Nanay

95 11 1
                                    

Nanay

"Gusto ko lng magshare ng kwento ng pinakamamahal kong ina. Dahil sa marami din akong nabasang kwentong nakakahawig sa kanya..Medyo mahaba sya pero sana mapagtyagaan ng babasa at sana maisama nyo sya sa panalangin nyo.
  
Nagsimula ang lahat nung maibenta ni nanay ang lupang tinitirhan namin.Palibhasa elementary lang ang natapos nya nagpatulong sya sa kaibigan nyang ahente ng lupa 2ngkol sa usaping legal at pag aayos ng papel.Nabenta naman nla at nag usap sila sa hatian ng porsyento.Umiral ang pagkaganid sa pera ng kaibigan ni nanay at wala pa sa kalahati ng pinag usapan nila ang ibinigay nila sa kanya.Pag uwi nya sa bhay masamang masama loob nya at nag iiyak dahil daw sa di sya nakapag aral kaya madali syang naloloko at wala syang magawa para maipagtanggol ang sarili nya.Pinakalma namin sya at sinabeng ok lng yun kahit pano nagkaroon sya ng porsyento.Dati kasi nakapagbenta din yun pero pinakain lang si nanay sa labas at di binigyan ng pera.Simula nun hindi na sya nakipag usap at nakisama pa doon.May nang intriga pa na sinabi daw ng nanay ko na balak silang ipakulam ni nanay,pero wala itong katotohanan.
   
Nagulat nlang kami isang araw na nagpunta yung kaibigan ni nanay at nag abot ng 50k sa kanya.Nagkamali lang daw ng kwentahan at kalimutan nalang daw ang nangyari.Niyakap pa nya c nanay bago umalis pero habang nakikipag usap sya kay nanay hindi ko alam kung bakit nakaramdam ako ng takot.Ayaw tanggapin ni nanay yung binigay nya pero pinagpilitan nyang maigi at sinabing kakailanganin din yun ng nanay ko.
   
Isang linggo matapos syang dalawin ng kaibigan nya nagkasakit si nanay.Namimilipit sya sa sakit ng tiyan at halos lahat ng kinakain nya ay inilalabas nya rin agad.Dinala namin sya sa doktor at sumailalim sya sa iba't ibang test pero nag negative lahat.Puro pangtanggal kirot lng ang ibinigay sa kanya.Naghanap kami ng 2nd to 3rd opinion pero ganun parin ang result hanggang sa si nanay na mismo ang nagsabeng iuwi nalang namin sya sa probinsya.Limang araw na syang namimilipit sa sakit at halos bagsak na yung katawan nya.
   
Nung gabeng nag aayos kami ng gamit nya dahil iuuwi na namin sya tinawag nya ako at sinabing pagpagin ko daw lahat ng damit namin sa cabinet at palabasin ko daw yung matandang naipit doon.Yung pinto kc ng kwarto namin nakatapat sa sala kung san kame nakaupo.Sbe ko sa kanya ""sinong matanda?!""ang sagot nya sa akin ""Yung matandang kanina pa nakatingin sa atin,pinipilit nyang ilabas yung katawan nya!""Bigla kong hinipo yung ulo nya para tingnan kung may may lagnat sya pero normal ang temperatura nya.Nagalit pa nga sa akin at sinabeng tiyan lng daw nya ang masakit at wala syang lagnat.Sa takot kong yun hndi na kame natulog sa kwarto.
   
Kinabukasan umuwi kami ng pangasinan at habang nasa byahe kame malungkot yung mukha nya at ang lalim ng iniisip.Sabe ko sa kanya wag syang mag alala kc gagaling naman sya at kung sakaling magtagal sya dun papupuntahin ko naman ang mga pamangkin ko dahil isa pa sa dahilan bakit mabigat sa loob nyang umalis ay dahil mamimiss nya yung mga bata.Bigla nyang sinabi na mukhang di na sya makakauwi sa amin at kung mangyari daw na mamatay sya ay lumipat agad kami ng bahay.Umoo lng ako kahit mabigat sa loob kong marinig lahat ng sinasabi nya.
   
Nakarating kami ng Friday ng gabi sa pangasinan.Nung gabing yun hndi na kami natulog para bantayan sya.Nung nakita naming nakatulog na sya pumwesto kame ng mga tiyahin ko sa sala at pinagkwentuhan yung albularyong pupuntahan namin kinabukasan.Pasado alas dos na ng makaramdam ako ng antok.Nauna ng nakatulog ang mga tyahin ko dahil nga siguro sa pagod narin..Nagulat nlang ako ng sumiksik si nanay sa sofa na hinihigaan ko.Bitbit nya yung unan at kumot nya.Sabi nya tatabi nalang sya sa akin dahil may mga kamay daw na nasa bintana at pilit syang inaabot.Isinasama na daw sya.Niyakap ko nalang sya habang naiyak ako.Kahit natatakot ako pinilit ko paring bantayan sya hanggang makatulog.
   
Nang umaga ng sabado hindi na sya talaga makalakad at makapagsalita.Parang umurong ang dila nya at ungol nalang ang ginagawa nya pag tinatanong namin sya habang nangingilid yung luha nya .Halos madurog ang puso ko pero di ko pinapakitang umiiyak ako.Pinapunta nalang namin yung albularyo sa bahay dahil di na tlga kaya ni nanay.Nagulat ako sa sinabe ng albularyo.""Hindi ko na kayang gamutin ang nanay mo,nahuli na kayo.Minamadali na sya dahil nararamdaman nilang alam na ng nanay mo.Nakakasama pa ng loob na pinatuloy nyo pa sya sa tahanan ninyo.At yung inabot nya sa nanay mo,siguradong magagamit nyo na.""Kinilabutan ako sa sinabe nung albularyo,noon lng ako naniwala sa mga ganong klaseng manggagamot.May hinala na pala si nanay na kinukulam sya kaya gusto nyang umuwi ng probinsya para magpagamot.Wala naman akong naikwentong ganun kc nga tutol ako nung una na ipagamot c nanay sa albularyo.Binigyan nya nlang kami ng pangontra dahil baka raw may isunod pa sya sa pamilya namin ngayong kilala na namin kung sino gumawa nun.Kinabukasan namatay na si nanay.Bumigay narin ang katawan nya.Doon na namin sya inilibing sa probinsya.Pagkalibing nya nagsipag uwian na kame sa cavite at nung hinanap namin yung kaibigan ni nanay hndi na doon nakatira sa lugar namin.Hndi narin ako interesado pang malaman kung san sila lumipat.
   
Hanggang ngaun masakit parin sa loob ko 2wing naalala ko yung hirap na pinagdaanan ni nanay.May mga araw na napapanaginipan ko si nanay at sinasabe nya tlgang kinulam sya pero wag kaming mag alala dahil sya na daw ang bahala dun.Lumipat din kami agad ng bahay pagkauwi namin galing probinsya.Nalaman nalang namin n may matanda palang namatay dun sa tinirhan namin bago pa kame lumipat doon.Nakita nlang syang patay sa kwarto.Yun cguro ang nakita ni nanay na naipit sa cabinet.Kung nasaan ka man nay alam kong masaya ka na at alam kong napatawad mo na sila.Ikaw kasi ang klase ng taong hindi mapagtanim ng galit.Turuan mo akong maging kagaya mo..kc hanggang ngaun mabigat parin sa loob ko ang sinapit mo.
   
Salamat sa mga naglaan ng oras para magbasa." 

Nanay's Girl19

📜Spookify
▪︎2016▪︎

https://www.facebook.com/350647578436189/posts/553167301517548/

[1] True Filipino Horror Experiences (Tagalog)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon