrauma sa gyera sa Mindanao.

Pangalawa: May tropa akong muslim na nagtitinda ng gadgets sa palengke. Nung nagsawa ako sa phone ko, ipapa swap ko sana. Niyaya ko si Dean na sumama. Nung nandun na kami sa loob ng pwesto, may nakita akong magandang model. Nokia pa uso nun, Nseries. Nung pinakita ko sa kanya, kinuha nya tas natulala na naman sya. Saglit lang binitawan nya yung phone.

'T*ng*na Kevin wag yan'

Tinanong ko kung bakit. Sabi nya galing sa holdap yung phone, napatay yung may-ari. Edi ako, di ko na swinap yung phone ko.

Ikatlo: Dahil nga bata pa sya, gusto ni Kuya Jon, mag-aral sya hanggat wala pa silang anak. Kasabayan ko syang nag-enroll. Magkaiba lang kami ng course. Pero sabay kaming pumasok tyaka umuwi. Campus festival nun, player sya ng volleyball tapos may mga dumayo na taga ibang school, nakalaban nila. Sa paghabol nya ng bola, natumba sya dun sa bench ng kalaban. Nahawakan nya yung coach ata basta yun yung nagmamando sa kabilang team. Natulala sya, kaya ako hinila ko na sya palayo. Nung nahimasmasan sya, umiiyak sya.

'Clinic. Kevin punta tayong clinic'

Pumunta kami, kasama ko yung iba kong classmate. Pero nung nasa clinic na kami sabi nya tawagan ko daw yung bestfriend nya si Sam. Tinawagan ko, ilang minutes lang dumating na. Akala ko nga nung una may relasyon sila, isang dahilan yun kaya bantay sarado ko si Dean, loyal ako sa kuya ko no.

Umiyak sya ng umiyak, nanginginig pa. Tinatanong ko sya kung bakit pero sabi ni Sam pag kalmado na daw saka na ko magtanong. Ipinaalam ko sya sa coach nila, umuwi na kami. Umalis na rin si Sam, nung dumating si Kuya Jon, yakap sya agad. Nanindig balahibo ko nung marinig ko yung dahilan bakit nagkaganon sya.

'Sya yung nang rape sa estudyante! Kitang kita ko. Nakapiring yung babae dhie! Sya""

Si Kuya, katulad ko di nya gets pero aware sya sa kakayanan ni Dean, naninindig balahibo nya halata sa braso. Nung pinipilit syang pakalmahin ni Kuya, tumingin sya sakin

[1] True Filipino Horror Experiences (Tagalog)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon